Chapter 20

158K 7.8K 4.6K
                                    

Chapter 20

"BAKIT?"

Nakatingin lang sa akin ang matandang babae na nagpanggap na Lola Soler.

"A-ano pong nangyayari? Bakit niyo po iniligtas ang buhay ko?"

Oo, siya nga ito. Siya na kinatatakutan ko noong una dahil ang akala ko ay siya ang masama. Siya na tinatakasan ko. Siya na kinatatakutan ko.

Ngayon ay siya na nagligtas ng buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya ay baka patay na ako. Pero bakit niya ginagawa ito?

Hindi siya kumibo ng tanungin ko siya. Nanginginig lang ang kanyang kulubot na mga kamay habang nakasandal siya sa pinto. Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya nang mga sandaling ito. Dito kami dinala ng mga paa namin.

Mayamaya ay tumayo siya at hinalungkat ang kanyang cabinet. Nang tila hindi niya makita ang hinahanap niya doon ay lumipat naman siya sa kanyang drawer. Nakakuha siya ng ruler.

Pinutol niya ito sa gitna at ginawang patulis. Ibinigay niya iyon sa akin.

Kinuha ko iyon sa kanya. "A-ano po ito?"

"Saksakin mo siya agad kapag naabutan ka niya."

"P-po?"

Naghalungkat ulit siya. Nakakuha naman siya ng gunting. Mariin niya itong hinawakan na para bang ayaw na niyang bitawan. Lumapit siya sa akin at hinila ako sa pulso. "Halika na, hija."

"S-saan po tayo pupunta?"

Nilingon niya ako. "Ang asawa ko, hindi ko na siya kilala!" May galit sa mga mata niya. "Ang natitira kong pag-asa, wala na..."

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Ibig sabihin ba na ang asawa niya lang ang kalaban namin?

Bumangis ang mga mata ng matandang babae. "Kailangan mong makalayo, Ember... Hindi ka na kailangan dito."

"P-pero ayoko pong iwan si Klay."

"Hindi mo ba ako naririnig? Hindi ka na kailangan dito! Sumunod ka sa akin, papaalisin na kita!"

Marahan kaming lumabas ng pinto mula sa kwarto niya. Nakasunod lang ako sa kanya ngunit hindi ako aalis na gaya ng nais niya. Hindi ako pwedeng umalis na hindi kasama si Klay.

At dahil madilim, nahihirapan akong magmasid sa paligid. Nakakaamoy ako ng malansa, pero hindi ko naman alam kung saan nagmumula.

Napahinto bigla si Lola sa paglalakad. Ilang sandali pa'y may sinilip siya.

"Pumunta tayo sa taas," aniya.

"Po?"

Kinuha niya ang kamay ko at marahan niya akong hinila paakyat ng hagdan. Napakalamig ng kanyang kamay.

Dumerecho kami sa kwarto ko. Pagpasok namin ay isinara niya ang pinto.

"N-nakita niyo po ba si Klay?" tanong ko sa kanya.

Hindi ako mapakali na wala si Klay. Hindi siya pwedeng mapahamak. Hindi pwede. Hindi ko kaya.

Umiling siya. Pagkuwan ay hinila niya ang kama. "Tulungan mo ko," utos niya.

Nagtungo ako sa ibabang parte ng kama at itinulak ito. Iniharang namin ito sa pinto.

Hinihingal siyang napasandal sa pader. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Nakakapagtaka kasing sinusuntok niya ang sarili niyang mukha.

"L-Lola..." Napaatras ako. Natatakot ako dahil habang sinusuntok niya ang kanyang sarili ay may ibinubulong siya.

Ganitong-ganito siya nong mahuli ko siya noon. Kinakausap niya ang sarili niya at tila wala siya sa katinuan.

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon