Heartbeat 37↭ Incest?

123 4 0
                                    

3rd Person's POV

"Pare, bakit para kang natalo sa lotto ngayon? Hindi mapinta ang mukha mo oh" pagbibiro naman ni Richard sa kaibigan na si Robbie.

Siniko siya ni Chin-Chin para patigilin na. Nang ipagpapatuloy pa sana ni Richard ang pangungulit niya ay pinanlakihan na siya ng mata ni Chin-Chin kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin yung dalaga.

"Robbie, may problem ba kayo ng Beshy ko?" Mahinahon na tanong ni Chin-Chin.

"Wala lang, gusto ko lang mapag-isa ngayon. Hindi naman sa lahat ng oras kailangang magkasama kami di ba" paliwanag ni Robbie.

Nanlaki ang mga mata ni Chin-Chin dahil sa sinabing yun ni Robbie.

"You know what... ganyan na ganyan din ang sinabi sa akin ni Beshy nung magkausap kami sa mini park sa school. Parang meant for each other talaga kayong dalawa" paliwanag ni Chin-Chin habang nakangiti ng malawak.

"Oh hi Kuya! Di ko alam na nandito din pala kayo" nakarinig si Robbie ng pagtawag sa kanya mula sa likuran kaya lumingo naman siya.

Ikinagulat niya nang makita niya sina Flair at Jasmin na magkasamang naglalakad papunta sa kanila. Tiningnan niya si Jasmin at kitang nagulat din ang dalaga sa pagkakakita sa kanya.

"What a coincidence, nandito din pala kayo" sabi uli ni Flair nang makarating na sila ni Jasmin sa kinaroroonan nila Robbie.

"Flair, what is this?" Diretsong tanong ni Robbie sa kapatid.

"What? Nandito kami ni Ate Jasmin to go shopping, eh hindi mo naman kasi ako sinasamahan eh. So kay Ate Jasmin na lang ako nagpasama" palusot ni Flair kahit alam niya naman talagang dito pupunta ang Kuya niya kaya siya nagpasama kay Jasmin.

Palano ni Flair na papag-usapin ang dalawa para maliwanagan ang problema nila.

"So you two must be my brother's friends. Hi I'm Flair Ivy Rigalado" pagpapakilala ni Flair sa mga kasama ni Robbie.

"Hi I'm Chin-Chin... siya naman si Richard" pagpapakilala din ni Chin-Chin sa kanilang dalawa ni Richard.

"Ahh... so matagal na kayong kaibigan ni Kuya?" Tanong ni Flair habang pasimpleng inilalayo yung dalawa para magkaroon ng privacy sina Jasmin at Robbie.

"So sorry kung napilitan kang lumabas nang dahil sa kapatid ko" saad ni Robbie.

"It's okay, sa tingin ko rin naman kailangan ko ng fresh air" sagot naman ni Jasmin habang nakatingin lang sa sahig.

"Uhmm... Kitty, kamusta na tayo? Okay pa ba tayo?" Tanong ni Robbie na naging dahilan ni Jasmin para mapatingala at mapatingin sa binata.

Gusto mang sabihin ni Jasmin na okay lang silang dalawa, pero kung sasabihin niya yun ay parang nagsinungaling na rin siya sa sarili niya.

"Is it because of my heart transplant? Sinabi sa akin ni Flair na nanggaling siya sainyo kahapon. Sinabi niya rin sa akin yung naging usapan niyo. Jasmin, I don't know kung totoo ba talaga yang sinasabi mo, pero what I know is I have feelings for you" paliwanag ni Robbie.

Iiwas na sana si Jasmin at magwawalk out pero pinigilan siya ni Robbie. Gusto kasi ng binata na maipaliwanag kay Jasmin ang buo niyang nararamdaman.

"I don't care kung sa ex-boyfriend mo man galing itong puso ko, pero right now, dugo ko ang dumadaloy dito. I know somehow in doubt ka sa kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko. Well Jasmin, sasabihin ko sa'yo. With or without this heart, I will still love you" biglang kumirot ang dibdib ni Robbie nang sabihin niya yun. Na para bang nagkakaroon ng pagtatalo sa loob niya.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon