Tapikin mo nga ako

83 4 5
                                    

Tapikin mo nga ako

©2014 June 16

" Hey girl andyan na si crush mo ayan na malapit na gosh ang pogi talaga niya, biliiiis lapit ka dito! Hihihi " ang ingay naman nito ni A para siyang tanga sa tapat ng pintuan na inaabangan si Jas na mapadaan sa kinaroroonan niya -___-

" Langya ka A! Dinaig mo pa ko kung kiligin ka dyan ah? Imbis na tinutulungan mo ko dito edi sana tapos na to diba? " paano ba naman kasi kanina pa kami dito sa classroom, kami kasi naatasan na pagandahin tong classroom namin at bilang mabait na bata sumunod na lang kami

" Tsk ano ba naman yan ang kj mo talaga yan tuloy wala na siya *pout* hanggang pag tapik na lang ba kayo? Tss hindi na ba masusundan yun? " padamog siya umupo sa upuan saka nangalumbaba. Ipinamuka na naman niya sakin yung una kami nag kakilala ni Jas

Nadapa kasi ako noon dahil nag mamadali na akong makapasok agad dahil nga sa late na ako. Nakakatakot kaya malate lalo na kung ikaw lang mag-isa. Pero that time hindi ako nag iisa may isang lalaki na kagwapuhan na late rin katulad ko kaya medyo nawala ng kaunti ang kaba ko. Dahil sa late kami pinatakbo kami sa field ng 10 times. Sa pang lima ko palang ikot nadapa na ako dahil sa pagod na rin yun akala ko lalagpasan lang ako nung lalaki pero hindi

Inilahad niya ang kamay niya sakin nun at tinulungan ako makatayo. May kung ano naman sa puso at tyan ko ang naramdaman ko nun na para bang kinikiliti ako.

" Mag iingat ka sa susunod ah? :) " sinasabi niya yan habang tinatapik niya ang ulo ko. Wala ako naisagot kundi tango lang dahil na rin siguro na hindi ako makapaniwala na tinulungan ako ng nilalang na'to.

sa isip ko naman 

 sana mag kalapit ulit kami ng ganun.

" Jusko A! Gusto ko ng umuwi kaya please tigilan mo muna ako dyan sa crush crush na yan pwede? " tinuloy ko lang yung pag didikit ko ng mga kung ano ano sa pader habang sya naman ay nag gugupit na ng mga ipang-dedesign ko pa, ay sawakas tumulong din ang babae.

Pero sayang yun hindi ko nakita si Jas simula kaninang umaga dahil sa napaka-busy ko nga ngayon araw na ito nakakalungkot naman. Napa buntong hinanga na lang ako haaay. May bukas pa naman eh.

Ako nga pala si Mitch, 16 years old ang dakilang utusan dito sa school namin. Si Jas naman ang ultimate crush ko dito sa school kilalang kilala ko siya pero siya nakalimutan na ata niya ako sino ba naman ako para tandaan niya diba? tinulungan lang naman nya ako ng isang beses. At si A naman ang babae kong best friend actually Aim ang name niya.

" A, nakalimutan ko may pinapakuha nga pala si Ma'am sa library 15 books yun, kaya mo na yun haha "

" Lol mo M ako pag bubuhatin mo nun? Like duh " inirapan niya lang ako at hindi na ulit nag salita pa tsk. No choice ako ang kukuha nun. Ano ba naman yan! Kaya ko ba yun?! Aaah bahala na nga

" Ako na nga kukuha, wag kang tatakas Aim ah?! Humanda ka lang talaga sakin " banta ko sakanya. Lumabas na ako ng classrom at nag lakad pababa ng hagdanan dahil nasa 2nd floor pa ang library.

" Magandang hapon po " bati ko nang makapasok ako sa library. Natanaw ko naman na may isang studyanteng lalaki pa na natutulog sa hindi kalayuan galing sa kinatatayuan ko. Tss alam kong nakakaantok ang mga libro pero hindi naman ata tama na matulog pa dito sa library no!.

Hindi ko na lang pinansin yung lalaki at kinuha ko na yung mga pinakukuha ni ma'am sa akin. After 5 mins natapos rin ako. Lumabas na ko ng library buhat-buhat yung 15 books waaaaah 5th floor pa ako paano na ako niyan?!

Nakatingin lang ako sa hagdanan at iniisip kung paano ko ito madadala sa classroom namin. Nabibigatan na din ako feeling ko anytime babagsak na tong mga libro ng may biglang tumapat sa aking lalaki at kinuha yung 10 books na hawak ko so lima na lang ang natira sa akin. Nagaanan na din ako sawakas.

Si Ja - Jas?!!

O.O! literal na napalaki ko ang mata ko halos mamilog na ata ito sa sobrang gulat ko.

" Ah eh? Na-naku nakaka- " hindi pa man din natatapos yung sasabihin ko nag umpisa na siyang umakyat kaya sumunod na lang ako.

Totoo ba ito? Oh panaginip ko lang to? Sana wag na kong magising kung totoo man 'to

Nang makarating na kami sa 5th floor inilapag niya agad yung books sa tapat ng room namin. Paano niya nalaman na doon ang room ko? . Mabilis ko siyang nilapitan.

" T-thank you ah? " nauutal ako. Kinakabahan ako halos nga malamig na ang pumapatak na pawis sakin.

" Wala yun, babae ka dapat hindi ka nag bubuhat ng mabibigat " ang ganda ng ngiti niya ganun parin ang epekto nito saakin. Nababaliw na ako. Mygad!

" h-hehe sige " tumalikod na ko pero nagulat ako ng hawakan niya ang balikat ko. Hindi ako humarap dahil alam kong namumula na ko nakakahiya >0<

" I - i - I Like You Mitch " O.O #&@% wha-what?!

" Nung na late tayo , gusto na kita nun pero hindi ko magawa sabihin sayo nahihiya ako " this time humarap na ako sakanya. ang mukha nya sobrang pula marahil nahihiya din sya. pero

Yung puso ko lumulundag na ToT mygad! Mamatay na ba ako?!

" w-wew? T-totoo? " hindi ko makapaniwalang tanong sakanya

Tumango siya , OMG tumango siya!

" Tapikin mo nga ako¬"

Tapikin mo nga ako (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon