“Ma nandito na po ako!” Sigaw ko at feeling ko nag echo yung boses ko sa buong bahay
“Sige anak nagluluto lang ako! Tatawagin ko na lang kayo pag kakain na!” Sigaw ni mama pabalik kaya pumunta na lang ako sa kwarto ko para matulog or sabihin na nating idlip lang.
Bago pa ako makatulog, may kumatok sa pinto ko kaya sinabi ko naman na bukas yun. At iniluwa naman nun ang aking twinnie na si Marsh, Marsheleigh Lorenz Jepsen.
Isip bata ang kakambal ko pero close na close kami pagdating sa mga music. Pati sa pagsayaw, pagtugtog ng mga instruments at pagkanta. Tambayan naming dalawa ang music room dito, minsan naman sa dance room.
"Anong kelangan mo twin?" Tanong ko sa kaniya pero nakapikit ako. Pagod talaga eh.
"Twin pwede bang ano, ahm. Pwedeng ano. Hehe" Sabi niya, kaya bigla akong bumangon at binigay sakaniya yung susi ng luma kong motor pero hindi siya ducati parang simpleng motor lang pero magara tingnan.
Yan naman laging hinihiram niya pagpumupunta siya dito sa kwarto ko.
“Yeey! Twin salamat, hindi ko gagasgasan yung si Lelei promise!” At umalis nalang sa kwarto ko. Lagi niyang sinasabi na hindi daw niya gagasgasan pero pag uwi laging may scratch.
Hindi na ako nakaidlip dahil tumawag na agad si mama. I mean tinawag na niya kami, hindi yung sa cellphone ha? Yung katok dito sa pinto tapos may sasabihin. Ganun.
Nagpalit muna ako ng damit ko, sinuot ko lang ang favorite kong Jersey ng Ateneo na galing kay kuya. Tapos nagshort lang ako pero mahaba na short hindi yung maikli. Hehe.
Pagdating ko sa kusina nandun na silang lahat at ako na lang ang iniintay. Akala ko umalis na si twin, kakain pa pala siya dito sa amin.