21

3.7K 55 0
                                    

Naunang pumasok sa loob ng kwarto nya si Dave. Binuksan nito ang ilaw at unang bumungad sa akin ang isang maaliwalas na kwarto. Hindi katulad ng kwarto na meron siya doon sa gusaling tinitirhan nya ngayon.


Puti at sky blue ang makikitang kulay sa kwarto nya. Hindi naman mukhang pang bata ngunit hindi lang nababagay sa pagkatao nya na nakilala ko. Ang kwarto kasi na ito ay parang punong puno ng buhay. Mukhang masiyahin ang may-ari. Hindi katulad ng sa bahay nya ay puti at itim ang makikita. Mukhang walang kabuhay buhay ngunit panglalaking panglalaki ang dating.


Sinara ko ang pintuan ngunit nanatili lang ako roon. Ayokong lumapit dahil ayokong marinig nya ang kalabog ng dibdib ko.


"What are you waiting for? Lumapit ka dito." yaya nito.


"M-agsasama tayong m-matulog?" kinakabahang saBi ko sa kanya.


Tumawa ito ng mahina at saka tumayo sa kama.


"May masama ba doon? Hindi naman natin gusto ang isa't-isa. Wala namang malisya." sabi nito habang palapit ng palapit ang mga hakbang sa akin.



"H-hindi ako kumportable. Hindi pa ako nakakaranas na matulog ng may kasamang l-lalaki."



Tumigil ito ng nasa harap ko na. Ibinaba nya ang lebel ng mukha hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Sumisilay ang mga panloko nitong mga ngiti.


"Hindi naman ako lalaki. Babae din ako. Anong masama roon?" nakangiti paring saad nito.



Lumapit pa ito sa akin kaya napahakbang ako palayo hanggang maramdaman ang isang matigas na bagay sa likod ko. Wala na pala akong mahahakbangan. Mukhang pintuan na itong sinasandalan ko.



Lumapit ito sa akin lalo. Inilapit pa nito ang mukha sa akin. Halos magtama na ang mga ilong namin sa sobrang lapit nya. Naririnig ko na din ang paghinga at ang init na nanggagaling dito.



Itinukod nya ang kamay sa magkabilang gilid ng mukha ko. Naduduling na ako at hindi na sya makita ng maayos.


Lumalakas ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing lumalapit sya sa akin. Tila nagwawala ang puso ko at gustong lumabas sa katawan ko. Natatakot ba ako sa kanya? Pero hindi ko naman maramdaman ang ganoon. Kumakalabog nalang ito. Hindi ko maintindihan.


Lumayo ito sa akin at ngumiti.


"Ang ganda mo talaga e noh?" matamis na ngiti na sabi nya.


"Inggit ka lang e." natatawang sabi ko sa kanya.


Nawala ang ngiti sa mga labi nya at napatulala sa akin. Huh? Hindi nya ba naintindihan ang biro ko?


Tumawa na din ito at pinisil ang ilong ko. "Marunong ka palang magbiro?" natatawang sabi pari nito. Sumimangot naman ako ngunit ngumiti na din.



Masaya ako at nakakapag-usap kami ng ganito. Buti nalang ay sa kanya ako napunta. Magaan ang loob ko sa kanya at mapalad ako dahil mabait na tao ang naging amo ko. Kahit na marami akong naririnig sa bayan namin na sumubok na mag-Maynila ngunit nabigo dahil malupit ang mga amo nila sa kanila.



"Maghahati tayo sa higaan. Lalagyan natin ng unan yung gitna. Okay na ba sayo yun?" malumanay na sabi nito makalipas ang ilang sandali.



"Wala bang ibang kwarto rito? Hindi talaga ako sanay na may kasamang lakaki sa iisang higaan." nahihiyang sabi ko sa kanya.



Alam ko na nakakahiya dahil nagrereklamo pa ako e sya ang may-ari ng bahay na ito ngunit hindi ako kumportable na may kasamang lalaki sa iisang higaan.



HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon