Natapos ang almusal namin ng masaya. Nakakatuwa ang pagbibiruan nilang mag-anak. Para na rin akong may pangalawang pamilya dito sa Maynila dahil sa tulong nila.
"Bumalik kayo rito ha? Bumisita ka dito Laila iha kapag may oras ka. Kapag may kailangan ka 'wag kang mahihiyang tumawag sa amin." sabi ni Tita Maricel sa akin.
Paalis na kami ngayon. Tanghali na din kasi at gusto nang umuwi ni Dave.
Lumapit sa akin isa-isa ang pamilya ni Dave at yumakap. Huling yumakap sa akin ay si Beatrice.
"Mag-iingat kayo pauwi ha. Alagaan mo sya. Girl bonding din tayo minsan kapag may oras ka." nakangiting sabi nito.
"Sige. Kapag pinayagan ako ni Dave na lumabas." sagot ko sa kanya.
"Naku. Hayaan mo yang si Kuya. Ako ang bahala sa kanya." nakangiting saad nito.
"Oh? Ano na namang pinagsasabi mo dito sa baby ko?" nakangiting sabi ni Dave sabay hawak ni Dave sa bewang ko.
"Wala Kuya. You should go na. Baka matraffic kayo."
Nagpaalam na si Dave sa kanila at niyakap din ang mga ito. Kumaway sila sa amin ng paalis na ang sasakyan namin. Kumaway naman ako hanggang sa hindi ko na sila maaninag.
"Ang bait ng pamilya mo." natutuwang sabi ko sa kanya.
Sumulyap naman ito sa akin at saka ngumiti.
"Yeah. And they really like you. Lalo na si Mama. Gustong gusto ka nya."
Ngumiti ako at iniharap ang kalahati ng katawan sa kanya para makapag-usap kami ng maayos habang nagmamaneho sya.
"Mabait ang Mama mo. Gusto ko din sya." tumawa naman ito at pinisil ang ilong ko.
"Nag-enjoy ka ba? Hindi tuloy tayo nakauwi kagabi. Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong nito.
"Oo naman. Masaya kasama ang pamilya mo. Tsaka ayos lang naman. Mukhang nangungulila sayo ang pamilya mo e. Ang lungkot ng mga mata ng Mama mo nung sinabi mo kagabi na uuwi na tayo. Bakit nga ba hindi ka sa kanila tumira? Mas masaya kung may pamilya kang uuwian." mahabang sabi ko sa kanya. Sumeryoso naman ang mukha nito ngunit halata sa mata ang pagkalungkot.
"Not now. May tamang panahon siguro para roon. Tsaka dinadalaw ko naman sila e. At ikaw na ang pamilya ko." nakangiti nang sabi nito.
Ngumiti na lamang ako sa kanya. Mukhang sensitibong paksa ang naitanong ko ah. Hindi na ako umimik at tinitigan nalang sya habang nagmamaneho. Sya din ay tinuturing ko ng pamilya.
"Oh. Since wala naman tayong gagawin today. I will teach you how to kiss katulad ng sinabi ko sayo." nakangising sabi nito.
K-kiss? Oo nga pala at kailangan namin yun sa pagpapanggap. Ang sabi ni Dave ay mas mapapaniwala namin ang ibang tao kung may magaganap na paghalik sa pagitan naming dalawa.
"N-ngayon?" kinakabahang tanong ko.
Hindi pa ako handa. Tsaka hindi ako marunong. Pero tuturuan naman nya ako e. Pero nakakahiya parin. Umayos ako ng upo at tinabing ang buhok sa mukha ko. Alam kong namumula na naman ako ngayon.
"Yeah. Ngayon. Tuturuan din kita kung paano yung mga intimate moves. Kailangan mo ding maging sweet kapag magkasama tayo para mas mapaniwala pa sila. Dapat hindi ka mahiya, isipin mo nalang na ginagawa mo ito para matulungan ako." nakangiting sagot nito.
"Baka m-mapahiya ako kapag nagkataon." nahihiya kong sabi sa kanya.
Kinuha nito ang kamay ko at dinala sa labi nya para mahalikan. Namula naman ako. Eto na naman ang puso. Grabe sa kaba.
"I'm always here for you, okay? Hindi naman kita iiwan at papabayaan. Tayo lang ang magkakampi rito tatandaan mo." nakangiting sagot nya.
Ngumiti nalang ako at tumango. Tama. Kailangan ko lang sya pagkatiwalaan at hindi naman nya ako papabayaan. Mabuting tao si Dave at wala pa syang hindi nagawang mabuti para sa akin. Laking pasasalamat ko nalang talaga at sya ang naging amo ko.
Nakarating kami sa condo nya ng mag-aalas dos na ng hapon. Medyo naipit kami sa daan kaya medyo natagalan.
Pumasok na kami sa loob. Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Kumuha din ako ng isang baso at dinala sa sala at binigay kay Dave.
"Hmm. Magpapahinga lang ako saglit. Maligo ka na then punta ka nalang sa kwarto ko after. Doon nalang tayo."
Tamang tama at naglalagkit na rin ako. Napagod ata sa byahe si Dave kaya kailangan nya na din magpahinga.
"Sige."
Tumango naman ito at umakyat na. Ako naman ay pumasok sa kwarto ko at kinuha ang twalya. Maliligo muna ako at magpapahinga saglit.
Nang natapos ako ay humiga muna ako. Ipapahinga ko lang ang katawan ko saglit at aakyat na ako. Bibigyan ko din ng panahon kahit na saglit si Dave sa pagpapahinga. Baka mapagod sya sa kakaturo sa akin nito.
Ilang araw palang ako rito sa Maynila ay marami na ang nangyari. Mula kay Dave. Sa pagiging bakla nito na kailangan kong ilihim sa lahat. Sa pagpapanggap ko bilang nobya nya sa harap ng mga tao. Sa pagiging malapit ko sa kanya.
Ngayon ko lang naisip ang pwedeng kalabasan ng mga desisyon ko. Paano kung mahuli kami? Naipakilala nya na ako sa pamilya nya at mababait ang mga ito sa akin. Baka magalit sila kay Dave kapag nalaman nila ang totoo. Gayun din sa mga humahanga sa kanya. Pero wala namang masama hindi ba? Para sa kanya naman itong ginagawa namin. Kapakanan parin naman nya ang iniisip ko. Sana lang talaga ay hindi ako masaktan sa mga desisyon kong ito.
Bumangon na ako sa pagkakahiga nung naramdaman kong medyo nakapahinga na ang katawan ko. Hindi naman ako inaantok pero sobra ang kaba ko ngayon. Maituturing ko bang unang halik si Dave kahit na bakla naman sya?
Ang laging bilin ni Inay sa akin ay 'wag akong lumapit sa mga lalaki. Hindi ko raw alam kung ano ang nasa isip nila, kung ano ang pwede nilang gawin sa akin kapag nakuha na nila ang loob ko. Pero hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko.
Tuwing kasama ko si Dave ay hindi ako natatakot sa kanya. Hindi ko naiisip ang mga bilin ni Inay sa akin. Magaan ang loob ko sa kanya pwera nalang sa malakas lagi na pagtambol ng dibdib ko tuwing magkasama kami. Bukod doon ay wala ng iba.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nagtungo sa pangalawang palapag.
Naabutan kong nakahiga si Dave sa kama nya habang nakatakip ang braso sa mga mata. Hindi parin ito nakakapagpalot ng damit. Ganito ba sya kapagod?
Nilapitan ko sya at kinalabit.
"Baby?" tawag ko sa kanya.
Inalis naman nito ang pagkakatabing ng braso sa mata at tinignan ako. Ngumiti ito sa akin at tinapik ang tabing higaan nya.
Umupo naman ako habang sya ay nakahiga parin.
"Higa ka." paanyaya nya.
Sinunod ko ang utos nya at humiga sa tabi nya. Nilgayan ko ng maliit na espasyo ang pagitan namin dahil nararamdaman ko na naman ang pamilyar na pagtambol ng dibdib ko. Nararapat lang siguro na masanay ako sa ganitong pakiramdam ano?
Sya na ang lumapit sa akin at nilagay ang ulunan ko sa braso nya, ang isa naman ay nilagay nya sa ibabaw ng tyan ko. Ganito ang posisyon namin kanina sa bahay nila. Yung gusto kong posisyon namin. Pakiramdam ko kasi ay ligtas ako habang yakap yakap nya. Hindi ko maintindihan pero ganito talaga ang pakiramdam ko.
"Dapat masanay ka sa ganitong kalapit na position. Lagi natin 'tong gagawin even sa public." ngiti nito.
Itinabing nito ang mga natitirang buhok ko sa gilid ng aking tainga. Masyadong malapit ang mukha naming dalawa. Hindi ako kumportable pero dapat akong masanay hindi ba?
"So, shall we start?" nakangisi na nitong sabi.