🌺Malakas ang pagbuhos ng ulan kanina nang ihatid ako ni Rich. I was dressed in a black coat to keep myself warm. Medyo basa pa nga ang suot ko ngunit unti-unti na itong natutuyo dahil sa kaalinsanganan ng paligid. Now, I believe it's time to get rid of this thing.
Marahan kong hinubad ang suot kong coat. And I gradually shifted my gaze around. There were whispers, curses, and a variety of reactions from students at such an exclusive school.
"Is that, Ada Rhyce?!"
Napangisi ako nang marinig ko iyon. Napansin ko ang mga lalaki sa 'di kalayuan na nanlalaki ang mga mata. Ang iba'y halos hindi kumukurap at ang karamihan ay napanganga pa.
Ibinalik ko ang mga tingin sa lalaki sa kaharap na mesa. He's still staring at me intently. Only in the inverse reaction. His brow was furrowed, and his jaw was clenched. Napakurap-kurap ako. Kung kanina, I saw him intimidating, now I see him more intimidating! He acted as if he was dissatisfied with what he discovered inside my coat. Parang galit pa siya. Huh! So that concludes my guess about him. He's definitely gay.
May mga lalaking unti-unting lumalapit sa akin. Ang mga babae naman ay parang nandidiri ang mga tingin. I know, right? Envious of my ability to carry myself in a tube bra and denim shorts. I have a perfect body. Alam kong maraming babae ang naiinggit sa klase ng katawan na mayroon ako.
Muli kong sinulyapan ang lalaki. Hindi ko rin maunawaan ang sarili ko kung bakit ko ito ginagawa. Oh, and he's no longer staring at me. Na-intimidate ko na rin ba siya? I took over all of the audience's initial enthusiasm. Now I am the centre of attention. I defeated him.
Walang pakialam na isinampay ko ang dala kong bag sa aking balikat. I plastered my sweet smiles all over my face. Ang sarap lang talaga ng pakiramdam na ako ang bida. Ah, ako nga pala ang kontrabida. Baka nga tama ang sinabi sa akin ni Rich kanina. I might enjoy being here after all.
Muli kong tinapunan ng tingin ang lalaking halatang nabuwisit ko ang araw. I winked at him and he looked away. Pasalamat siya at pinapansin ko siya. Psh! Like I do care.***
Napipinturahan ng kulay gatas ang gusali sa ika-limang palapag. Mapapansin ang mga nagkalat na posters at announcements sa bawat pintuan ng silid. Mahaba ang pasilyo ngunit sapat ang espasyo upang pagtambayan ng ilan sa mga estudyante. Halatang prestihiyoso ang paaralang ito. Malinis at hindi ganoon kaingay 'di gaya ng huling napasukan ko.
Hindi mapilas ang mga ngiti sa aking labi. Marahil ay nasanay lang ako sa ganito. There might be some reporters around and they will write an article about me. Or perhaps some famous vloggers are here and when they find out I've been to another school again, will talk and do some reactions about me. Well, I'm giving them a favour so thay have to be thankful. They could snatch my almost five million followers on Twitter and Instagram. I-tag na lang nila ako dahil wala ako sa mood na mag-broadcast sa araw na ito.
Nahanap ko naman agad ang classroom. Pagpasok ko pa lamang ay para na akong naka-streaming online na may perfect one-hundred thousand views. Walang hindi tumitingin sa akin. Sige lang. Enjoy the view while it last. Tomorrow, I could end up in a different school. I shook my head and settled into a chair. Pinili ko ang pinakagitna. Wala pang guro kaya medyo maingay pa ang klase. May kani-kaniya silang pinag-uusapan. However, I am aware na pagpasok ko pa lang, alam kong ako na ang topic nila. As if there's something new.
"Hi, Miss Beautiful. Bago ka rito?" Isang lalaki ang bumati agad sa akin. Inayos pa niya ang upuan para mapaharap lalo sa puwesto ko. Halata ang kayabangan sa kanyang buong katawan. Panay ang hawi niya sa kanyang bagong trim na buhok. Katamtaman ang laki ng katawan at nakabukas ang unang dalawang butones ng kulay puting polo na suot.
Tiningnan ko lang siya ng mariin. Then I checked my phone. There were already three unread messages from Rich.
"Hi. Ako si Jammy." Nakalahad na ang kamay niya. What kind of name was Jammy anyway? Pajammy? Napangisi ako. Narinig kong may nagsigawang grupo ng mga lalaki. Sumulyap ako roon at muling ngumisi. Muli rin silang nagsigawan. May nag-high five pa.
Hindi ko kinuha ang kamay ng nagpapakilalang Jammy.
"Hi," I just said, and continued scrolling down my phone.
"What's your name?" he asked.
My head jerked at the sight of the person entering the room. I couldn't help but smile. That guy. So we're in the same class. This is starting to get interesting.
Saktong napatingin din siya sa puwesto ko. He only gave me a sidelong glance. He paused for a moment and returned his gaze to me.
"Matilda," I said to Jammy, habang nakatingin sa kararating lamang na lalaki. "My name is Matilda Rhyce."
"Nice name. Kaano-ano mo ang may-ari ng RFC? You know, Rhyce Food Corporation?" usisa ni Jammy.
"Oh, you mean the Rhyces? Those are my parents," walang gatol na sagot ko.
"T-Talaga?" Nanlaki ang mga mata ni Jammy. Bahagya rin siyang natulala. "Y-You mean, you are the real Ada Rhyce? Fuck! Kaya pala sobrang ganda mo. Shit! Mas maganda ka pala sa personal."
Hindi ako sumagot. Parang inaasahan ko na ang pagkagulat mula sa kanya.
"Thorn!"
The guy shifted his head. May lalaking tumapik sa balikat niya. So, his name was Thorn. Napaatras ang ulo ko nang muli niya akong tiningnan. Tumingin din sa akin ang lalaking kabatian niya. May ibinulong ito kay Thorn, saka muli nila akong binalingan. Is it possible that they are talking about me?
Umayos ako ng upo at ibinaba ang hawak na phone. Bakit ba pakiramdam ko ay naasiwa ako sa hitsura ko? Hinagod ko ng kamay ang mahaba at maitim kong buhok. Hinawi ko iyon at isinampay sa aking nakalitaw na balikat. When I returned my gaze to Thorn, I noticed he had his fist clenched. Ano ba ang problema niya at parang galit siya kapag nakatingin sa akin? This guy is starting to get on my nerves.
Tumahimik ang buong silid. May makapal na salamin at hindi marahil lalagpas sa singkuwenta ang edad ng babaeng dumating. She was greeted by the entire class except me. Agad na natutok ang pansin niya sa kinalalagyan ko.
"You are Ms. Rhyce?" kunot-noong tanong niya.
"The one and only. Yes," I said with confidence.
"Thorn..." sabi ni mam na hindi inaalis ang tingin sa akin. "As the President of this class, I want you to escort Ms. Rhyce to the Dean's Office."
Umugong agad ang mga bubuyog sa paligid.
I knew it! First day, first thing in the early hours, first to be ejected. Why, I'm really good at this.
Kinuha ko ang compact mirror mula sa loob ng aking signature bling bag. Alam kong nakamasid silang lahat sa akin. Inayos ko muna ang sarili sa harap ng salamin. I even took a moment to comb my long, black hair. Who knows, mamaya nasa mall na ako at nagliliwaliw. Or I could go to the salon and cut my hair. Dapat na nakahanda ako.
Kukunin ko pa sana ang lips stick mula sa bag ko nang may maramdaman akong mahigpit na humawak sa braso ko.
Nakasimangot akong napatingin sa kamay na iyon. Who dare touch me while I'm busy doing my thing?
"Enough of your ceremonies. Hindi makapagsimula ang klase nang dahil sa'yo."
Masungit kong tinitigan ang lalaking nakatayo sa gilid ko. This Thorn is starting to be a thorn in my ass!
"Fine!" Ibinalik ko ang mga gamit sa bag at saka tumayo. "Puwede mo na akong bitiwan," I commanded.
"No."
Whatta!
"At bakit hindi?" masungit kong tanong.
Imbes na sumagot, hinila niya ako para mapatayo. Tumingin ako sa guro upang humingi ng tulong. This is physical harassment!
"Dean's office, Ms. Rhyce," matigas na utos muli ng guro. Pinasadahan pa niya ng tingin ang hitsura ko saka napailing na tila may mali sa pagkatao ko.
Natatarantang isinukbit ko sa aking balikat ang bag na dala. Pati na ang coat ko ay halos malaglag dahil sa paghila sa akin ng Thorn na 'to.
Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nasa kani-kanilang classroom. Tila ba may dumaang lindol o bagyo at lahat ay nagkagulo.
"Stop pulling me!" I annoyingly asked. Napakabilis naman kasi niyang maglakad. He didn't stop or let go off my arm. Sa pakiwari ko ay mayroon akong napakalaking kasalanan sa kanya at pinarurusahan niya ako.
"Just let me walk by myself, and you can go back there!" I retorted.
"No." Wala ba siyang ibang sasabihin kundi, no?
"Sipsip ka 'no! Kahit ayaw mo 'kong samahan, sumunod ka pa rin kay Ma'm. Grade grabber ka?"
Matalim niya akong tinitigan. At mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. Nakita ko ang signage sa isang pinto. Dean's Office. Nakahinga ako ng malalim nang padarag niya akong bitiwan. Inayos ko ang sarili kahit alam kong pinanonood niya ako.
Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ang maging parang pusang kalye na kinaladkad ng mabangis na aso. I felt humiliated.
Nakapamaywang ako nang harapin ko siyang muli. "Ano ba ang problema mo?"
Nakakunot pa rin ang noo niya. "Wala," mariin na sagot niya. Bumaba ang tingin niya sa nakalitaw kong tiyan.
"May problema ka rin sa suot ko?"
"Wala," sabi ulit niya. His lips formed into thin line.
"Wala? Pero umuusok iyang ilong mo kagaya ng teacher na iyon..." Ayokong pagtaasan siya ng boses. This is not me. Nawawalan ako ng poise dahil nakakairita siya. Naiinis ako sa mga inaakto niya at sa tipid niyang magsalita. "Wala ba akong karapatang ipakita ang katawan ko?"
Bumuka ang bibig niya na tila may gustong sabihin subalit hindi naman niya itinuloy.
"Ano? Magsalita ka! Don't you have anything to say other than no and wala? Sino ka ba sa akala mo?" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at agad siyang napaatras. Kitang-kita ko rin kung paano namula ang pisngi niya.
"Tease."
"What did you say?"
"Wala. Tss." Hinagod niya ng palad ang kanyang buhok na parang nauubusan ng pasensiya.
Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit.
Ilang segundo rin bago ako nakabawi. I cleared my throat. "You can now leave me here. Thank you and goodbye. I hope not to see you again!"
Bago ko pa siya talikuran ay namataan ko na ang taong papalapit sa amin.
"Ada!"
"Rich?"
"What's going on?" he asked, worried.
"Rich..." Mabilis akong nakalapit sa kanya at saka siya niyakap.
"What happen?" Hinagod niya ang likod ko. "May tumawag sa 'kin. Did you do something again?"
Pagbitiw ko sa kanya ay nakatingin siya sa lalaking nasa tabi ko. "I don't know. Basta dinala na lang ako ng lalaking iyan dito!" mangiyak-ngiyak na sumbong ko. I saw Thorn's face turned crimson red.
"Bakit namumula ang braso mo?" Nahawakan ni Rich ang braso ko. Dahil maputi ako, madali talagang mamula ang balat ko.
Matalim ang iginawad kong titig kay Thorn. "It's his fault!"
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
RomanceHighest Rank Achieved: #1 in playgirl #1 matured #1 in virgin #1 in deceived #2 in deception #2 in unexpected #2 in charm #9 in General Fiction "Ilang lalaki na ang dinala mo rito, Ms. Matilda Rhyce? Lima? Sampu? Isang dosena?" Nagtapat ang aming...