Panibagong araw panibagong panahon na aking haharapin na naman hindi ko alam kung baket ako iwas sa mga tao siguro takot lang talaga ako.. Takot akong makasalamuha sa ibang tao, takot akong mag kaibigan, takot akong makakilala ng ibang tao, takot akong iwan, takot akong ipagtabuyan ng iba.. Di ko alam kung baket ko nararamdam ang mga bagay na yon di ko alam kung baket ako naging ganito..mag isa lang ako sa buhay mag isa lang tumitira sa bahay mag isa kumakain. Di ko alam kung baket nangyari to saken at kung baket pinagdadaanan kung tong mag isa lamang ako.
Ako nga pala si Alex Ynigo Valdez na nag aaral sa Ateneo De Manila University maswerte na ako dahil dito ako nag aaral siguro na din dahil sa scholar ako ng paaralan na ito.
Kung tatanungin nyo kung may pamilya pa ba ako? Kahit ako hindi ko alam eh kase mahigit limang taon na akong nag iisa sa buhay.. Hindi ko rin alam kung nasaan sila.
Pero ang alam ko mayaman sila pero di naman ako nag hahangad ng yaman nila kontento na ako kung ano ang meron ako ngayon.
Kaya lang naman ako naging ganito o nag iisa sa buhay dahil mas pinili kong umalis sa mansion ng mga Valdez dahil sa parang wala lang ako sa mommy at daddy ko yung nakakatandang kapatid na babae lang ako nakakapansin saken noon.
Si ate Alexa Kyle Valdez ang nakakatanda kong kapatid na babae si ate Alexa sya yung super close ko dahil na din sa dalawa lang naman kaming mag kapatid at sya lang ang bukud tanging nakakapansin at kumakausap saken noong nasa mansion pa ako ng mga Valdez.
Si ate Alexa sya yung kapatid na super sweet, maalaga, sobrang bait at sobrang ganda din nya kaya nga noong nasa pader pa ako ng mga Valdez makikita mo araw araw may mga nag papadala ng bulaklak sa bahay galing sa ibat ibang lalake na nagkakagusto kay ate Alexa.
Simula nung umalis ako sa bahay namin lahat ng connection ko sa pamilya ko tinanggal ko na. Hindi ko nga alam kung hinahanap nila ako eh pero sa limang taon na ang nakalipas siguro naman hindi ako hinahanap nila o pinapahanap.
Siguro na din dahil sa kilos at pananamit ko dahil tuwing lalabas ako ng condo ko o kaya papasok ako sa school nakasuot ako ng jaket at nakalagay sa ulo ko hoodie ng jaket ko at parang nakayuko.. Na para bang takot sa mga tao o may pinagtataguan.
Ngayon papunta na ko ng Ateneo nilalakad ko lang yon hanggang sa condo ko malapit lang naman yung condo sa school eh.. Kaya di ko na kailangan sumakay .
Papunta na ako sa room na papasukan ko ngayong first subject ko ng biglang...
"Alex! "
May tumawag saken kaya medyo tinunghay ko ang ulo ko para makita ko kung sino yung tumawag saken.
"Ai?"
"hey.. Pupunta ka na ba sa room? Sabay na tayo tutal classmate naman tayo diba? " --Ai.
Inakbayan nya pa ako halos mag kasing tangkad lang naman kame ni Ai. At hinatak na ako papunta sa room na papasukan namin ngayon.
Sya nga pala si Ai nacachi sya lang ang bukod tanging kayang kausapin ako at nalalapitan ng ganito. Diba sabi ko naman sa inyo na medyo ilag o iwas ako sa mga tao kase hirap na kase ako mag tiwala sa ibang tao pero sa nakikita ko naman kay Ai mabait naman sya at masayahing tao kaya din siguro na pinapayagan ko sya makalapit ng ganito saakin.
"kamusta bro?" -Ai
"okay lang"
"Diba sabi ko sayo wag ka na mag taklob ng hoodie sa ulo mo"
sabay baba nya ng hoodie ko. Ako naman binalik ko lang sa pag kakabagay yon.
"baket ba gustong gusto mong nakaganyan ka eh lalong hindi makikita ng mga babae yang kagwapuhan mo"
Sabi pa nito saken.
"Wala lang"
"Gusto mong sumama saken mamaya Alex? "
"Saan?"
"May bonding kase kami ng mga kaibigan ko mamaya baka gusto mong sumama para makilala mo sila at para na din makakilala ka ng ibang kaibigan"
"Ayoko kayo nalang"
"Ano ka ba Alex tayo tayo lang naman ang nandon eh pati kasama mo pati ako panigurado hindi ka maiinip don masaya silang kasama tyak na mag eenjoy ka don"
"Ayoko talaga"
"Ang kj mo naman Alex hindi ka naman namin kakainin don pati mababait din sila mapagkakatiwalan pati yon sila kaya sumama ka na"
Tumigil ako sa paglalakad at timingin sa kanya kaya napahinto din sya sa paglalakad.
"Oh baket? "
"Sigurado kang hindi ako mapapahamak at mapagkakatiwalaan sila? "
Napangiti naman sya ng itanong ko sa kanya iyon.
"Oo naman.. Promise Alex mag eenjoy kang kasama kame wag kang mag alala di ka naman mapapahamak pati sobrang bait nila kagaya ko haha"
Sabi nito at nag patuloy na kame sa pag lalakad habang papunta kame sa room namin. Habang naglalakad kame kwento lang sya ng kwento tungkol sa mga kaibigan nya mababait daw ito.
Nang makapasok na kame sa room ay agad kaming nag siupuan dahil sakto pag dating namin sa room ay sakto din naman ang dating ng prof namin kaya nag simula na agad ang klase namin.
Habang nag lalakad ako sa hallway ng school namen ng may biglang tumigil na sasakyan sa tabi ko kaya napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa sasakyan.
Agad ko naman nakilala kung sino ang nasa loob ng sasakyan dahil sa pagbaba nya ng salamin ng sasakyan nya.
"Hey! "
Si Ai lang naman pala.
"Baket? "
"Sunduin kita mamaya ha!"
"Okay" at tumango lang ako sa kanya.
Paalis na sana sya ng biglang may sabihin ulit sya.
"Oo nga pala hindi ko alam kung saan ka susunduin bro haha 😅"
Ay oo nga pala haha... Kaya ibinigay ko sa kanya kung saan nya ako susunduin mamaya.
"Sige bro alis nako kita nalang tayo mamaya"
"Ingat" sabi ko sa kanya at umalis na naman sya agad pero bago sya umalis bumusina muna sya kaya tinanguan ko naman sya.
Nag patuloy ulit ako sa paglalakad pauwi dahil mag papahinga muna ako bago mag ready para mamaya.