Bago mag tapos ang klase namin kay Ma'am Sam ay sinabihan kami ni Intsek na pumunta ng Office para ma-orient sa mga pangyayari sa loob ng Moon High. Para narin makuha yung ID namin at iba pang gamit.
Nakalimutan ko pangalan nung Intsek eh. Ree? Riro? Roy? Ayy ewan.
Kasulukuyan akong nagaayos ng gamit ng magsalita siya.
"A-ah Raven, pwede bang sabay na tayo pumunta sa office? Hindi ko kasi alam kung saan yun." Sabi niya na halatang kabado dahil yuko siya ng yuko.
"Hindi ko rin kasi alam kung nasaan yun.. Sabay nalang natin hanapin." Sabi ko sabay ngiti ng bahagya, para narin mabawasan yung kaba niya.
Gumana naman siguro, dahil ngumiti rin siya pabalik at tumayo na. Sumunod narin ako sa kanya palabas ng room.
"Bes, ayan na sila"
"Sino?"
"Yung sinasabi kong bago sa 3-B"
"Bakit may jogging pants siyang suot?"
"Like duh! Ang baduy!"
Pagkasabi nila nun, tumingin bahagya si Ree sa paa ko. Siguro napansin niya rin yung suot ko.
"Ah, Raven. Bakit nga pala may suot kang ganyan sa loob ng uniform?" Takang tanong niya.
"Hindi kasi ako sanay sa maiksi, hindi ako kumportable." Saad ko habang deretso parin ang tingin.
Habang naglalakad, nakarinig ako ng nga hiyaw.
"KYAAAH!! ANDYAN NA YUNG SPADES!"
" JEID! PASABAY MAG BREAK!"
"HAMDAN! KYAAAHH!"
"ANG POGI MO! RALPH!"
"LANCE MY LOVES!!"
"ELIJAH! ANG KYUT MO!"
"OMGGGG!! SHINNNN!"
"Kyaaaah! Niel!!
Kelangan bang sumigaw!? Tsk. Walang mga modo.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may huminto sa harapan namin. Inis ko namang inangat yung tingin ko sa taong yun.
Ay, mali. MGA TAONG YUN. Sila pala yung nakabangga ko kaninang umaga.
"Oi! Miss jogging pants! Di pa tayo tapos!" Panguguna ni pandak.
"Oo nga naman miss, hindi ka pa nagsosorry sa kaibigan namin". Sabi nung lalaking maputi at may hikaw sa tenga. Tss. Playboy.
"Kung ayaw mo magsorry, miss. Bigay mo nalang number mo samin, para nice! Hahaha!" banat nung lalaking kayumanggi at nakasumbrero. Alaskador.
YOU ARE READING
Multiple Choices Of Boys.
Novela JuvenilMoon High Academy. Ano nga ba ang mga bagong karanasan na ipaparamdam mo sakin? Magiging masaya ba ito? O masaklap?