My Feelings
~*~
How will you know if you like someone? When you feels a butterfly in your stomach when they are talking to you, when they are near you or when you see them? Is that it?
~*~"Jelaaaaaaaaiii!" Sigaw ko ng makita ko sya na nakaindian sit sa hallway at nakasandal sa pader ng room namin. Nilingon nya ako at ngumiti. Malawak na ngiti to be exact.
"Oy, ba't ngayon ka lang?" Bungad nya sakin paglapit ko. Nakatayo lang ako sa harap nya habang sya ay nananatiling nakaupo at tinitingala ako. I took a deep breath at saka sya sinagot.
"Ikaw kaya paglakarin ko dyan sa hagdan ng karunungan, di ka kaya mapagod?" Sarkastikong sabi ko at inirapan sya.
"Wag, baka mabawasan yung taba ng pisnge nya." Singit ng classmate namin na si Kenneth. Ako at pati ang mga classmate namin na kasama namin dito ay natawa dahil sa sinabi ni Kenneth.
"Ha ha." Sarkastikong tawa ni Jelai at umirap saka hinampas sa braso si Kenneth. Natawa lang si Kenneth kay Jelai.
"Nga pala, may sasabihin pala ako." Singit ko na ikinatingin nilang dalawa sakin. Hinila ko na patayo si Jelai at umakyat kami sa Mini Forest na malapit lang dito.
Nasa baba kasi ang building namin kaya aakyat pa kami ng hagdan pero malapit lang dito yung Mini Forest, as in limang kembot lang nandon ka na. Maganda don, mahangin dahil puro puno ang nandon. Mini Forest nga eh. Malawak rin at nababalutan ng tuyot na dahon ang lupa. May mga malalaking bato rin na pwedeng upuan. Sa may bandang baba naman ay may mga malalaking sanga ng puno na nilagay don at may mga bato rin ngunit di na katulad dito sa taas na malalaki, maliliit nalang yung nandon at kung di ka titingin sa dinadaanan mo, you might trip into one.
"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ni Jelai ng tumigil kami sa gitna. Nginitian ko sya bago huminga ng malalim. "Lah? Malaking problema ba yan, par?" Bigla akong natawa sa sinabi nya.
"Hahaha, hindi siraulo!" Sumeryoso na ako. "Ewan ko lang, ah? Pero sa tingin ko crush ko na si-" Biglang nanlaki ang mata ko ng bigla akong sinakal ni Jelai, jokingly.
"Yiieeeeeeee! Sabi na nga ba eh! Itatanggi pa kase eh!" Sabi nya habang inaalog alog ako. May sasabihin pa ako ng bigla na naman nya akong kiniliti sa tagiliran.
"Yah!" Sigaw ko sakanya at tumakbo palayo sakanya. Nababaliw na naman sya, jusme!
"Yieeeee, crush nya si-"
"Jelaaai!" Sigaw ko at sya naman ang hinabol ko. "Siraulo ka, lumapit ka dito!"
"Habulin mo muna ako-"
"Pinetree! Pasukan na!" Sigaw ng class president namin na si Kuya Jerry. Kuya dahil mas matanda sya samin.
"Hoy, babae, pasok na tayo!" Sigaw ko kay Jelai. Lumapit naman sya sakin at binatukan ako. "Aba't!"
"Walang tayo!" Sigaw nya at nauna ng bumaba. Hinabol ko sya at binatukan rin. "Hoy!"
"Darren ang pangalan ko, di 'hoy'!" Sigaw ko sakanya at bago pumasok sa room namin at nagmake face ako sakanya.
Sya, si Jenny. Ako, si Darren. At yung crush ko, si Lourence.
BINABASA MO ANG
Sacrifice
Teen FictionHindi lahat ng sakripisyo, maganda ang naidudulot. Ganyan ang nangyari sa sakripisyong ginawa ni Darren, pero sa pagsuko nya, walang napuntahan.