Handa ka na bang mag.Let go?

31 0 0
  • Dedicated kay to all humans
                                    

We've been together for 5years

Am ready to let you go?

"Ba't  ang  tahimik  mo, July?" sabi ng kapitbahay at kaklase kong si Yam

"Wala. Pabayaan mo muna ako." yumuko ako di ko siya kayang tingnan ng matagal

"Senti" naramdaman ko na lang na tumalikod siya at lumabas ng kwarto ko

At ayun, nang iangat ko ang mukha ko nahagilap pa ng mata ko na niyakap ka ni Yam at sabay pa kayong umalis, di ko napansin kanina na magkasama kayong bumisita sa akin.

Di ko maatim na wala ka na sa tabi ko. Noong mga panahong malungkot ako, sayo ko binuhos lahat ng mga iyak ko. Mga araw na sobrang moody ako ikaw lang ang may kayang umunawa sa 'kin pero ngayong wala ka na nahihirapan akong magsimula. Humiga ako, dalawang araw na ang nakalipas noong nakasama mo si Yam pakiramdam ko gusto ko lang matulog dahil sa sakit na nararamdaman ko baka bukas makita nakita sa harap ng bahay namin at bumalik sa 'kin.

[ Kinabukasan ]

"Pahingi naman ng bente, July. Bibili akong burger sa canteen. Sigee na?? Papalitan ko agad bukas kinulang ako e. Please!" naka.puppy eyes si Yam sa 'kin habang yung nguso niya naka.pout

Sana mahingi kita kahit sandali at kung maaari ay mapalitan na rin. Kaso... hindi na pwede.

Kumuha ako ng bente sa pitaka ko at inaabot kay Yam "Palitan mo yan bukas ha!" kinuha niya ito at tumakbo narinig ko ang 'thank you' ni Yam habang papalayo.

Bumalik ka kay Yam pagkatapos ng limang taon nating pagsasama. May kurot pa rin sa puso ko ng pagdesisyonan kong i.let go ka at bumalik sa kanya. Di ka nga lumingon ng makita mo siya at agad kang niyakap ni Yam.

Sa mga nakalipas na araw, para bang ang bilis lang umikot ng orasan kasi ngayon wala ka na sa tabi ko. Nasanay akong kasama ka palagi, nakikipagharutan, nagyayakapan at minsan nag.seselfie pa tayo. Ang lungkot ko ngayon sana nandito ka para pasiyahin ako.

"Kyle!" napalingon ako kay Yam na may guhit sa mukha ang kasiyahan ng magkita kayo.

Hinihintay mo pala si Yam sa pinto ng bahay.

"July, pasok ka muna sa amin. Mahinanda si Mama na merienda." tumingin ako sayo pero nakatingin ka kay Yam at tumingin ka  sa 'kin yung mga mata mong maganda nagbibigay ng ngiti sa 'kin.

"Hindi na, Yam. Okay lang. Pasok nako sa loob ha!" nginitian ko si Yam pero di para sa kanya ang ngiting yun para sayo. Nagumpisa na akong humakbang ng—

Handa ka na bang mag Let go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon