MAHAL

4 1 2
                                    

Mahal kita kaya ayaw kong ika'y lumisan
Minsan na kitang napakawalan at ito'y aking pinagsisisihan
Madalas man ako'y nahihirapan ngunit hindi kita kayang saktan
Mahal maniwala ka na ikaw parin nagpakailanman

Sa mga oras na isinusulat ko ang bawat letra na nag-lalaman patungkol sayo
Iniisip ko na kailan kaya ako magiging saiyo
Gusto ko maranasan na tawagin mo akong sayo
Pero paano mangyayare iyon e Wala namang tayo

Sabi nila nagsasayang lang ako ng panahon
Ang sabi ko naman ay ako'y maghihintay saiyo kahit na ilang dapit-hapon
Ako'y sumasabay lang sa aking nararamdaman na parang alon
Pero huwag kang mag-alala sisiguraduhin kong ikaw lang sa bawat panahon

Ngunit Iba pala ang iyong sinisinta
Ngayo'y nagsisisi akong inibig kita
Bakit hindi mo agad sinabi na mayroon ng iba
Edi sana hindi ganito ang sakin na nadama

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MAHALWhere stories live. Discover now