33. The Hopeless Moment

167 2 0
                                    

Mga paano at bakit na gumugulo sa aking isipan na idinulot ng iyong pag-iwan..

Paano nga ba.. Paano kung napaltan na nga.. Paano kung wala ng pag-asa..

Pero sana'y alam mo na sa kabila ng mga paano't bakit sa aking isipa'y hindi ako susuko.

Kahit sa una palang alam kong sobra kang nasaktan at may posibilidad na may iba ka na.

Sobra akong nagsisisi na hindi ko sinabi pero sana maintindihan mong wala lang din naman yon dahil mahal naman talaga kita... Sobrang mahal.

Haysss...

May biglang tumunog na cellphone ko pala.

*Rafaelo calling*

Oh.. Bakit tumatawag ang kaklase ko?

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

[Uy Lance!]

"Par! Napatawag ka?"

[Ano kasi.. May pinapasabi si duuudee Zack..]

"Ano iyon?"

[Gusto ka raw niyang imbitahan sa kanyang maliit na celebration para sa darating na kaarawan ng kapatid niyang si Miyuhan.]

"Oh..."

"Sige, sasama ako, pakisabi hehe."

[Ayooown! Matutuwa si Zack neto!]

"Isa pa.. Pakisabi salamat na sa pag-imbita."

[Sige sige.]

"Ay Rafaelo!"

[Oh?]

"Sa tingin mo, andoon din kaya mamaya si Angelica?"

[Ahmmm.. Wala akong kaide-ideya Lance. Tatanungin ko si Zack, i-message nalang kita mamaya para ipaalam sa'yo kung sasama siya.]

"Ah.. Sige salamat par!"

[Walang anuman! Sige, ibaba ko na.]

"Okie."

*toooot*

Sana nandoon siya..

*knock knock*

"Pasok po.."

Bumukas ang pinto at pumasok si mama.

"Lance anak?"

"Yes ma?"

"Malapit na matapos taon niyo noh?

"Oo nga ma eh.."

"Ilang buwan na lang graduation niyo na."

"Anong balak mo sa buhay, anak?"

"Siguro mag-IT nalang ako ma."

"Wow anak.."

"Naaalala ko ang uncle mo hehe parehas na parehas kayo.."

"Talaga ma?"

"Oo eh.. Magaling na magaling siya na IT sa angkan namin." natawa nang mahina si mama.

"Pero sa tingin mo ma.."

"Ano yon, nak?"

"Posible pa bang maayos...." naluluha kong sabi.

"Nak.. May problema ba?"

"Ma..." tuluyan nang umaagos ang mga luha sa aking mata pero pinipigilan ko ito.

"Anak.. Si Angelica ba?" concern niyang tanong.

Diary Ng Mga N.T.I.(Nagmahal Tapos Iniwan) {ONGOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon