Chapter 38

3.6K 81 3
                                    

Dennise POV

"Doc, how is she?" Sabi ko pagkalabas ni doctora Ramos. Lumapit din sa amin ang parents ni Ly.

"She is stable for now. She'll wake up soon. So, I'll let her stay in a private room since she was not connected with any apparatus." She said. Medyo nakahinga na ako ng maluwag. "But I already scheduled her operation. Two days from now. I'll let her body recover first." She continued. Tumingin siya sa direksyon ko at binalingan ulit ang parents ni Alyssa. "Hindi pa natin masasabi na malayo na siya sa kapahamakan."

Napatango na lang ako. Ganito naman talaga e. You can't tell how extensive the damage is until you were able to open the patient. "If you'll excuse me." Sabi pa ni doctora.

"Thank you doc." Sabi ni Tito Ruel. Umalis na din si doctora.

"Anak you need to rest." Sabi sa akin ni Dad nang makalapit siya.

"I'm okay dad. I'm gonna stay with Alyssa." Sabi ko at pinilit na ngumiti.

Nailipat na si Alyssa sa private room at pinuntahan na din namin siya. And there she is, lying on that bed. Hindi ko alam kung maiiyak ulit ako sa kalagayan niya. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Wala akong nagawa e. Sana napigilan ko siya. Sana.. sana..

Hindi ko na napigilan at nagumpisa na namang tumulo ang mga luha ko. Sana ako na lang yung nandoon. Ayokong nakikita si Alyssa na ganito.

"Besh." Tawag sa akin ni Ella. Napatingin naman ako sa kanya. "Besh I'm so sorry. I don't want to hide anything from you. I don't want any of this to happen either. Pero it was Aly's wish." Nakayukong sabi niya sa akin.

"No besh, I understand. It was just that, I am shocked with everything. I just felt so worthless." Sagot ko sa kanya.

"No besh, you are not worthless." Sabi niya at niyakap ako. "I'm sure naman na, if you knew it ahead of time, you'll do everything in your power to protect her." Dugtong pa niya at hinaplos ang buhok ko. "Don't you ever say those words again." Pahabol pa nito.

"Ahm Den, magtanggal ka kaya muna ng knee pads pati elbow protector mo." Singit naman ni Kim. Actually, kung ano yung suot at itsura ko kanina sa game, ganon pa din ngayon.

Natawa naman ako ng bahagya sa tinuran ni Kim. "Ayan, at least tumawa ka na." Sabi naman ni Ara. Lumapit din sila sa akin at niyakap ako.

"We are so sorry Den. Ayaw lang kasi ipasabi ni Ly." Sabi ni Kim. Tumango at ngumit ako bilang sagot sa kanila.

"Ayan, smile na. Ayaw makita ni Baldo na malungkot ka di ba. Tsaka paano siya lalaban kung yung prinsesa niya nalulugmok at hindi siya chinicheer." Singit naman ni Ate Gretch. Napatingin ako dito at niyakap siya. Tinugon niya ang yakap ko.

"Tsaka ate Den, lagot kami kay ate Aly kapag nalaman niyang hinahayaan ka namin na magkaganyan." Si Beadel naman.

"Oo nga ate Den. Baka patakbuhin kami ng 50 laps niyan. Nagbabalak pa naman yan mag-coach sa club team na sinalihan namin." Nakangiting sabi naman ni Jia.

Nginitian ko sila. I am still thankful 'cause I have friends like them. They never keep me down. We always try to lift each other up. Hindi lang sila teammates at friends but to me they are also family.

Lumapit din naman sa akin ang parents ko pati ang family ni Aly. "Ate Den, hayaan mo paggising ni ate Aly sasabihin ko bayaran niya yung mga araw na binabantayan mo siya." Sabi ni Kian.

"Loko-loko ka talaga. Lagot ka na naman sa Ate mo." Sabi ni Kuya Paulo at ginulo pa yung buhok ni Kian. Tinabig naman ng huli yung kamay ni kuya Paulo. "Pero Den seriously, she'll be fine. Mas matapang at mas malakas pa sa amin ni Nicko yan e." Dagdag pa nito.

Maybe This Time (AlyDen) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon