Chapter 30

47 6 0
                                    

⚜️ What happened to me? ⚜️


Prince's POV

Sa kaharian ng Constellatopia...

KINABUKASAN maaga akong nagtungo sa Constellatopia para maki-balita sa nangyaring pagpupulong noong isang gabi. Hindi ako kaagad naka-dalo dahil sa biglaan ang pagpapatawag na 'yon ng reyna. Bagaman, nakapagsabi na ako sa reyna at nakahingi ng paumanhin sa hindi ko pag-dalo sa pagpupulong.


Naiintindihan naman iyon ng reyna kung kaya't pinatawad nya din ako kaagad. Alam kong hindi ako kayang tiising ng reynan dahil ako lang ang kaiisa-isa nyang pamangkin at tagapag-mana ng trono.


Hindi ko nais na maging hari o mag-may-ari ng isang korona. Ang nais ko lamang ay maging isang magiting na mandirigma na handang ipaglaban ang kanyang sinasakupan.


Kahit na anong gawing pilit sa akin ng reyna na tanggapin ang trono ay tumatanggi pa rin ako. Hindi ko alam pero hindi nais ng kalooban ko na tanggapin ang bagay na 'yon. Maraming nagsasabi na duwag ako dahil hindi ko kayang panindigan ang pagiging isang hari ngunit pinabayaan ko sila. Hindi naman ganoon ang aking dahilan kung kaya't hindi ako magpapa-apekto.


Marahil ay hindi pa ako handa at wala pa sa isip ko ang pagiging isang hari o prinsipe.


"Serron!" tawag ko sa aking kaibigan na si Serron. Kasama nyang muli si Andrexa at mukhang malalim ang kanyang iniisip. Lumapit sila sa akin at ngumiti naman ako sa kanila ngunit umiwas lang ng tingin si Andrexa sa akin.


Anong kayang problema nya?


Inaalala nya pa rin kaya ang nangyari noong isang gabi?


"Cleyton! Mabuti naman ay nakarating ka. Galit ang Master sayo dahil hindi ka dumalo sa pagpupulong kagabi. Ano naga bang dailan at hindi ka nakarating?" aniya.


"Umm. A-ano... may ginawa ako." nauutal sa sagot ko.


Tumango naman si Serron. "Hmm. Mas mahalaga ba 'yon kesa sa pagpupulong?" dagdag nya tanong nya pa. Napatango na lang ako at hindi na sumagot pa. Napansin ko naman ang pag-itim ng aura ng mukha ni Andrexa.


Hindi ko mawari kung bakit ganoon na lamang ang lalim ng tingin nya sa akin. May ginawa ba akong mali sa kanya na hindi ko alam. Napapansin ko na habang patagal nang patagal ang pagkakaibigan namin ni Andrexa mas lalo kong nakikita ang pagbabago sa kanya.


Hindi naman sya ganito sa akin. Kung dati-rati napaka-malapit nya sa akin na para bang hindi na kami mapaghiwalay pero ngayon halos manlamig na sya sa akin. Kung tignan nya ako parang may ginawa akong kasalanan sa kanya.


Hindi ko na lamang sya pinansin at naglakad na lang kami papunta sa Guild. Sa paglalakad namin, ako at si Serron lang ang nag-uusap hindi nakikisali sa amin si Andrexa at panay lang ang tingin nya sa akin. Ang tahimik nya na para bang may kasama kaming hangin. Nararamdaman namin sya pero hindi namin nakikita ang pakikisama nya sa amin ni Serron.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon