Chapter 103

3.3K 75 6
                                    


THIRD PERSON'S POV

****BAGO 'TO MAGSIMULA ANG AWAY NILA ANGELA AT CHERRY****

"Magkita tayo, may pag-uusapan tayo." Anang Mr. Serano sa kabilang linya.

(Bakit?) Tanong nang nasa kabilang linya.

"Just meet me. Doon na natin pag-uusapan."

Hindi napansin ni Mr. Serano na nasa likuran na niya ang asawa na nakikinig sa usapan nila.

(Okay fine. May gusto din akong sabihin sa'yo.)

"Alright." agad din nitong in-end ang call.

Napabuga nang hangin ang Mr.

"Aalis ka na?" Napatingin ang Mr sa gilid niya, nakatayo doon ang asawa niya.

"Oo makikipagkita ako kay Jenica."

Tiningnan niya ang asawa na mugto ang mata, nilapitan niya ito at hinawakan sa pisngi at hinalikan sa noo.

"We will talk about Angela." Ani Mr.

"Do this with all your heart hindi dahil pilit. Kailangan ka niya, kailangan niya pagmamahal mo. Kailangan ka nang anak mo." Ani Ginang.

Napapikit ang Mr. at binitiwan ang asawa.

"Susubukan ko." Aniya.

"Arnel honey, huwag mong subukan, gawin mo. Kailangan niya nang magulang. Sa totoo lang nong una ayaw ko, nasasaktan ako nung sinabi mo ang tungkol kay Jenica pero ngayon okay na sa akin, si Angela ilang taon mong pinagkaitan nang pagmamahal maybe it is time to give her the love she deserve to have." Anang Ginang.

"Ayokong masira pamilya natin, ayokong masira ang pangalan ko."

"But now you should think about her first than anything else. Honey, it is time para itama ang maling nagawa mo." Mahinang sabi nang Ginang.

Napabuntong hinga ang Mr.

"Why should I do this?" Mahinang tanong nang Mr.

"All I want is money and my names, to be well-known and to be more powerful."

"You have all of that Honey, hindi mo ba nakikita?"

Napabuga nang hangin ang Mr.

"Hindi pa ako ready na tanggapin siya." Nilingon niya ang asawa.

"All of the years na nabubuhay siya puro galit at pagkaayaw sa kanya ang pinairal ko." Anang Mr.

Napabuga nang hangin ang Ginang.

"It is not the end, it is not too late. Makakabawi ka pa Honey, just open your heart for her. Hindi mo ba nakikita na sobrang swerte nang batang iyon?" Anang Ginang.

"Swerte? How can you say that?"

Hinawakan nang Ginang ang kamay ni Mr. Serano.

"Accept her and you will know."

*---***---*

Isang malakas na sampal ang dumagundong sa kinaroroonan nang gulo.

"Mom." Ani Cherry na hawak ang pisngi.

"Ano na naman 'to? Hindi ka pa ba kuntento sa ginawa mo sa kanya noon? At ngayon pinahiya mo siya at talagang sinabi mong pokpok ang nanay niya? Iisa lang kayo nang ina, ako ang ina niyo tapos sinasabi mong pokpok ako? How dare you? Hindi mo alam ang kwento sa likod nang kasalanan ko. Pinalaki kita nang tama pero bakit ganito ang ugali mo? BAKIT GANITO KA?" Mariing lintaya nang Ginang.

Si Angela tumalikod at umalis, ayaw niyang makita at marinig ang mga nangyayari. Mas dumami naman ang nakiusyuso.

"Because you love her over me. Ginawa ko ang mga bagay na 'to para mawala siya sa buhay ko, gusto ko siyang magdusa, umiyak at masaktan. Is this wrong?" Umiiyak na sagot ni Cherry.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon