Kris' POV
I'm just a simple person living in this world. I'm contented of what I have, until this girl of mine came into my life. It all started.....
A Year ago....
Kris: Ma?? Bakit po hindi pwedeng mapasukan ang kwartong to? (turo sa pinakadulong kwarto ng bahay nila)
Kris' mom: Basta anak, Promise mo na hindi ka papasok sa kwartong yan ha?!
Hindi ko alam kung bakit hindi ako pwedeng pumasok sa kwartong yun. Sinasabi lang ng Mama ko na bawal. Pero bakit? Bahay naman namin 'to?
5 buwan na ang nakakalipas simula ng umuwi dito Tita Minda. She's my mom's bestfriend. Dun kasi sila sa America nakatira for 6 years. Dito siya ngayon nakatira sa bahay namin. Ang alam ko, may anak siyang babae. Dating kaibigan ko yun eh. Kaya nga nagtataka ako nang umuwi siyang mag-isa.
May ipinasok na malaking kama sa kwarto na pinagbabawalan ni Mama na puntahan. Palagi kong nakikita na dinadalhan ni Tita Minda ng pagkain ang kwartong yun. Kaya alam ko na may tao dun. Pero sino?? Wala naman siyang kasama nung umuwi siya dito.
Malaki ang bahay namin. Marami din ang nakatira. Usually mga friends ni Mama ang nakatira dito.
Girl: Hello Kris. You're looking at that door na naman? Still wondering???
You met Yassi. Anak siya ng isang kaibigan ni Mama. Maganda siya at matalino. Yun nga lang medyo may kaartehan. Kaya ayaw ko sa kaniya.
Kris: Wala kang paki-alam.
Yassi: You're so sungit talaga!
Araw araw kasi akong nakatingin sa kwartong yun eh. Ewan ko ba. Basta parang may tumutulak sakin na pasukin yun. Pero ayaw ko namang mapagalitan.
Kris: Dun ka nga!
Yassi: Sayang talaga ang kagwapuhan mo!
Kainis talaga 'tong si Yassi.
Kris' Mom: Oh, bakit nakatunganga ka pa rin diyan? Pumasok ka na .
Kris: Opo. Alis na po ako. (goodbye kiss to his mom)
Pagdating ko sa school, kadalasan yung about sa kwartong yun din ang nakukwento ko sa bestfriend ko na si Derrick.
Derrick: Pare, baka naman kasi wala naman talagang misteryo sa kwartong yun. Paranoid ka lang.
Kris: Eh, bakit dinadalhan ni Tita Minda ng pagkain ang kwartong yun?
Derrick: Hmmm... Malay mo. Gusto niya lang doon kumain. Trip trip lang. Sus! Pare naman. Huwag mo namang basagin ang trip niya. Basagero ka eh noh??
Kris: Basta pare. Papasukin ko talaga ang kwartong yun.