O0O0O0O0O0O0OO0O0O00O0O00O00O0O00O00O
Dito sa lugar ng Quezon City, kung saan masasabi mong palaging busy ang mga tao. Ang mga taong nagtitinda sa kalye, mga driver ng mga sasakyan at ang mga taong atat na atat nang umuwi mapa estudyante man o galing sa trabaho. pero ako? nope, masaya ako ngayong araw dahil susupresahin ko ang aking boyfriend.. mga ilang linggo narin kaming hindi nagkikita kahit nagtatawagan kami araw araw pero iba pa rin kung nan diyan ang presence nang taong mahal mo. Next week ay fifth anniversary na namin! ang tagal na namin noh? pero excited na ako sa araw na iyon at ineexpect kong maghahanda siya para doon.
Anyways, nasa harap na ako ng pinto ng bahay ni Dane. Mag isa lang siyang nakatira sa bahay na ito matapos niyang makapag ipon ng pera at bumili ng sariling bahay. Nasa labas ang kotse niya so ibig sabihin nasa loob lang siya. Pipindutin ko sana ang door bell pero nan dito nga ako para sopresahin siya.. ung tipong gugulatin kaya hindi ko ginawa. instead, kinuha ko ang spare key na binigay niya saken dati at binuksan ang pinto.
Hinubad ko ang hills na suot ko matapos isara ang pinto para habang naglalakad walang tunog na maririnig. Nag ti-tip toe ako papuntang sala, sa kusina at sa likod ng bahay pero wala siya doon. Sinilip ko pa nga ang banyo eh. Kung ibang tao lang ako malamang namumukha akong magnanakaw dito, at dahil wala siya umakyat ako sa second floor.
One, two.. three.. binibilang ko pa ang stairs habang paakyat ako then may narinig akong ingay na nagmumula sa kwarto. aha! nan diyan ka pala ah! Dahan dahan akong pumunta sa pinto na hindi masyadong nakasara. Napansin kong meron siyang kasama dahil may nag uusap. Sino naman kaya ang kasama niya ngayon? mas maganda pa naman kung mag isa lang siya. whatever..., bubuksan ko na sana ang pinto at sisigaw ng 'HI DANE! I MISS YOU NA!' pero bigla nalang akong na freeze sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ni Dane.
"Mahal kita... "
HA???!!! Anong meron??? ako lang dapat ang sasabihan niya niyan!
"Alam kong ganun din ang nararamdaman mo saken, hindi naman magiging tayo kung hindi diba?"
Kalmado at mababaw na sabi niya. pero teka teka teka nga muna.. at sino naman itong pinagsasabihan niya ha?! at matagal na daw silaaa??!!! Sino ba itong babaeng ito?! kung sino man siya wala ako pakealam! malalagot kayo saken lalo na itong si Dane! five years na naging tayo tas meron ka palang tinatagong kabet??!!!!! ARGH! HUMANDA KAYO!!!
Kung iniisip nyong ang sumunod na mangyayare ay binuksan ko ng malakas ang pinto at nagwala sa loob na parang nakawala sa kulungan. nagkakamali po kayo diyan. Alam kong sobra ang galit na nararamdaman ko pero pinipigilan ko lang... mahal ko si Dane, pero hindi naman ata tamang bigla bigla na lang ako susulpot na loob ng kwarto niya... lalo na't pumasok ako sa loob ng bahay ng hindi nagpapaalam. well, iyon ang nasa isip ko. pero kahit na! nanggigigil ako sa galit!
Oh mga bagyo, tsunami at lindol! kung naririnig nyo man ako dito!... gusto kong targetin nyo ang mga tao sa loob ng kwarto na ito! pero huwag rin masyadong malakas kase baka mamatay si Dane! hayaan nyo ang babae! kung malulunod man si Dane sa baha, ililigtas ko siya! kahit na meron siyang kabet, mahal ko parin siya!Sumilip ako sa pinto para tingnan kung sino ang kabet na iyon! titingnan ko kung mas maganda ba siya sa aken o hinde. pero malaki ang paninigurado ko na mas sexy ako sa kanya, huh!
Pero nung pagkasilip ko, iba ang aking nakita... I'm expecting a girl... pero nasaan? naka upo si Dane sa sofa niya habang nakaharap sa bed at ang nasa bed naman ay si....
Lumaki ang mga mata ko.. na tingin ko ay mas malaki pa sa mga mata ng isda. suddenly, lahat nang galit ko nawala.. lahat ng mga iniisip ko na 'i-torture ang kabit ni Dane' plan ay nawala.. nawala lahat iyon.. lahat lahat. instead, nakadama ako ng sobrang gulat.. lungkot, lumbay, pighati, panglaw, pagkahapis ( etc.!)
BINABASA MO ANG
My boyfriend is gay?!! *Oneshot*
Romancemy.boyfriend.is.gay?!! With a single question mark and double exclamation points. Natagpuan mong bading pala ang boyfriend mo.. pero totoo nga ba? tingnan nga naten... pero sa huli, may natutunan si Jean. AN: Parehas lang po nang cast sa AIT - Aba I...