Chapter 19: (Her POV)
Sa buhay, madami ang choices. Dahil kung wala, wala kang pagpipilian at basta-basta ka nalang magdedesisyong gawin ang isang bagay. Hindi natin alam na ang desisyong pinili natin ay hindi pala nakakabuti satin.
Ang isa sa mga choices na naranasan ko sa buhay kong ito, ay kung habang buhay ba akong magagalit kay mama o piliin nalang na patawarin sya dahil kahit anong gawin ko ay ina ko parin sya.
Kung susuko ba ako sa problema o maghahanap ng solusyon para malutas ito.
Kung hahayaan ko bang masaktan ang sarili o hayaan nalang na mapasaya ang kapatid ko kapag nasa tabi nya si Silver.
Kung kakalimutan ko ba si Kian o maghintay nalang na dadating ang araw kung kailan ako makakalimot.
Kung tatakbo ba ako pabalik sa kanya at iwan si Silver na hanggang ngayon ay umaasang sa gawi naman nya ako tatakbo pagkatapos kong madapa sa kakahabol ko kay Kian.
Kung magmamahal parin ba ako o hindi na.
Ganyan ang mga choices. Lahat tayo may kanya-kanyang pagpipilian, tungkol ba yan sa love, family, problems, insurance o kung ano-ano pa.
Pero sa sitwasyon ko, ang dali lang naman pumili ng choices pero ang hirap gawin. I badly want to forgive my mother but hell, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa, hindi ko kayang ipakita sa kanya na minahal ko rin sya pagkatapos ng lahat ng sakit at paghihirap na dinulot nya samin.
And I really love Kian, he's the one who made me realize what love is.
Sa salitang pag-ibig, handa kang maging selfish at tanga para makuha mo lang yung kaligayahan mo. Pero dapat inisip rin natin na hindi sa lahat ng pagkakataon na kapag nainlove ka at inlove rin sayo ang taong gusto mo ay palagi ka nalang masaya at puro kilig ang nararamdaman.
Laging tatandaan na madaya ang pag-ibig, hindi ka nito hahayaang hindi ka masaktan. Lahat tayo nagmahal, at lahat tayo nasaktan. And so I am.
I tried my best to move on, pero nung malapit na akong makalimot ay ang pag-amin rin ni Kian na mahal nya ako, for so long.
"Iniiwasan mo ba ako?"
Natigilan ako sa pagsulat ng kung ano-ano sa notebook ko nang may nagsalita mula sa aking likuran.
"H-ha? Hindi naman. " sagot ko kay Silver at nagmamadaling nilagay ang mga gamit sa loob ng bag. Tumayo ako at akmang aalis na sa library ng hindi man lang sya tinitingnan ay nagawa nya kong pigilan.
"Bakit mo ako iniiwasan?" mariing tanong nya. Nung tiningnan ko sya, I saw sadness in his eyes. Bumaba ang paningin nya sa kamay ko at mahigpit nyang hinawakan iyon.
"Hindi sabi kita iniiwasan. " giit ko at hinila ang kamay ko pero muli nyang kinuha yun at hinigit ako palabas. "Silver, may ginagawa pa ako. " pagsisinungaling ko pero hindi man lang nya ako pinakinggan.
"Kahapon ka pa ganyan, Kayla. Pinuntahan kita sa bahay nyo pero ang sabi ni Kenna ay nauna ka na raw. Tapos ngayon naman ay hindi mo ako kinakausap simula kaninang umaga. What's wrong?" malungkot nyang sabi at hininto ang paglalakad nung nasa hagdan na kami.
Nilibot ko ang paningin at nakitang kami lang pala ang nandito. Abala ang ilan sa pagpa-practice ng sayaw para sa Aquintance, ang karamihan naman ay nagta-try out para sa nalalapit na District at Intramurals.
Binitawan nya ang kamay ko nang makitang hindi ako sumasagot.
"Nakakainis na ba ako? Napapagod ka na ba sa kakulitan at paglalambing ko sayo? Naiirita ka na ba dahil lagi akong nandyan sa tabi mo? Galit ka ba? May nagawa ba akong ma--"
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanficBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...