TGC#13

32.9K 596 2
                                    

#13
___________________

Heart Beat.



Ilang linggo na din ang lumipas. Mas nagiging close kami ni sir Josh at nagiging maganda naman ang takbo ng trabaho ko sakaniya.

Hindi padin nakakalabas si lola ng ospital. Ang totoo niyan gusto ng doctor na ilipat na si lola sa pribadong ospital dahil hindi ganun ka high-tech ang mga gamit nila sa ospital para ma-maintain ang pag gamot kay lola.

"Hindi basta basta ang sakit ng lola mo. Kaylangan malipat siya sa mas mataas na ospital para mas mabantayan ng espesyalista sa sakit niya" Sabi pa ng doktor sakin.

"Ganun po ba doc. Sige po pagiipunan ko nalang po" sagot ko. Nagpaalam at umalis na ang doktor. Napabuntong hininga nalang ako.

Sa mga ganitong oras naaalala ko ang kontrata na sinasabi ni halimaw na masungit. Sabi pa niya...

"Nalaman ko kay Josh na nasa ospital ang lola mo. Sasagutin ko lahat ng gastusin mo sa lola mo, Ipapalipat ko siya sa private hospital at ipapaalaga sa family doctor namin." Seryoso niyang sinabi sakin nung gabing yon.


May halong pagkadespirado ang bawat salita na lumalabas sa bibig niya nung gabing yon. Ayaw niya daw kasi pumayag sa engagement na sinasabi sakaniya ng mama niya kaya eto ipapakilala niya daw ako as girlfriend niya para hindi siya kulitin ng mama niya.


Workaholic pala si halimaw kaya walang oras sa seryosong relasyon. Naalala ko pa yung sinabi niyang hindi ko inakalang lalabas sa bibig niya.

"Wala akong oras sa seryosong relasyon. Masasaktan at masasaktan din naman sa huli mas maganda pang wag nalang magmahal"

May minahal na kaya yon? Aish! Bakit ko ba iniisip yong halimaw na yon? Wala akong sinagot sa alok niya kundi .....

"Pagiisipan ko"


Pumasok ako sa kwarto ni lola at nakita kong kausap niya ulit yung bata. Napapangiti nalang ako sa tuwing nakikita ko si lola na ngumingiti pag kausap niya ang batang yon.

"Adrian kamusta ang mama mo?" Tanong ko sa bata.

"Makakalabas na daw po si mama sabi ng doktor may hinihintay nalang daw po" Ngumiti ang bata at mukang masaya sa balita ng doktor sakanila. Buti pa sila maayos na ang mama niya.

"Buti naman. Wag mo kami kakalimutan pag nakalabas na si mama mo ah?" Umiling ang bata at tumingin kay lola.

"Dadalawin ko po si lola pagkauwi ko galing school. Kayo din dapat lola magpagaling po kayo ha? Para mapakita ko na po sainyo yung playground samin!" Napangiti nalang si lola at hinaplos ang balikat ng bata.


Hindi na ko nagtagal sa ospital dahil may pasok pa ko. mag papasukan na pala. Hindi na talaga ako nakapag enroll. Dibale na pag nakaluwag luwag kami mageenroll nalang ako sa susunod.

Nagpaalam na ko kay lola at umalis na. Walang pasok si Guia ngayon kaya wala akong kasabay. Buti pa siya makakapag enroll ngayong sem. Sasagutin kasi ng tita niya na nasa Japan ang pagaaral niya. Ako kaya nasan kaya ang tita ko?


"Serah! " Sigaw ng isang lalaki. Nilibot ko naman ang paningin para hanapin yon. Sino kaya yun parang pamilyar.

May sasakyan na tumigil sa tapat ko at nakita ko si sir Josh. Ngumiti siya ang kumaway sakin. Ngumiti din ako. Napansin kong may isang babae sa passenger seat. Parang kilala ko siya..

The Girlfriend Contract. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon