Chapter 8: First Mission

8 1 0
                                    

Chapter 8

First Mission

***

Okay naman na ako ngayon at nagpasalamat na din sa mga kaibigan kong tumulong na dalhin ako rito sa healing room ng academy. Sa kasulukuyan ay nagpapahinga muna ako dito.


Ang bilis ng mga pangyayari, ang sabi lang sakin ni Cassey ay biglang sumulpot nalang daw si Evan at hawak-hawak na ako nito. Ewan ko na talaga! May kakaiba talaga sa Evan na 'to eh, well sino nga bang hindi weird dito? Lahat naman.

Biglang bumukas ang pinto, "Professor Alexa magandang umaga po, ano pong maitutulong ko?"magalang kong pagsasalita.

"Meron akong isang misyon para sa iyo, maaari mo ding isama ang iyong mga kaibigan upang tulungan ka." Mission?

"Pero bakit ho ako? Hindi pa naman po ako senior o isang napakalakas na estudyante para ipadala sa isang misyon?" takang tanong ko.

"Dahil ikaw lamang ang makakagawa nito, para sayo din naman ito. Kailangan mo ng partner upang ikaw ay matulungan. Isang itlog ng Laethellop Dragonus ang kailangan mo, iyon ang pinaka-nababagay sa iyong kapangyarihan. Isa itong Rank A Mission, especially for you, isama mo si Phoenix at ang iyong mga kaibigan." Oo nga kailan ko na ng makakatulong sa buhay ko. Pero bakit kailangang kasama si Phoenix? Pwede namang sina Lyra nalang.

Tatanungin ko dapat si Professor Alexa kaso pagkalingon ko ay wala na ito, kanina pa pala umalis. Hindi man lang nagsabi. Pero meron naman siyang iniwang mapa at ilan pang detalye na makakatulong sa 'kin upang mapagtagumpayan ang aking unang misyon.

Tumayo na ako at nagbihis. Wala naman akong sugat o kung anong sakit kaya aalis na ako dito. Boring.

Hahanapin ko pa sina Cassie dahil sila nga diba ang makakasama ko sa first ever mission ko.

Naiisip ko pa lang ang mga mangyayari nae-excite na ako. Sana talaga mapagtagumpayan ko ang mission kong ito.

"Cassie!"

Napalingon naman siya ng maring niya ako at agad na ngumiti.

"Kamusta ka na? Okay ka na ba? Diba dapat-"

"Grabe siya oh, pwede isa-isa lang ang tanong," napabuntong-hiniga siya, "Huy! Okay na ako!" Sabay stretching pa sa harapan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fantastic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon