Chapter 28 : Ayoko nga!

6.3K 85 14
                                    

Juiceme~ hahaha I’ve made up my mind. Tatapusin ko na itong story. Karakaraka! Hihihi. Para mabawasan ang iniintindi ko. May thesis pa ako. Huhuhu! Hahaha Sa lahat ng bumasa ng Addicted To You, THANK YOU!  Pag nag 10K reads yon, ipopost ko ang story ni FATE. Mua :*

=====================================

Secret 28

 

Lumipas na ang ilang buwan. HAAAAAYYYY nakakatamad! Pero exciting kasi gagraduate na ako! Alam niyo ba kung kailan? BUKAS! HAHAHA YAY! Baka nagtataka kayo, masaya na ulit ako? Kasi natanggap ko na, wala na si oppa. Life must go on! Nandiyan pa naman si Kyler ko! Yiiiii. Malandeeee.

“HOY BESTFRIEND! ANONG TINATANGA MO DIYAN? TUMULONG KANG MAG AYOS DITO!” aysuuus! Naging brutal ata ang bestfriend ko? Sigawan daw ba ako! Patakbo akong lumapit sa kanya at piningot ko ang tenga niya.

“Sinisigawan mo ako?” ngumiti naman siya sa akin ng parang nagsosorry. HAHA.

“H-hindi no! Ikaw talaga, lika na bilis! Ayun oh, may merienda doon. Baka kako napapagod ka na hihihi.” Ang totoo kasi niyan, kanina pa ako nagaayos ng stage. Ako ang nag uutos kung anong magandang ayos doon. Pati nga kulay ako ang namili. Kaya ayan hahaha lakas ng loob ni Diana na sabihing nakatanga ako! HAHAHA. Buti natakot sa akin.

Bigla ko naman siyang niyakap “Mamimiss kita.” Nanigas naman siya sa sinabi ko. Gagraduate na kasi kami diba?

“EHH. Shunga ka talaga! Magkikita pa tayo no! Saka walang iwanan! Ninang ka kaya ng baby ko!” ako ang mas nanigas sa sinabi niya. Lumayo ako ng konti sakanya at kitang kita niya yung pagkagulat ko. Nakita kong nakagat niya ang labi niya, senyales na nadulas siya.

“Totoo?!” napayuko siya sa pagsigaw ko at marahang tumango tango.

“WAAA! ALAGAAN MO NG MABUTI BESTFRIEND HA! KYAAAA! Magiging ninang na ako sawakas! Alam na ba ni – Tim?” Alam ko namang siya ang ama.

“Sino yun?” nakita kong dumilim ang aura ng mukha niya nang itanong ko iyon.

“Diana!” sabay kaming napalingon ni bestfriend sa lalaking sumigaw. Speaking of the devil, ayan na siya! Yiiiiii!

Naglakad palapit sa amin si Tim na may dala dalang isang rosas. Iniabot niya ito kay Diana.

“Oh? Ano yan?” ang sungit namaaaan! Hahaha. “Rose. Are you blind?” sagot naman ni Tim, naku sige ka di ka papasa niyan juskoooo! “Baka gusto mong ikaw ang bulagin ko. Anong gagawin ko diyan?” ang taray talagaaaaa! Mana kay ... ESH! HAHAHA “Kainin mo, subuan pa kita.” Ngingisi ngisi pa tong gagong to hahaha.

“HAHAHA” si Diana yan, nagpeke ng tawa! Halatang inis na inis na siya. “Kainin mo magisa.” Saka siya rumampa patalikod at naglakad papuntang stage. Natatawa ako sakanilang dalawa naku ang lakas talaga ng trip ni Tim. Tumingin siya sa akin saka kumindat. Nginitian at tinanguan ko lang siya at sinundan na niya si Diana. Ang sweet nila hahaha.

____

Nakakapagod grabe. Parang gusto ko nalang humilata magdamag! Kararating ko lang sa condo at hmmm wala pa si Kyler? San kaya nagpunta yun? Baka nanchicks! HMP.

*KRIIIINNNGG*

Incoming Call

Daddy yow <3

 
Waaa. Bakit kaya? "Hello daddy?"
 

["Hi princess. I want you to meet someone.. Get dressed now. See you at Crimson Hotel."]

"Ah--"

Kelan pa naging bastos si daddy?! Babaan daw ba ako ng phone! GGRRRR. Sino naman kaya yon?

Nagbihis na ako agad dahil mahirap na, baka magalit pa si daddy. Nagsuot lang ako ng simple pink dress saka doll shoes at umalis na agad.

Nakarating ako sa hotel agad kasi super lapit lang. Katabi lang kasi ng condo ko. Errr.

"Good afternoon ma'am, table for?" tanong sakin nung waitress. Nginitian ko lang siya sabay nginuso ko ang kinaroroonan ni daddy. Haha tinatamad ako magsalita eh nginuso ko nalang.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila daddy. I wonder kung sino iyong kaharap niya. Don't tell me arranged marriage itoooo!? Noooo! Kay Kyler lang ako! Nakagat ko ang pang ibabang labi ko habang papalapit ako sakanila.

"Dad." agad namang lumingon sa akin si dad. Tumayo siya pati yung dalawa niyang kasama.

"I would like to introduce my daughter, Emerald. " bumaling siya ng tingin sa akin "Princess, he's Mr. Dino Choi" nakipag shakehands ako sa matabang baboy na ito. Wish ko lang hindi siya yung ipagkakasundo sa akin!

"Pfft. " napakunot yung noo ko nang marinig ko ang pigil na tawa nung katabi nitong matabang baboy. Nanlaki yung mata ko..

"And this is his son, Andrew Choi."

Tulala pa din ako. Siya? Siya yung.. Yung nasa ospital. The creepy guy!

"It's nice to see you again, Emerald" grabeeeeee! Kinilabutan ako nung banggitin niya yung pangalan ko oh my ghad!

"It looks like na magkakilala na kayo. That's good." sabi nung matabang-- errr tatay pala siya nitong si creepy guy. Nagtawanan naman sila ata umupo na kaming lahat.

"So, to settle things now. Your dad wants his and my company to merge. To make it short, before I do that, I want you and my son to get married." saka ngumiti ng matamis si taba-- ay este Mr.Choi.. Ah, merge..

Marahas akong napatingin kay daddy. And I gave him a questioning look. Nagiwas naman siya ng tingin at nginitian si tabachoi. ANAK NG BABOY!? Kababati lang namin tapos ito ang gagawin niya?

Ngumiti ako ng matamis. Lumapit ako kay daddy at bumulong. "Hindi mo naman ako itutulad sa nangyari sayo, right dad?" Tinignan ko siya sa mata. Saka siya umiling at bumulong "I'm sorry."
 

That's it! I'm doomed! I can't let this happen!

Tumayo ako agad "This is insane. Sorry Mr.Tabachoi, err Mr.Choi. But, I already have a boyfriend, chao!” saka ako agad na naglakad palayo. Narinig ko pang mag sorry si papa sa inasal ko, the hell I care! Nakakainis naman si daddy!

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa marating ko ang parking area. Ay sheet wala nga pala akong dalang sasakyan dahil naglakad lang ako. Papalabas na sana ako nang biglang may humarang sa akin.

“You think you could escape?” kinilabutan nanaman ako! Nag angat ako ng paningin at nakita ko siya. Si Andrew!

“H-how did you—“ ngumisi lang siya sa akin at hinapit ako sa beywang. “You’ll be mine. Walang nakakatakas sa larong sinisimulan ko.” Napalunok ako, laro? Itinulak ko siya ng malakas saka ko siya sinampal.

“Huwag mo nga akong sinasali sa laro mo! Kung akala mo lahat ng babae makukuha mo puwes ako hindi!” ngumisi ako saka ko siya hinawakan sa kwelyo niya. “Ito ang tatandaan mo, dadating din yung taong pipigil at magbibigay ng leksyon sayo! At sa araw na ‘yon, isusumpa mo, na sana hindi mo na naisipang maglaro!” saka ko siya itinulak ng malakas at patakbong umalis sa harap niya.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa may mabunggo na naman ako! Ano ba naman yan! Lagi nalang akong nabubunggo! Malas!

“Badtrip naman oh!” saka ko tinignan kung sino ba yung bumunggo sa akin. Bigla akong nanlambot at agad ko siyang niyakap. “Ilayo mo na ako dito, please.” Gumanti naman siya ng yakap sa akin at naramdaman kong sumasang ayon siya sa sinabi ko.

My Secret Love Master (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon