Tinatahak ko ang daan patungo sa paaralan habang naglalakad ako kanina pa din tumatakbo sa isip ko ang nangyari kagabi.
Kung paano ulit ako nakisama sa kakakilala ko palang kagabi kung paano ako makipagtawanan kila Ai at sa mga kaibigan nya hindi ko alam kung anong meron sa kanila kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sakanila kung bakit nakisama ako sakanila kahit na hindi ko pa sila nakakasama ng matagal at hindi ko pa sila mas kilala.
Hindi ko alam kung bakit. Halos sa loob ng limang taon ngayon nalang ulit ako nakipag usap sa iba at naging masaya. Halos sa limang taon ang lumipas lungkot at mapag isa lang ang meron ako.. Nagawa kong umiwas sa tao at maging mystesrious guy katulad nga natawag ng iba saakin.
Sa halos limang taon wala akong naging kaibigan. Walang nakakasama, walang gustong kausapin, walang gustong lapitan, walang gustong pagkatiwalaan.
Nabigla nalang ako nung time na lapitan at kausapin ako ni Ai kung saan nakaupo ako sa pinakangdulo ng upuan ng room namin kahit na nakataklop ang ulo ko ng hoodie at bahagyang nakayuko. Tanong sya ng tanong saken ng kung ano ano kahit na hindi ko sya sinasagot at nakaupo lang ako sa inuupuan ko tuloy lang sya sa pagsasalita sa gusto nya malaman tungkol saken.
Mula non tinatabihan na ako ni Ai sa dulo at pilit na kinakausap ako kahit na hindi ako sumasagot.. May time nga na kapag wala na syang masabing iba mag kwe-kwento sya ng kung ano ano saken. Lumipas non unti unti ko na kinakausap si Ai dahil sa ugali nya mabait syang tao at alam kung hindi nya kayang manakit ng ibang tao.
Nandito nako sa klase ko.. nandito na din yung mga kaklase ko kaya pumasok na ko at umupo sa pinakang dulong upuan pag upo ko saktong dating naman ng prof namin pero bago yon di ko alam kung anong gagawin ko ng tawagin nya ako.
"Mr. Valdez please remove your hoodie" biglang sabi nito.
Nabigla nalang ako ng sabihin nya yon.. Dati naman hindi nya pinapaalis yung taklob sa ulo ko. Nag dadalawang isip pa tuloy ako kung aalisin ko ba o hindi.
Ramdam ko namang may mga nakatingin saken at alam ko na isa na don si sir Jenrev.
"Mr. Valdez hindi tayo mag sisimula kung hindi mo tatanggalin yang hoodie mo!" sabi pa nito.
Wala na akong choice kung hindi tanggalin ang hoodie ko.. ramdam ko na lahat na nasa silid na ito ay nakatingin na saken kaya naman dahan dahan kong tinanggal ang hoodie.
Matapos ko na matanggal yon ay umupo nalang ako ng ayos at humarap sa unahan kung nasaan ang prof namin. Pero di nakakaligtas saken yung mga sinasabi ng mga kaklase ko tungkol sakin.
"My gosh bes gwapo naman pala tong si Alex"
"Oo nga bes"
"ihhh.. Jojowain ko na yan"
"uy wag ganon"
"Ang hot din oh! "
Rinig kong bulungan ng mga kaklase kong babae. Hindi ko naman sila pinapansin dahil nakatingin lang talaga ako kay sir.
"Okay class let'start" --prof.
Habang nag tuturo si sir jenrev meron parin na pinag uusapan ako o kaya tumutingin saken. Minsan nga nakikita sila ni sir at sinasaway ito.
Hanggang sa matapos na ang klase namin ay may iilan parin na nakatingin saken kaya ibinalik ko kaagad sa ulo ko ang hoodie At nag mamadaling lumabas dahil may nag tatangka ng lumapit saken.
Nang makalabas agad ako sa room kahit na may tumatawag pa saakin na mga babae. Si sir kase nakakainis talaga kung baket ba naman pinatanggal nya yung hoodie ko edi sana hindi ako nag mamadaling lumabas ngayon.
Sa bilis kong mag lakad dahil sa hinahabol parin talaga ako ng mga kaklase kong babae. Halos di na ako tumitingin sa dinadaanan nang biglang...
Boom.....
May nabangga ako shit! At nahulog ang mga libro na hawak hawak nito kaya naman dali dali ko itong pinulot para ibigay sa nabangga ko.
"Di ka kase tumitingin eh" sabi naman nito at tumulong na din sa pag kuha ng nalaglag na libro nya.
" Sorry miss nag mamadali kase talaga ako eh pasensya na" paumanhin ko dito at agad ng tumayo para maibigay sakanya ang libro nito.
Hindi na naman ito nag salita at nag papagpag pa ito ng kamay. Nang makatayo na ito at nang maiangat nya ang muka nito sabay pa kaming nagulat ng makita namin ang isat isa.
"Dennise"
"Aly? "
"hala Dennise sorry hindi ko talaga sinasadya na banggain ka kanina" sabi ko kay Dennise.
"Hindi. Okay lang yon Aly hindi din kase ako nakatingin sa dinadaanan ko kanina, hindi ko din naman alam na ikaw pala yung nakabunggo ko kaya sorry din" sabi nito saakin at nginitian pa ako kaya nginitian ko din naman sya.
"Alex!"
Sabay naman kaming napatingin ni Dennise dun sa tumawag saken. Pag tingin namin.... Shit kala ko naman wala na sila dito. Yung mga humahabol kase saken kanina ay tuloy parin sa pag sunod saken. Kaya naman napatingin naman ako kay Dennise na nakatingin na din pala saken. Kita ko sa mga mata nito ang pagtataka.
Kaya bago pa makalapit sakin yung iba ay mabilis ko ng hinila si Dennise. Tumatakbo na kame habang hawak ko sya sa kabilang kamay ko samantalang hawak ko naman sa kabilang kamay yung libro nya na pinulot namin kanina .
Hanggang sa makarating kame sa may garden ng school. Hinihingal pa kame ng tumigil na kame sa pag takbo.
"Nakakapagod" hihingal hingal ko pang sabi.
"Baket kase kailangan pa nating tumakbo" sabi naman nito ng hinihingal din.
"Kanina pa kase ako sunusundan ng mga yon" --ako.
"Baket naman?" tanong nito ng ayos na sya makahinga .
"Di ko alam. Simula kase nung ipatanggal saken ng prof namin yung hoodie ko kanina sa klase nya dati naman okay lang sakanya na nakaganon ako pero kanina pinatanggal nya na" paliwanag ko naman dito.
"Oh my gad! Ikaw ba yung sinasabi ng mga classmate ko na mysterious guy?" gulat na tanong naman nito saken at bahagyang nakaturo pa saken.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sinasabi mo"
" Lagi ka bang naka hoodie ha?" --Dennise.
"O-oo"
"ikaw nga yata yon. Kase lagi nilang naikwe-kwento samin ng mga classmate ko" --Dennise.
"Na ano?" tanong ko sakanya.
"Na yun nga, na isa kang mysterious guy" sabi nito at tinignan pa nito ang nabuuan ko. Kaya naman mas nagtaka pa ako.
"Huh? Mysterious guy?"