Kodigo

459 17 58
                                    

Agosto na naman. Ibig sabihin, ito ang buwan kung saan ginaganap ang First Quarter exams.

Dalawang araw bago ang pagsusulit, pina-alalahanan na kami ng  adviser namin na mag review at mag-aral para masagutan namin ng maayos ang exams at hindi kami ma-zero.

Ngunit, ako, hindi ko na kailangan ng ganon. Dahil tignan ko lang siya ay ayos na ko. Tignan ko lang siya, masasagutan ko na lahat ng mga tanong.

Di ko maintindihan ang kabang nasa dibdib ko. Baka kase makita ako. Nakakahiya. Ayoko namang mangyari yun.

Araw ng Pagsusulit.

Unang araw ng Exams. Bakas sa mga mukha ng kaklase ko ang kaba at pag-aalalang hindi masagutan ang mga tanong na nakalagay sa Tests. Ang iba naman sa kanila ay pa-easy easy lang. Ang mga mayayabang laging sinasabi, "Stock Knowledge lang to!" na sobra ko namang kinaiinisan. 

Nagtataka naman ang lahat dahil kasi ako lang ang hindi kinakabahan. 'Relax na relax' pa rin daw kase ako.

Panatag naman ang loob ko dahil tignan ko lang siya masasagutan ko na lahat ng tanong.

Ilang minuto na ang lumipas nang ibigay samin ang unang Test Paper. Medyo mahaba ang mga tanong dito.

Nagulat ang lahat dahil daw kase 'Hindi nila napag-aralan to.' , 'Hindi daw nila na-review ito.' at kung ano-ano pang palusot na sinasabi nila. Ang iba naman ay halatang sumuko na dahil una pa lang hinuhulaan na.

Samantlang ako, sulok ng room, nagtatago. Tinatago ko ang ngiti sa mga labi ko kasi alam ko sa sarili ko, masasagutan ko ang lahat ng 'to.

Nagumpisa na ang pagsagot sa Test. Binigyan lang kami ng 40 minutes para masagutan ito. Iyon lang ang ibinagay dahil marami-rami pa raw kaming dapat sagutan. Di naman daw din kailangan magmadali dahil mahaba naman ang binigay sa amin.

Habang abalang-abala ang lahat sa pagsagot, palihim kong tinitignan ang maamo niyang mukha at agad na nasasagutan ang mga tanong. Napakadali lang nito. Sunod sunod kong sinagutan ang 1-10 na mga tanong.

Mabilis na natapos at lumipas ang 35 minutes. Meron na lang kaming limang minuto para magsagot. Halos lahat ay tapos na. Ang iba ay patayo-tayo na lang sa upuan nila. Ang iba ay halatang tinatanong ang mga sagot at nangongopya. Ang iba ay A-B-C at Ini-mini-may-ni-mo na lang ang ginawang style ng paghuhula.

Sa totoo lang, isang item na lang sasagutan ko, at tapos na rin ako. Isa na lang at tapos na ako sa pagsagot ngunit nalimutan ko ang sagot sa huling tanong at muli, tinitignan ko ulit ang maamo niyang mukha. Matapos 'non nasagutan ko na ang huling tanong.

Natapos na ang huling limang minuto at pinasa na namin ang papel sa harap. Ang iba ay nagdaldalan muna. Ang iba, nagkukumparahan ng sagot at ang iba ay ibinabahagi nila yung mga naramdaman nila kanina.

Paglipas ng dalawang araw, ibinigay na rin samin ang test paper namin. Tinawag kami ng isa-isa para malaman ang score na nakuha namin. Gaya ng nakagawian, lowest to highest ang mga tinatawag. Nagulat ako nang huling tinawag ang pangalan ko.

"Mr. Luis ... Perfect. 50 over 50." sabi ng teacher ko.

Matapos sabihin ang score ko, sobrang natutuwa ako kasi naka perfect ako. Pinalakpakan at nilapitan ako ng lahat. Nakipagkamay, binati ang iba ay nakipagbiruan pa sakin.

Hindi nagtagal, nilapitan na rin niya ako.

"Uy, ang galing mo. Congrats!" sabi niya habang nakangiti at nakikipag-kamay sa akin.

Hindi niya alam, siya ang dahilan kung bakit nakakuha ako ng mataas na marka.

"Thank you sayo kasi nakakuha ako ng perfect score. HEHEHE." sabi ko sa kanya.

"Huh? Nangopya ka saken noh!? Ang daya mo!" sabi niya sa akin.

"Paano nangyari yun eh ang layo ko kaya sayo." sabi ko sa kanya. Totoo naman yun dahil nga nasa dulo ako at siya ay nasa harapan.

"Oo nga noh?" sabi niya.

"Hindi pandaraya ang tawag dun. Hindi rin ako nangopya. Ang tawag dun, INSPIRED." sabi ko.

Halata naman sa mukha niya na nagtataka siya sa mga sinasabi ko.

"Julie, crush kasi kita at ikaw ang INSPIRATION ko."

The end.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kodigo (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon