Kakapasok ko lang ngayon sa room nang mapansing pa letter u ang ayos ng upuan namin hindi ko din mahanap kung saan ako dapat uupo kaya nilapag ko nalang ang bag ko sa pinaka dulong upuan.
Maya maya dumating na si maam pero nanatili kaming naka tayo dahil sa halos kami ay naguguluhan kung san ba kami uupo.isa isa namang dinidikta ni maam ang mga magkakatabi dahilan para mabawasan ang ingay.
Maya maya tinawag na din ni maam ang pangalan ko.sabay turo sa upuan kung saan nasa pagitan nila patrick at vince medyo naka ramdam ako ng gulat at saya nang marealize na nasa likod ko lang si marco.
Medyo nasanay na akong malayo kay marco dahil ilang linggo din akong naka upo sa likodan at ngayon hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaction
ko dahil malapit nanaman ako sa kaniyaNatapos ang buong klase ng pinuporsige kong hindi lumingon sa likod pero hindi pala talaga kaya dahil nahulog ang panyo ko at napulot niya iyon.hawak hawak niya pa iyon habang nagtatanong at lumilinga linga kung sino ba ang may ari ng panyo na iyon.tinignan ko nalang siya na mabilis ko ding binawi pagkatapos kong kunin sa kamay nya misyo ang panyo.
Ano ba???kinuha ko lang naman sa kanya ung panyo ah??masama ba un masama?hoy!puso wag ka ngang ganyan.kinuha ko lang ung panyo.
Pero sana sya din ang mag aabot ng panyo kapag umiiyak ako kaso sa realidad ngayon sya mismo ang ang dahilan ng mga luha at ako lang ang magpupunas ng mga iyon.