🌺
Tila ako binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niya iyon. Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. Ipinilig ko ang ulo.
What just happened? My burning eyes fixed on the person next to me. He's settling into his seat as if nothing was going wrong.
"Hoy!" tawag ko sa kanya.
"Thorn." Sinulyapan niya ako habang naglalabas ng notepad mula sa backpack niya. "I have a name. It's Thorn Reid Weston."
Hmm, he has a nice full name. Matilda Rhyce Weston. Not bad at all.
Shit! What is this I'm thinking of?
"Okay, Thorn..." tumikhim ako. "I don't need a chaperone or for you to escort me. I can take care of myself." Dumiretso ako ng upo saka ko siya tiningnan.
He just smirked at me. Really? Parang nang-uuyam ang mga ngisi niyang iyon.
Natapos ang isa pang klase at mukhang wala pa ring gustong kumausap sa 'kin, maliban kay Thorn. He's not actually talking to me, but he does keep his gaze fixed on me. Pati na iyong Jammy kanina ay parang umiiwas na sa akin ng tingin. Nakapagtataka tuloy. O marahil ay nasanay ako na parating pinapansin at sa paaralang ito ay walang pakialamanan kapag oras na ng klase. They have strict rules here, I can see.
The feeling of boredom and hunger reminded me to take a break. Hindi naman siguro bawal ang kumain dito kapag nagugutom. Nakakailang hakbang na ako para maghanap ng makakainan nang biglang may humawak sa braso ko.
"Where are you going?"
Nilingon ko ang nagmamay-ari ng kamay na pumigil sa akin.
"Really? You again?" I snapped. Why couldn't he just give me a break? "Thorn, nagugutom ako. Pupunta lang ako ng canteen," naiinis na sabi ko.
"Then we'll eat together." Naglakad na siya at nauna pa sa akin.
"Hoy, sandali!" sigaw ko, tangkang habulin siya at kumprontahin dahil sa kasungitan niya.
Hindi ko napansin na may maliit na butas sa nilalakaran ko. Sakto roon ang takong ng suot kong pumps kaya natumba ako sa gitna ng corridor. Minamalas nga yata ako sa araw na ito dahil may grupo ng kababaihan ang nakasaksi ng pagkatalisod ko. Nagmamadali silang pinindot ang kanilang mga cell phone camera at itinapat iyon sa akin. Napanganga ako at nawalan ng dugo. Siguradong viral iyon kapag kumalat sa social media network. Pagtatawanan ako ng mga galit sa akin sa industriya. Partikular ang mga girlfriend na inagawan ko. This could be their chance to get back at me.
Agad kong tinakpan ng aking dalawang kamay ang mukha ko. Then I felt a warm hand on my shoulder. Sinilip ko iyon sa sulok ng mga daliri ko at nakita ko si Thorn na nakaluhod sa harapan ko at hinarangan ang mga babaeng nag-flash ang mga kamera.
"T-Thorn..."
Hindi siya nagsalita. Sa halip ay inalalayan ang baywang ko upang makatayo. Sinulyapan niya ang mga babae at tinitigan ng masama. The girls hurriedly went away.
"Now you know why we have a dress code," he said, sternly.
"H-Hindi ko nakita na may butas," pagdadahilan ko.
Nagulat pa ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hilahin kaya napasunod na lamang ako sa kanya.***
The scent of the toasted garlic bread dispersed around the place. It combined to the aroma of the freshly brewed coffee. Mangilan-ngilan lamang ang kumakain dito sa loob ng kantina.
Tahimik kami habang magkaharap na kumakain ni Thorn. We have the same food on our table. I don't know if we do really have the same taste or he's just mimicking me. Pero siya naman ang nauna sa pila kanina. At lalabas na ako ang nanggagaya sa kanya.
Inaamin ko na naiinis ako sa ginagawa niyang pakikialam sa akin. Kailangan pa niya akong pasunurin sa kanya kaya ngayon ay magkasama kaming kumakain. Pero kung hindi dahil din sa kanya ay malamang nagawan na ako ng bagong Tiktok video.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magpasalamat sa ginawa niya kanina nang biglang mag-ring ang phone niya.
"Hi," he answered.
I came to a halt when I noticed him shift from serious to a happy expression. Marunong din naman pala siyang ngumiti.
"Nasa canteen, taking a break..."
Pinanonood ko siya habang kumakagat ako ng burger.
"No, maybe tomorrow." Gumawi sa akin ang mga mata niya. "I have to do something..." Nag-usap pa sila ng ilang sandali bago siya nagpaalam sa kausap.
"Girlfriend mo?" diretso kong tanong paglapag niya ng phone sa mesa.
"It's none of your business."
Napasinghap ako. Wow! Kanina ang ganda ng ngiti niya sa kausap. Sa akin, balik simangot? Lalo tuloy akong na-curious kung sinoman ang nakausap niya na nakapagpangiti sa kanya.
"Fine!" I barked. Naiinis akong kumagat ng malaki sa hawak na tinapay.
Pareho kaming natahimik. Pero ang utak ko, nagrerebelde. Kanina pa ako binabara ng tinik na 'to! Kung hindi lamang niya ako tinulungan, kanina ko pa siguro siya iniwan dito.
I'll get back to him when the time comes, I promised myself.
"Spare some time before you go home. Gusto kong ituro sa 'yo ang mga topic na natapos na namin. We can stay at the library." Nagsasalita siya pero hindi sa akin nakatingin.
Pumindot ako ng numero sa cell phone ko.
"Rich," sabi ko nang sumagot ang nasa kabilang linya. Doon nag-angat ng ulo ang kaharap ko.
"Is there a problem, Ada?" bungad ni Rich.
"Nah. Huwag mo na 'kong sunduin mamaya," sabi ko habang pinaglalaruan ang straw sa baso. Damang-dama ko ang mainit na titig ni Thorn sa harap ko.
"And why?"
"May group study kami," I told him. And he laughed out loud.
"Are you kidding me, Ada? No, I'll fetch you later. Alam kong gusto mo lang akong takasan."
Napasimangot ako. "I'm telling the truth. I need to catch up on some topics or I'll fall behind. You can even ask my Professor. Or perhaps our Class President."
Nagsalubong ang mga mata namin ni Thorn. Napansin kong hindi na siya kumakain.
"Ada, please, you promise me you'll behave..."
"I am behave. Pahahatid na lang ako sa classmate ko, I'm sure he wouldn't mind."
Nagdikit ang labi ni Thorn. As if he wasn't okay with my idea.
"He? Ada, lalaki na naman?"
"Marami kami," I emphasized. "Group study nga, 'di ba? Sige na, Rich. I'll call you again later. Love you, bye." Pinindot ko ang end call at saka inubos ang inumin ko.
Thorn was still looking at me. Like he wants to kill me or devour me with his silent but intent stare.
"What?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita. Nanatili siyang nakakunot ang noo habang tinitingnan ako. Nag-iba ako ng tingin. Hindi pa ako na-conscious ng ganito sa harap ng isang lalaki. Naiinis talaga ako sa Thorn na ito.
"Tuturuan mo 'ko mamaya at ihahatid mo 'ko. Ikaw naman ang may gusto nito, right? Unless, may date ka," I teased him.
His eyes were still glaring at me.
"May date ka, 'no?"
"Wala!" napalakas na sagot niya.
Gusto ko siyang pagtawanan. Kaya lang, I just reserved it to myself. Mamaya na lang kapag nagawa ko na ang plano ko.
***
Natural ang liwanag dito sa loob ng library dahil sa solar panel na ginamit. Ang mga istanteng puno ng mga aklat ay madaling maabot. May mga laptop sa kani-kanilang istasyon kaya madaling ma-access ang teknolohiya. May kani-kaniyang mesa ang gustong magbasa o mag-aral ng tahimik. The chairs were strategically placed so that no one else would be bothered while they were here.
Kanina pa nagsipag-uwian ang mga kaklase namin. May mga nakausap pa si Thorn na inaaya siya somewhere pero tinanggihan niya. Some of our classmates were staring at me like I've done something wrong kaya hindi makakasama sa kanila si Thorn. But nobody dare to stop him or me. Parang iginagalang talaga nila siya bilang President ng klase. I heard he was also a Student Council officer. He was also involved in a variety of school activities.
Thorn was dead serious about teaching me. The subjects were not particularly difficult, so I think madali ko namang mahahabol pag-aralan. Am I really doing this? Isipin ko na lang na para ito kay Richmond at sa mga sakripisyo niya para sa akin. That's what I'll be thinking about from now on.
"Tanungin mo lang ako kung may hindi ka maintindihan..."
Napahikab ako. Isinara niya ang librong nasa harapan namin.
"It's late. Bukas na lang natin ituloy," sabi ni Thorn.
I yawned again. Bakit ba ako inaantok, ang aga-aga pa? Maybe because it's too quiet here inside the library. Magkikita pa kami ni Lowella mamaya.
"Ihahatid na kita."
Gumalaw ang tainga ko. Parang biglang nabuhay ang dugo ko.
"Okay," I said.
Sinabi ko sa kanya ang address. Tumalima naman siya at tahimik na nagmaneho. He seems to have a good hand in driving. Mabango ang kotse niya at mukhang bago. Sabagay, sabi nga ni Richmond ay nasa matataas na estado sa lipunan ang pinagmulan ng mga estudyante sa Springtide.
"Paki-park mo na lang diyan," utos ko. Agad akong bumaba at hindi na hinintay si Thorn na pagbuksan ako ng pinto.
Nagtaka ako nang bumaba rin siya ng sasakyan.
"Saan dito ang sa inyo? These are all establishments. May office ba kayo rito?"
I grinned at his question.
"Gusto mo 'kong samahan?" tanong ko habang tinatanggal ang mga butones ng blouse na suot ko.
Nakita kong dumilim ang mga mata niya habang sinusundan ng tingin ang ginagawa ko.
"Come on. Sandali lang tayo," untag kong muli sa kanya.
Hindi siya kumibo. He's watching my every move. Hinubad ko ng dahan-dahan ang unipormeng suot ko. I'm still wearing my red tube bra. Tinapon ko ang blouse sa loob ng nakabukas na bintana ng kotse niya.
"What do you think you're doing?" mariin niyang tanong.
Ibinaba ko ang zipper sa gilid ng palda.
"I'm changing," sagot kong hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Tuluyan nang nalaglag sa aking paanan ang kapares na uniporme. Yumuko ako upang pulutin iyon at saka ibinato sa loob ng kotse niya.
Humakbang ako palapit kay Thorn. He didn't move from where he was standing, but I can see his both fists clenched.
"Sandali lang tayo, Thorn. Samahan mo na 'ko, please." Hinawakan ko ang laylayan ng polo niya.
"Stop!" utos niya at pinigilan ang kamay kong nakahawak sa damit niya. I knew he could feel it already. Paano pa kaya kung ang dibdib na niya ang hawak ng mga kamay ko?
I bit my lower lip and my other hand touched his broad chest. I moaned while my fingers linger there.
Gumalaw din ang isa niyang kamay para pigilin ang ginagawa ko.
"I said stop this," he commanded.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Wondering if he's really gay. Ngayon na sobrang lapit na ng mga mukha namin ay napagmasdan ko pang lalo ang kanyang maamong mga mata. God, his eyes were really beautiful. Even if it appears to be mad, still, I'm beginning to somehow imagine those eyes hovering over my naked body.
I tiptoed and whispered behind his ears. "If you leave me now, your conscience will haunt you. So come with me, Thorn. I promise you'll remember this evening with me for the rest of your life."~~~~~
Vote and Comment ✍🏻
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
RomanceHighest Rank Achieved: #1 in playgirl #1 matured #1 in virgin #1 in deceived #2 in deception #2 in unexpected #2 in charm #9 in General Fiction "Ilang lalaki na ang dinala mo rito, Ms. Matilda Rhyce? Lima? Sampu? Isang dosena?" Nagtapat ang aming...