" FOR WHOM THE BELL TOLLS "
**RATED - 18 **
TOBEN CITY, 43 YEARS AGO
AAAAAAAAAHHH!! PINATAY SI ALKALDE BAISIN!!!
Naalarma ko ang buong Siyudad ng Toben sa ginawa kong Pagpaslang kay Alkalde Baisin Kortez. Siya lang naman ang responsable sa Pamamaslang sa mga Kalahi kong Unggoy at Kaguabatan sa Gubat ng Rota.
Ginawa niya yun para gawing isa pang tahanan ng kanyang mga Nasasakupan dahil masyadong marami na ang kanilang Populasyon. Pero hindi lang yun ang ginawa ko. Kungdi pinasabog ko din ang mga Ibang Establisyemento ng Toben tulad ng Pamilihan, Merkado , at mga ibang Establisyemento ng Libangan.
Caesar : KAHHH! HAHHH! HAHHHH! HAHHHH!! { " Dapat lang silang Mamamatay! Mabawasan ang masasamang gaya nila!! " }
Caesar, Edad ; 20 Taon gulang
Captain of Toben City : Wag siyang hayaang makatakas!!!
Soldier : Hayun sya Kapitan!!!
Captain of Toben City : Bilis! Hulihin nyo! Madali!
Nagawang makaalis sa mga humahabol sa aking awtoridad. Ginawa ko lang ang mga nararapat na Parusa sa mga Masamang nilalang ng Gaia. Yung pinaslang ko? Si Alkalde Baisin Kortez, isang talamak na Race Trafficker. Bata, Matanda at iba't ibang Lahi ikinakalakal niya kapalit ng Malaking Halaga. Ganid sa Salapi at Kapangyarihan. Ginagamit ang kanyang pwesto para palaguin ang kanyang Negosyo at ang mga Buwis na binabayad nang Taumbayan ay winawaldas lang sa walang kwentang Pamamaraan. Sa puntong ito, Kailangan ko nang Kakampi na sasang-ayon sa mga Plano ko.
Dahil isang akong Kriminal palaboy-laboy ako at walang permanenteng mga lilipatan. Isang araw, may narinig akong kampana ng Simbahan. Naisipan kong magsimba. Kahit paano magbawas nang Kasalanan at hingi ang nagawa kong mga nakalipas ng Kasalanan.
Pagkatapak ko pa lang ng Isa kong Paa sa Simbahan ay may Kakaiba akong naramdaman.
Caesar : Ano 'to!?!..
" Kayo'y humingi ng Kapatawaran sa Panginoon, At kayo'y Patatawarin "
Narinig ko ang Napakagandang tinig na yun. Parang boses ng isang Anghel.
" Halika Kapatid, Tuloy ka sa Kaharian ng Dios "
Caesar : Huh!?..
Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng mga Nagsisimba at nakatingin sa akin silang lahat sa akin.
Caesar : ( " Paano ako napunta dito!?!? " )
Doon ko nakilala...Si Holy Kein
" Nababasa ko sa iyong Isip na ikaw ay dumadaan sa isang Suliranin. Lahat ng mga Nabubuhay dito sa Lupa ay may Suliranin. Subalit may Kalakip din namang Solusyon basta magtiwala ka lang sa ating Panginoong Maia "
Hindi ko alam subalit habang papalapit siya sa akin ay unti-unti siyang lumiliwanag at nang makalapit na ay dinampi niya ang aking Ulo.
" Napakaganda nang Iyong Layunin sa Buhay. Sa wakas nakita ko na rin ang Makakasama ko sa Kaligtasan "
At dito ay bigla na lamang gumaan ang aking Pakiramdam sa di malamang dahilan. Siya na ba ang Mesiyas?
Ilang sandali pa ay natapos na ang kanyang Misa. At doon ay nagkwento siya sa mga Bagay-bagay at sa kanyang pinanggalingan. Pinakita na niya sa akin ang tunay na Mukha ng Sinasabi nilang Paraiso.