⚜️ Urgent Meeting ⚜️
Mellea's POV
Pinagbuksan ako ni Prince ng pinto nang huminto na kami dito sa harap ng 101 Club. Bumaba naman ako matapos kong isabit sa balikat ko ang sling bag na dala ko. Magkasabay kaming pumasok sa loob at hinawakan nya ang kamay ko.
Pagkapasok na pagkapasok namin, nadinig ko kaagad ang strum ng guitar sa loob ng club na 'to. Madilim ang paligid dahil sa nakapatay ang ilaw nito, tanging ang ilaw lang sa stage ang nagbibigay liwanag sa loob. Maingay din ang loob dahil sa bulung-bulungan ng mga taong nanonood at dahil sa tugtog na nanggagaling sa stage.
Huminto kami sa paglalakad ni Prince nang marating namin ang harap na bahagi ng Club kung saan malapit sa stage. Pinaupo nya ako doon. Tinawag naman nya ang waitress at nag-order ng pagkain para sa aming dalawa.
Maya-maya ay dumating na ang mga kaibigan ni Prince, si Sam at ang iba pa nilang mga kasama sa banda. Naalala ko tuloy noong sumusunod pa lang ako kay Prince. Madalas ko silang makita na magkakasama at kung minsan sa kanila ko din pina-abot ang mga regalo ko kay Prince.
Sana hindi ako nakikilala ni Sam.
Sana hindi nya ako namukhaan.
Lumapit sa amin ang mga kaibigan nya at umupo din sa table namin. Nagbatian sila at pinakilala naman ako ni Prince sa kanila.
"Nga pala, pre. Girlfriend ko." Turo ni Prince sa akin. Tumayo naman ako at inabot ang kamay ko sa kanila.
"Nice to meet you po." magalang na saad ko. Nahihiya kasi ako.
"Wow. Ikaw na pala 'yon."
Anong ikaw na pala 'yon?
Juskooo! Baka natatandaan nya ako.
"Umm. Anong ikaw pala 'yon?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi ba ikaw 'yong babaeng palaging nagpapabot ng regalo dati kay Prince." saad ni Sam.
Natamimi naman ako.
Ang bilis nya makakilala ng tao.
Akalain mo 'yon naalala nya pa ako.
"Ano ka ba pare? 'Yong babaeng palaging sumusunod kay Prince noon ay isang nerd. Malayo naman na sya 'yon," Tumingin sya kay Sam saka tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Tignan mo nga ang ganda kaya ni Miss Mellea. Malayong-malayo na sya 'yong nerd na palaging sumusunod kay Prince." dugtong nya pa.
Natawa naman ako sa komento na 'yon ni Quinn, isa sa mga kaibigan ni Prince, dahil mukhang hindi nya nga talaga ako namumukhaan. Wala silang kaalam-alam na ako ang babaeng 'yon na palaging nangungulit sa kanila sa twing ipapaabot ko kay Prince ang mga regalo.
BINABASA MO ANG
Constellatopia Kingdom: The Water Goddess
FantasyA new born baby carries the demon blood of Treyvor, the Lord of Darkenian World. This child named Mellea, she didn't know that she is the successor of the Dark Prophecy and the missing formula for the successful reigning of the Darkenian World to th...