Chapter 7

7.8K 288 4
                                    

🌺

She could be his girlfriend? Psh! Why do I care? Tumalikod ako at itinuloy ang pagkuha ng pictures. Kahit tila nagngingitngit ang pakiramdam ko dahil sa iginawad niyang pagngiti sa babaeng iyon.
Naging maingay pagpasok nila. And I couldn't concentrate. Pati waitress na tinatanong ko, hindi ko maintindihan ang mga sagot kakatingin sa puwesto nina Thorn.
Hindi na ako nakatiis. Gumawi ako malapit sa kanila, pretending to take random photos. Kinuhanan ko rin sila dahilan kaya napatingin silang lahat sa akin.
There were five of them and one appeared to be the center of attention, 'yong humalik kay Thorn kanina. She's sitting beside him and the guy didn't seem to notice na sa kanya nakatitig lahat ng babaeng kasama nito. He's not that gorgeous para pagkaguluhan nila, duh! Bagay lang talaga sa kanya ang buhok niya, saka ang kilay at mga mata niya, pati ng ilong at ng mamula-mulang labi niya. And his muscles... Oh shit! Stop it, Matilda! Admit it. He's a babe-magnet!
"Hindi ba si Ada Rhyce iyan?"
Napahinto ako. Kilala naman pala nila ako. Parang gusto ko tuloy ulit gumawa ng bagong commercial. Tatanggap na ba akong muli ng offer?
"Hi! You're Ada Rhyce, right?" bati ng isa sa kanila. Nakangiti ngayon silang lahat sa akin. Ayoko namang magsuplada so ako na ang lumapit sa table nila.
"The one and only," I replied politely.
May agad tumayo at nagpakuha ng picture kasama ako. May isa pang kumuha ng pad for my autograph.
"Tapos ka na?" Thorn asked me while I'm signing a paper.
"Magkakilala kayo?" the girl beside him inquired. Ako ang sumagot.
"We're in the same school."
"Oh!" Naglahad siya ng kamay. "I'm Chary, Thorn's girlfriend." Nakita kong napakunot ang noo ni Thorn.
Napatiim-bagang ako. So may nobya na pala siya. Ang dahilan kaya hindi siya nakasagot nang tanungin ko siya kung pananagutan ba niya ako sakaling mabuntis ako. Man-whore!
Kinuha ko ang kamay ni Chary. "Hi," I simply said. Sanay naman akong makipagplastikan.
Sabay-sabay kaming napatingin kay Thorn nang bigla siyang tumayo.
"Tapos na tayo rito. Sa susunod na restaurant na tayo," aniya at kinuha ang nakasukbit sa balikat kong bag. Nauna na siyang naglakad palabas at hindi man lang nagpaalam sa girlfriend niya. How rude.
Ako na lang ang nagpaalam sa kanila pati na rin sa mabait na Manager. Pagbalik namin sa kotse ay madilim ang hitsura ni Thorn. Ano'ng nakain niya? He should be staying for a while. Her girlfriend was still inside, duh! Kaya ko naman ang sarili ko. Umaakto siyang parang walang magawa dahil nandito ako.
"Bakit ang tagal mo?" masungit na tanong niya at agad binuhay ang makina.
I saw my stuff properly placed at the passenger's seat.
"Nagpaalam pa 'ko sa girlfriend mo," I emphasized the word. Lalong kumunot ang noo niya. "Mabuti at hindi nagalit sa 'yo si Chary. She seems... nice." Bagay sila. Parang may bumara sa lalamunan ko nang maisip ko iyon.
"Tss."
Tss? What's that? Bigla na lamang siyang nainis. Na para bang wala siyang ibang pagpipilian dahil narito ako para i-baby sit niya.
"Sa Indian Restaurant naman tayo. I hope hindi pa masyadong marami ang mga customers. Or else, wala kang mai-interview."
I looked at my watch. Past three. Usually sa gabi nagpupuntahan sa mga kainan ang mga tao. "I hope not," I said. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata. I could still see him smiling at Chary. I wish he will smile at me like that, too.
Tinatamad akong bumaba ng sasakyan nang marating namin ang sinasabi niyang Indian Restaurant. Iilan lang ang kumakain sa nadatnan naming lugar. As if they were just having a snack. Amoy ko kaagad ang curry sa paligid. Naalala ko tuloy noong magkakasama kaming kumain nina Daddy, Mommy at Richmond during my visit in Brunei.
"We can leave kung ayaw mo ng amoy," aniyang huminto sa may counter.
"I like Indian food. Saka nandito na tayo. Sayang naman." One of the most happy memories together with my family was when they asked me to try Briyani Chicken, and I coughed when I found out how spicy it was. We laughed. Hindi ko malilimutan iyon.
Sandali akong tinitigan ni Thorn. "Sigurado ka?"
Nginisian ko siya. "You can try me," I said.
Tumango siya at may kinausap. Niyaya niya akong maupo muna. Maya-maya lamang ay may nagsilbi na sa amin ng pagkain. I know the dish. It's called Roti-prata.
Hindi ako nagsalita nang iabot niya sa akin ang tinidor.
"Let's see kung totoo ang sinasabi mo," he dared with a smirk on his face. Oh, he's testing me?
Ibinaba ko ang tinidor na iniabot niya sa akin. Instead, I tore the bread with my bare hands and dipped it in the sauce. He's just staring at me. Sinubo ko iyon at may tumulo pa na sauce sa plato ko.
Napailing siya at parang gusto kong matunaw sa kanyang pagngiti.
"W-What?" tanong ko, kahit puno pa ang bibig ko.
Hindi siya nagsalita. Kinuha niya ang nakahandang facial tissue at saka iniabot sa akin iyon. "May sauce sa bibig mo."
"Ayos lang iyan. Mamaya na 'ko magpupunas kapag ubos ko na 'to." Sumawsaw ulit ako at saka sumubo. I always like the taste of the chili, sweet sauce.
"Ang dumi mong kumain," aniya, at in-extend ang kamay para punasan ang gilid ng bibig ko.
Natigilan ako sa pagnguya. He was smiling while removing that something on my lips. And that smile, that gesture, parang may hatid na kilabot sa buo kong katawan. What. Is. This?
Unti-unting nawala ang ngiti niya. Naging seryoso na naman siya.
"Finish your food. Bilisan mo bago dumating ang mga customers," he said and continued eating.
Bago pa dumami ang mga tao ay nakatapos na agad ako sa mga dapat gawin. And Thorn was just sitting in one corner waiting for me.
Namalayan ko na lang na madilim na sa labas. Nagbukas na rin ang maraming ilaw sa paligid.
Hinatid ako ni Thorn hanggang sa bahay kahit ilang ulit ko siyang tinanggihan.
"You want to come in?" tanong ko. "Makapagpasalamat man lang ako sa ginawa mong tulong."
"Wala akong ginawa. Sinamahan lang kita at hinintay," sabi niya. Nandito pa rin kami sa loob ng kotse niya.
"That's more than enough, Thorn." Tumitig ako sa kanya. Is this his way of making up with me? Dahil sa may nangyari sa amin?
"You still have a lot to encode. Kulang ka pa ng isa. Sa Lunes na iyan, Ada."
"Yeah." I became deafeningly quiet. I concentrated on my hands, which were resting on my knees. I'm not sure why I don't want to go down just yet.
"Susunduin kita bukas."
"No need."
"Naiwan sa school ang kotse mo."
Psh! I forgot about that. "I can take a cab."
"I'll come early."
Napatingin ako sa kanya. He's not looking at me. His lips were pursed inside and his both hands on the steering wheel. Sandali akong hindi makapagsalita. There was something...
I don't know.
"Unless, someone else will take you." Then he turned to face me. Those stares. Bakit ako kinikilabutan sa mga tingin niya?
"M-Myself. I can go to school by myself, Thorn. Hindi mo na kailangang mag-abala. Baka makaistorbo lang ako sa inyo ni Chary." Hinawakan ko ang handle ng pintuan at naghanda sa pagbaba. "You should go fetch your girlfriend instead. And thanks for today." I couldn't figure out why I had a sense of regret inside of me.
Tuluyan na akong bumaba ng kotse niya. Hindi niya agad pinaandar iyon. Dinungaw ko siya mula sa kanyang bintana.
"Thorn?"
His forehead frowned. His hands were still on the steering wheel. He gave me a serious look. "Chary is not my girlfriend."
I was stunned. Then he drove the car away and left me without saying goodbye.

I Knew I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon