Malayo

17 0 0
                                    

Naghahanap ng karamay
Sa hagupit ng buhay
Walang makita sa malapit
Kaya sa malayo kumakapit

Malayo tayo sa isa't isa
Pero ang mga puso'y magka-isa
Mahirap man kapag ganito
Heto parin ako...nag-aantay sayo

Nagkakilala sa isang chat
At doon nagsimula ang lahat
Tayo'y naging magkaibigan
Hanggang sa ikaw ay aking na-ibigan

Tadhana ba ang nagtagpo?
Or tadhana ang naglalayo?
Naghahangad na balang araw magkita
Kaya ito malaki na ang eyebags sa ilalim ng mata
Bahala na, basta matagal kang maka-usap
Kahit ang 'yong mga salita ay 'di umaabot sa isang pangungusap

Malayo man ako
Nararamdaman ko parin pagmamahal mo
Kapag araw ka at ako'y gabi
Iibahin ko parin ang aking gawi

Tumatawag kapag ika'y nami-miss
Naglalambing kapag ika'y naiinis
Kapag may umagaw sayo
Humanda siya, wala akong paki-alam gaano pa man kalayo

Sa pagkakataong hindi ka nakakausap
Hindi mapakali at nawawalan ng sarap
Pero kapag boses mo'y naririnig
Puso ko'y ang lakas pumintig

Gaano man yan kalayo
Ika'y akin at ako parin ay sayo
Maging totoo lang tayo
Laging makikinig sa mga payo

Hindi naman mahirap ang maghintay
Kapag alam mo na ang pangako niyo sa isa't-isa ay buhay
Kaya sa mga babae,
Maghanap ng lalaking marunong mag-antay, at huwag ang lalaking sayo'y buma-bagay.

Sa araw-araw na ika'y hindi nakikita
Ako'y nanghihina
Sa gabi-gabi na ika'y hindi nayayakap
Ikaw ang laging hinahanap

Balang araw kapag tayo'y magkasama na
Hindi ka na papakawalan pa
Kapag ika'y kasama sa lahat ng gawain
Ako'y maligaya na at naabot na aking hangarin.

-dnllekthrn

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

POEMS💕❤Where stories live. Discover now