Unang araw ko bilang isang kolehiyala sa St. james University at talagang kinakabahan ako lalo na at ibang-iba na ang mga tao sa college kaysa sa senior highschool. Ako nga pala si Jenny Madrigal. Ulila na ko sa magulang at wala din akong kapatid. Bata pa lang ako ng mawala ang mga magulang ko dahil sa isang freak accident.
May naiwan man silang pamana sakin. Nagsikap pa din ako para makapag-aral hanggang sa may isang tao ang nagsponsor sakin. Sabi niya pag-aaralin niya ko hanggang sa makatapos ako basta wag lang ako magkakakaroon ng failing grades.
Pagkatapos ng welcome ceremony para sa mga freshmen. Dumiretso na ko sa registrar office para kunin ang schedule ko for this sem. Mabuti na lang at hindi naman ganun kahaba ang pila.
"Madrigal, Jenny po." Sabi ko sa babaeng nasa counter 7 at nagsimula na siyang magtype. Tumingin siya sakin at ngumiti. Nadinig ko ang tunog ng isang lumang printer na nasa gilid lang ng computer niya.
"I see. Ikaw pala ang nag top sa entrance exam. I hope maging masaya ang college life sa St. James University." Sabi ng babaeng nasa counter bago ibigay sakin ang schedule ko.
"Salamat po." Sagot ko sabay kuha ng registration form ko.
Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko at tinginan kung anong oras ang mga subject ko. Huminto ako sandal at nakahinga ako ng maluwag na bukas pa pala magsisimula ang klase ko.
"Mabuti naman. Ibig sabihin makakapag linis pa ko ng dorm ko." Sabi ko sa sarili ko at saka nilagay sa bag ko ang aking registration form ngunit bago ko pa man mabuksan ang bag ko biglang humangin ng malakas. Isang dahilan kung bakit biglang nilipad ng hangin ang registration ko at napunta sa quadrangle. Mabilis koi tong tinakbo ngunit bago ko pa man pulutin may isang lalaki na tila foreigner ang pumulot nito.
Napahinto ako. Napatitig sa lalaking nasa aking harapan. Weird pero may kakaiba akong naramdaman. Takot ba to? Pakiramdam ko ang bigat ng buong paligid at halos di ko mahakbang ang aking mga paa.
"Is this yours?" dinig kong tanong niya na nakangiti sakin.
Sasagot sana ako ngunit tila may pumigil sakin kaya tumango na lang ako bilang tugon. Kitang-kita ko ang paghakbang niya papalapit sakin ngunit ano itong nararamdaman ko. Tila gusto kong tumakbo palayo sa kanya. "Hey Miss are you ok?" dinig kong tanong ng lalaki ngunit sa pagkakataong ito mas lalong nanlabo ang aking mga mata at nandilim ang aking paningin.
Nagising ako sa maingay na alarm ng phone ko at doon lang napabalikwas. Doon ko din naalala ang lalaking nakakuha ng registration form ko. Pagbangon ko saktong dumungaw din pala sa kinahihigaan ko si Reina kaya pareho aming nauntog.
"Ouch!" sabay na sigaw namin habang hawak-hawak naming ang mga noo namin.
"Anong oras na Reina?" tanong ko sa kanya bago pumasok ng cr.
Nadinig ko na bumaba siya ng kanyang kama at binuksan ang tv. Pagkatapos kong umihi agad din akong lumabas at nakita kong nakaupo sa harapan ng tv si Reina.
"7:30 pm pa lang." sagot niya at nakaconcentrate pa rin sa tv na balita lang naman ang pinapanuod.
Doon ko biglang naalala ang nangyari kanina at ang registration form ko. "Nga pala pano ako nakauwi dito sa dorm?" tanong ko kay Reina na humarap sakin na nakangisi.
"A-anong ngiti yan?" tanong ko sa kanya at lumapit siya sakin. Halatang kinikilig ang bestfriend kong bruha.
"Gusto mo talagang malaman?" tanong niya at halatang di mapigilan ang kilig ng bruha.
Pinatay niya ang tv at tumabi sakin saka kinalikot ang cp niya sabay pakita sakin ng isang picture ng lalaking blonde at buhat-buhat ako na pang bridal style.
BINABASA MO ANG
Lost Blood: The Origin (Edited)
VampireLost Blood, ang dugong kayang pumatay ng isang bampira. Ang dugong kinatatakutan ng mga bampira ngunit dahil sa isang malawakang digmaan maraming namatay na mga lost blood hanggang sa paglipas ng panahon ay unti-unti na silang nauubos. Sa loob ng 1...