DI NAGING TAYO
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan ang mga tao sa loob. Naka earphones lang si Popoy habang nakikinig sa mga tugtugang pang sawing kantahan. Katabi naman niya sa sasakyan si Maricar na ngayon naka tingin lang sa bintana at malalim ang iniisip.
Iniisip nila ang mga dahilan kung bakit ba sila nag bakasyon, kung bakit ba sila nagrequest ng bakasyon sa kani-kanilang kompanya.Hapon na.
Nakatingin silang dalawa sa bintana. Ramdam ang mga sakit dahil sa mga pangyayareng hindi nila makalimutan. Huminga nang malalim si Popoy sabay tingin sa cellphone niya.
Hanggang sa naalala niya na wala na nga pala siyang hinihintay na text mula sa taong lagi niyang hinihintay. Mula sa taong napaka halaga sakanya.Si Maricar naman kumuha ng pagkain sa bag niya. Kumain siya kahit hirap na hirap gumalaw makalimot lang. Wala siyang pake alam sa mga tao sa loob ng kotse basta ang gusto niya lang naman ay makalimot. Makalimot sa mga ala-alang mapapait.
Sa patuloy namang pag andar ng kotse biglang tumugtog ang kantahan ng mga sawi. Kaya imbes na makalimot ang dalawa lalo pa silang nasaktan. Lalo pa nilang naramdaman ang kirot mula sa puso nila. Nairita tuloy si Maricar dahil sa mga tugtugan sa kotse kaya ayun , lamon ng lamon sa kotse. Ang bilis niyang kinain yung isang malaking Piattos , hindi na nga ito umabot ng sampung minuto't naubos niya kaagad. Napatingin naman sakanya si Popoy pero hindi nalang niya binigyan masyado ng pansin.
Malas nga lang nila..
Akala nila tapos nayung kamalasan ng buhay nila pero hindi pa pala. Pumutok yung gulong ng kotseng sinasakyan nila kaya naman napatigil sa andar.
" malas nga naman oh "
sabi ni Maricar habang patabog na binalik yung inumin niya sa bag niya. Magkasalubong ang dalawa niyang kilay na para bang wala nang makaka pigil sa pagiging mainitin ng ulo niya. Napatingin ulit si Popoy sakanya na para bang hindi alam kung ano bang irereaksyon niya sa nakikita niya kay Maricar kaya naman napa ngiti nalang ito.
Kahit minamalas na sila may kaaonting swerte parin naman ang kanilang araw. Buti nalang at na flat yung gulong ng kotse kung kailan malapit na sa resort na pupuntahan nila. walking distance nalang yung resort nila kaya kahit may halong inis kampante silang makaka punta sila. Sa sobrang inis ni Maricar nagmadali itong bumaba ng kotse at nagsimula nang maglakad papunta sa resort habang reklamo nang reklamo pero hindi niya namalayang naiwan niya yung notebook na maliit niya kung saan siya nagsusulat ng mga tula niya. Nakita naman ito ni Popoy, kinuha naman niya ito. Hahabulin niya sana si Maricar kaso hindi na niya maabutan kasi ang bilis mag lakad. Ang ginawa nalang ni Popoy ay nilagay ang notebook ni Maricar sa bag niya , ibibigay niya nalang pag nagkita na sila sa resort.
RESORT
Gabi nang makarating na sila sa resort at nagpa check in na sila. Lumabas si Popoy na simple lang ang suot. Yung tipong pang beach na simple lang. Hawak niya yung camera niya para makapag picture siya ng mga bagay bagay na nagbibigay saya at limot para sakanya. Siya yung tipong kumukuha ng larawan pero isang tao palang ang kinuhaan niya ng larawan. Si Maricar naman ayun simple lang din naman ang suot. Naka pang beach din kasi plano niyang mag night swimming mag isa.
Katulad ni Maricar dumiretsyo yung ibang tao papunta sa dagat. Naligo sila kahit sobrang lamig nang tubig. Si Popoy naman ayun andun lang malapit sa apoy , kumukuha ng iba't ibang larawan sa iba't ibang paligid. Nagulat naman siya at biglang may umupo sa tabi niya. Si Maricar pala. Umupo si Maricar sa tabi niya sabay ayos ng pag suot niya ng salamin niya.
BINABASA MO ANG
ONESHOT
Short StoryMinsan marami tayong tanong sa mga bagay bagay sa buhay. Hanggang dumating nalang tayo sa punto na maiisip nating " may dahilan pala lahat ".