Meeting

1.9K 23 1
                                    

Dito na ang room mo.

Sabi sakin ng maid ng aking amo.

Bukas sila darating dito galing sa States..dagdag pa niya.

Ang amo namin ang tinutukoy niya. Nagbakasyon sila ng family nila sa America ng tatlong buwan. At sabi nga niya bukas na raw sila uuwi.

Hello I'm South Istaello, sweet 18. White, slim, no ABS, pinkish lips, soft skin, 5'7 height and I'm NBSB, at kalookalike ko raw si Troye Sivan sabi ng mga classmates ko at pareho rin kaming bakla. Medyo matangos din ang ilong ko. Ang differences namin ay mata at sintonado ako.
My brown curly hair and lips ang favorite ng mga tao in my physical features.

Maraming nagkaCrush sa akin na girls and boys sa School pero hindi ko lang pinansin kasi isnabbira ako..charot!
Babae na kasi ang nanligaw sa akin. Tanggap nila kung sino ako at wala silang paki dun ang mahalaga mahal nila ako.
I'm a prank person kaya binastid ko sila ng harapan. Alam ko kasing hindi ko na mabago ang sarili ko na lalaki talaga ang type ko, masaktan kolang ang mga babae.

Nanggaling ako sa bahay ampunan at inampon lang ako ng mabuting mag-asawa na kinikilala ko ngayon na aking mga magulang.

Wala akong alam kung sino ang totoo kong mga magulang at wala rin akong interest na kilalanin pa sila dahil inabando na nila ako. Hindi ako galit sa kanila pero masakit..ang sakit-sakit na isipin ang mga pangyayari.
Pero sa kabila ng lahat maswerte parin ako dahil may nag-alaga sa akin at may mga taong nagmamahal sa akin bilang kanilang totoong anak.

Oo sige mauna na ako sayo, puntahan mo lang ako kapag may kailangan ka. Nasa baba lang ako.

uy manang wag mo na akong alalahanin..ok na ako..saka pareho naman tayong kasambahay dito eh... nakangiting ani ko sa kanya.

At umalis na siya ng tuluyan.

Sobrang yaman naman ng may-ari nito millionaire ata sila eh. Kasi parang nag shopping lang ako sa mall, may elevator at escalator, malawak at
mamahalin ang mga gamit. Kahit siguro halaga ng buhay ko hindi pa kasya / katumbas sa isang bagay dito sa bahay nila.

Hindi nga ako makapaniwala na dito na ako titira.

Alam nyo guys kaya nandito ako, may nagsponsor kasi sa akin na paaralin ako sa College.
Maganda din naman ang mga grades ko at may good moral kaya tinulungan din ako ng principal ko sa high school na may mag-sponsor sa aking pag-aaral kasi mahirap lang kami. At naawa rin ako sa mga magulang ko hirap na si papa sa pagtratraysikel driver at pagtitinda ni mama ng gulay sa palengke.

Alam mo naman sa college madaming gastosin.

Walang ibang magsponsor sa akin kundi si Mr. John Ethan Villamurr ang may-ari nitong bahay.

Gusto niya rin kasing ako nalang din ang kunin niyang P. A ng kanyang anak. Tatanggi pa ba ako..napakapalad ko na hindi ko na to palalampasin.

Time: 4: 23 am

..Peep...peep...

Nagising ako mula sa malakas na bosena ng kotse. Malapit ako sa bintana natulog kaya nakita ko kaagad kung sino ang dumating.

Bigla akong kinabahan kasi nandito na sila. At excited na rin akong mameet ang anak nila.

Nakita kong naka straight line ang limang maid sa terrace habang hinihintay ang paglabas ng aming amo sa kotse abala naman sila kuya guard na ipasok ang mga dala nilang bag.
Dali-dali rin akong pumwesto sa gilid ni ate.

RULE NUMBER SEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon