Chapter 15

4.2K 134 2
                                    

°°°

Astrid Thyreese

Agad akong pumasok sa aking silid, hinubad ang aking kasuotan, atsaka nagbabad sa bath thub na nilagyan ko ng maligamgam na tubig.

Wala akong pakialam kung pasukan man ako ni Anito dito, bahala siyang mangalaiti sa galit mag-isa nya. I am just too mentally tired para problemahin kung anong iisipin ng ibang tao tungkol sa akin.

Inabot ko ang bote ng shampoo at sinimulang ilagay sa buhok ko, and it right away relaxed me.

Taking a bath is probably my 2nd most favorite thing to do, other than eating, sleeping and reading.

And somehow, kahit konti--- it makes me feel clean, not just physically, but also mentally.

I savored the temporary solitude it gave me, I sighed as I closed my eyes.

And then I saw his beautiful face, damn it, para syang nililok ng mga Renaissance Era sculptor, napaka- perpekto ng kanyang mukha, kahit yung mga dapat ay imperfections nya dumadagdag lang para mas magmukhang rugged at bad boy ang itsura nya.

At naisip ko na kamukhang kamukha nya si Anito.

Mistulang isang bula na pumutok ang imahe ng mate ko, medyo nawalan ako ng gana.

Pagkaraan ng ilang minuto, binanlawan ko na ang lahat ng sabon sa aking katawan, atsaka tumayo mula sa bath thub--- sinuot ko ang bath robe atsaka nagpunta sa sink na may salamin.

Tinignan ko ang aking sarili, wala namang gaanong nagbago sa aking pisikal na anyo, maliban sa aking mga kulay asul na mata na tila nawalan ng buhay at sigla.
I brushed my teeth, and then I chose a pair pyjamas, they feel comfy so I chose them.

Nagsusuklay na 'ko ng buhok nang biglang pabagsak na bumukas ang pintuan, bumungad ang mukha ni Alpha Anito na mukhang naasar.

"What do you think you just did?" Halos pa-singhal na tanong sa akin ni Anito, I just rolled my eyes at him.

"Wala ka nang pakialam doon." Walang emosyon kong sabi sa kanya.

"Damn it! Pinahiya mo ako sa mga katulad kong Alpha! You will not eat dinner as a punishment!"

I just smirked at him, do I look like I give a fvck if I die in starvation? Nawalan na ako ng paki sa halos lahat ng bagay, I am not afraid to die... but then I remembered my mate, sa isang iglap napabago nya ang isip ko. Pero, siguro naman hindi ako mamamatay sa hindi pagkain ng isang gabi?

Biglang namula ang mukha nya sa galit, ngayon ko lang sya nakita ng ganito, napa-igtad ako nang itaas nya ang kamay nya na para bang sasaktan nya ako, napapikit ako ng mariin.

Pero hindi ko naramdaman ang masakit na paglapat ng kanyang kamay sa akin, instead hinawakan nya ako ng mariin sa magkabilang balikat. Inilapit nya ang kanyang mukha sa akin.

"Listen carefully, ayaw na kitang saktan... pero kung patuloy mong gagawin ang mga bagay na ikakagalit ko, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko." Mariin at seryoso nyang sabi sa akin habang nakatingin sya sa mata ko.

Nahiya pa sya sa lagay na iyan? Wow ha? Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sa akin, satingin nya ba magiging mabait ang pakikitungo ko sa kanya? Hindi ako sumagot... ayoko na ring makipag argumento pa sa kanya, wala namang saysay.

Pagkatapos nyang sinabi iyon ay lumabas din sya pero pabagsak nyang isinarado ang pinto, well pagaari nya ang pintong iyon at wala akong pakialam kung masira man nya iyon.

Pinatay ko ang lahat ng ilaw at humiga sa kama, I closed my eyes and drifted into a dreamless sleep.

●●●

The Alpha's BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon