"Sabihin mo sakin nasan ang huling natitirang lost blood?!" sigaw sakin ni Chris, ang hari ng mga bampira.
Ngumiti ako. "Sa tingin mo ba sasabihin ko sayo?" natatawang sabi ko at muli akong nilatigo ng mga kapwa niya bampira.
Punong-puno man ako ng dugo. Kitang-kita ko pa rin ang inis na kanina pa nakaguhit sa pagmumukha ni Chris. Kasabay niyon ang pagpasok ni Ethan, ang isa sa mga sampung elite ng noble vampire society. Kitang-kita ko kung papaano niya putulin ang kamay ng isa sa mga lumalatigo sakin.
Bakas na bakas rin sa pagmumukha ni Chris ang pagkabigla sa ginawa ni Ethan. Tinapunan ako ng tingin ni Ethan at mabilis na winasak ang mga kadena na nakatali sa aking mga kamay at paa gamit lamang ang kanyang mga kamay.
"Anong ibig sabihin nito?!" naguguluhang tanong ni Chris kay Ethan na kahit kailan ay walang emosyon.
"Narito ako upang pakawalan si Joshua. Nagkasundo ang mga matatanda sa Elite Vampire Society na ipawalang sala ang kanyang mga kasalanan lalo na at siya lang ang may alam kung nasan ang huling salin lahi ng mga Lost Blood." Paliwanag ni Ethan kay Chris nag alit nag alit sa kanyang mga nadinig.
Lumapit sakin si Ethan at binigayan ako ng isang Elite Vampire Society Robe at isang brown envelope. "Simula ngayon samin ka na maglilingkod Joshua. Lahat ng mga impormasyon na makukuha mo tungkol sa huling salinlahi ng mgaa lost Blood ay kailangan mong sabihin samin." Mariing utos ni Ethan at tumingin siya kay Chris na nagsisimula ng maging pula ang mga mata.
"At ikaw Christopher Astor, ay hindi na kinikilala ng Elite Vampire Society bilang hari ng mga bampira. Simula ngayon is aka ng Exile Vampire at simula bukas tutugisin ka ng mga kapwa mo bampira. Ibig sabihin simulan muna magtago kundi ako na mismo ang papatay sayo ngayon." Dagdag pa ni Ethan at halos nagsitakbo na ang mga bampira na nasa ilalim ng pamumuno ni Chris.
"Tsk! Ako ang unang makakahanap sa lost blood nay un at sisiguraduhin ko na babalik ako upang patayin kayong lahat na naniniwala na pwedeng mabuhay ang tao at ang mga bampira sa iisang mundo.!" Sigaw ni Chris bago siya tuluyang umalis.
Pagkaalis ni Chris biglang napaluhod si Ethan sa aking harapan. Doon ko lang napansin ang mag kagat sa kanyang buong katawan. "Don't tell me na ikaw lang mag-isa ang sumugod ditto para iligtas ako?" tanong ko sa kanya at ngumiti siya sakin.
"Utos ito ng mga elders." Tumigil siya at may kinuha sa kanyang bulsa. Iniabot niya sakin ang isang kwintas na may pendant na emerald moon. "Iligtas mo siya bago pa siya patayin ni Chris at maging malakas ulit. Pigilan mo ang isang malaking digmaan na maaaring mangyari."dagdag pa ni Ethan bago mawalan ng malay.
Kinuha ko ang brown envelope at binasa ang nasa loob nito. Tumingin ako sa buwan na siyang nagsisilbing ilaw ng buong paligid.
"Oo Ethan. Ililigtas ko siya. Ililigtas ko ang sarili kong kadugo laban kay Chris." Bulong ko bago ko pa ibaon ang aking mga pangil sa leeg ni Ethan at maging isang ganap na bampira.
AN: Hello guys If ever nabasa nyo na ang Lost Blood sa facebook or dito. Ito po ay isa ng malaking edited version dahil mas gusto ko na mas maging maayos ang story na ito lalo na at ito king ginawa noong panahon ng mga kajejehan. Hahahaha! Kaya asahan nyo ang malaking pagbabago ng buong kwento mula dito at sa iba pang series ng Lost Blood. Salamat po sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Lost Blood: The Origin (Edited)
VampireLost Blood, ang dugong kayang pumatay ng isang bampira. Ang dugong kinatatakutan ng mga bampira ngunit dahil sa isang malawakang digmaan maraming namatay na mga lost blood hanggang sa paglipas ng panahon ay unti-unti na silang nauubos. Sa loob ng 1...