Miruelle
Nandito ako ngayon sa poso upang mag-igib ng tubig. Hindi pa kase ako naliligo at bago makaligo ay kailangan ko munang mag-igib dito sa poso. Just like what beshy told me, walang gripo dito tanging poso lamang.
At first nahihirapan ako since sa mansion lagi akong naka-shower at nagbababad sa bathtub, umaabot pa sa punto na nakakadalawa hanggang tatlong beses ako maligo sa isang araw. But now I realized how water is so important. Marami palang lugar ang walang sariling tubig sa kanilang pamamahay tapos ako inaaksayahan lang ang tubig.
Pag ako naging presidente sisiguraduhin ko talagang magkaroon ng sariling gripo ng tubig bawat liblib na bahay. Isama ko pa ang kuryente kung saan ay tuwing alas cinco ng hapon hanggang alas onse lamang ang kuryente nila dito. Hay. Kawawa naman sila dito.
"Hoy Babae!"
"Ay! Babae!" tili ko ng marinig ko ang barakong boses na nanggaling sa likuran ko. Sirain ba naman ang pagmumuni ko. Tsk very bad.
"Nakatunganga ka jan? Mag-iigib ka ba o hindi? Kase marami pong nakapila sa likod." Masungit na sabi ng one and only hater ko dito sa Sitio Paraiso. No other than Matthew. Tsk.
Napaka-rude talaga ng lalaking ito. Napakadami niyang sinabi. Imbes na sumagot ay inirapan ko lamang siya at humarap sa mga taong nakapila sa likod.
"Pasensya napo." Paghingi ko ng paumanhin at saka inilagay ang timba sa bibig ng poso at nagsimula ng magbomba.
"Okay lang binibini. Baka gusto mo tulungan ka namin jan?" pagtatagalog ng isang binata na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. May kasama itong dalawang barkada na mas bata sa kanya.
Natuwa naman ako sa sinabi niya.
"Talaga? Ikinalulugo-----."
"Tumigil ka nga jan Hans! Isumbong kaya kita kay lola Mareng?" pagbabanta ni Matt sa lalaking nagngangalang Hans.
"Pangita ug lain nga baye na imong pagtripan. Ayaw niya. Tss." (Maghanap ka ng ibang babaeng pagtitripan mo. Wag siya. Tss.) Di ko man naintindihan ay alam kong pinagbantaan niya si Hans dahil mukhang nasindak ito at umalis na kasama ang kaibagan.
Tsk anong problema ng lalaking ito? Gusto lang naman akong tulungan ni Hans ah. Buti pa nga si Hans marunong mag-offer ng tulong kahit hindi kalakihan ang katawan. Pero itong Matt na nasa harap ko wala! Di man lang naisipan tumulong. Napaka ungentleman sayang ang mala-adonis na katawan.
"Anong nginunguso mo jan babae?" wika ni Matt sa akin habang naka sandal sa puno ng mangga.
"Wala. Bakit masama bang ngumuso?" pagsusungit ko naman sa kanya. At mukhang naiinis siya dahil sa pagkunot ng noo niya.
Kabaliktaran talaga sila ng kapatid niya. Yung kapatid niya kase ay palangiti samantalang ang isang ito naman ay wala ng ibang ginawa kundi sumimangot at kumunot ang noo. Kala mo ikinagwapo niya. Tse.
Pero gwapo naman kase talaga siya kahit nagsusungit siya.
Aish. Bad Miruelle. Galit ka nga sa kanya diba. Di dapat purihin.
"Masama lalo na't kasingpangit mo kung ngumuso." Bored na sabi nito bago tuluyang naglakad palayo akin.
Tsk. Aba? Ano daw? Ako pangit ngumuso? How dare him say that! Andami kayang nahuhumaling sa akin tuwing ngumunguso ako.
Ang kissable kaya ng labi ko. Kaya nga naging instant hateful girl ako ng mga ka schoolmates ko kase halos lahat ng boys ay nahuhumaling sa akin tapos itong Matt na ito sasabihing pangit ako. Argggh.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.