chapter 1

9 0 0
                                    

"Ma,  May babayaran pala sa school para daw sa mga materials namin."  sabi ko kay mama.  Ilang oras ko din pinag isipan kung sasabihin ko o hindi dahil alam kong kapos kami ngayon dahil sa sunod sunod na gastos. 

"Anak,  alam mo naman na kulang ang budget natin diba.  Baka puwedeng sa isang linggo na bayaran yan. " sabi ni mama at nag punas ng pawis. Hapon na ngunit nag lalaba pa din siya.  Labandera kasi siya at binabayaran ng 300 para sa pag lalabada. 

"Nung isang linggo pa po kasi yun ma,  kelangan na daw po namin.  At ako na lang po ang hindi nakakabayad" sabi ko sa kaniya. 

"Babale na lang ako mamaya kay aling mila, mag saing kana pala anak,  mamaya din dadating na ang mga kapatid mo" sabi ni mama. 

Napabuntong hininga ako.  Grade 12 nako at hinihintay ko na lang na matapos ako ng grade 12  para makapag trabaho at makatulong sa gastusin sa bahay.  2 buwan pa lang ng pasukan at apaka dami ng gastusin.

Oo nga pala,  ako si Athena Alva, 18 years old.

Nag saing ako.  Pag dating sa bahay nag sisisigaw si anya,  ang  13 years old na kapatid ko. 

"Ma,  si Paul nabundol!!!" sigaw nito agad kaming tumakbo ni mama papunta sa kinaroroonan ni paul. 

Si paul ang bunso naming kapatid at 11 years old na siya. 

Halos mangiyak ngiyak si mama ng maabutan namin si paul na nakahandusay at puro dugo ang katawan.  Dumating agad ang ambulansya at nadala sa hospital si paul. 

Habang nakasakay kami sa ambulansya nag lagay na ng first aid ang mga nurse na kasama namin. 

"Jusko anak ko ano bang nangyare sayo?! " sabi ni mama habang umiiyak.

Gastos sa hospital at kalagayan ni paul ang iniintindi ko. Bakit ganun kaming mahihirap ang laging tinatamaan ng mga problema. 

Agad ipinasok sa ER si paul. Nag hintay kami ni mama sa labas at iyak lang ng iyak si anya at mama. 

Sabi ng mga saksi sa nangyare nabundol si paul ng kotse  at nilayasan ng kotse si paul.

"Ma,  uuwi muna ko sa bahay kukuha muna ko ng mga damit ni paul.  Pati na ng mga damit niyo. " sabi ko.  Tumango si mama at umalis na ako.  Habang nag lalakad ako papalabas ay tulala lang ako. 

Huminto na lang kaya ako ng pag aaral? Para maka tulong ako kay mama....

-

Kumuha ako ng mga damit at gamit. Ang natirang baon ko naman ay pinang bili ko ng mga pagkain. Ang iniipon ko dati pa ay kinuha ko na din. 

"Ma kumain muna kayo ni anya.  Ano po pala balita kay paul?"  tanong ko ng makarating ako sa ospital. 

"Okay na daw pero kelangan muna manatili ni paul  dito dahil sa tama sa kaliwang braso niya." sabi ni mama na latang lata.

"Ma, puwede po ba na huminto na muna ko sa pag aaral? " agad napatingin sakin si mama. 

"Anong hihinto?  Anak,  pag aaral na lang ang maipamamana ko sa iyo sa inyong mag kakapatid.  Hindi ka hhinto hanggat nabubuhay ako gagawin ko ang lahat para makatapos kayo.  Para sa inyo din yun" sabi ni mama.  Niyakap ko si mama. 

"Ma,  hahanap po ako ng trabaho hihinto po muna ako para mabawasan ang gastusin.  Mag kakatulong po ako.  Please ma,  pumayag ka" sabi ko.  Napabuntong hininga si mama.

"Osige anak,  Salamat anak ha... " sabi ni mama at niyakap ako. 

Labag man sa kalooban ko na huminto ay kinakailangan magastos ang grade 12 kaya naman wala akong magagawa kundi ang huminto.

-

Nag pa drop na ko sa paaralan na pinapasukan ko.  Miski ang mga teachers ko ay nanghihinayang sa biglaang pag d-drop out ko.  Kesyo matalino at masipag daw ako bakit daw ako hihinto. 

Papauwi ako sa bahay ng madaanan ko ang isang malaking gate na may nakapaskil na "Wanted katulong" at may number na nakalagay. 

Agad kong kinuha ang nakapaskil na yun at pag dating sa bahay ay tinawagan ang number na nanduon.

"Hello po" sabi ko.

"Hello" sagot nito.

"Ahhmm,  sa inyo po ba yung Avella Mansion na nag hahanap ng katulong? " tanong ko.

"Yes,  mag a-apply kaba hija bilang katulong? " tanong nito sa kabilang linya. 

"Opo sana"  sabi ko.

"Bukas na bukas mag punta ka dito para masimulan mo na ang trabaho mo.  Ako nga pala si Christina Avella. Aasahan kita bukas."  agad akong napangiti. 

"Salamat po" sabi ko at naputol na ang tawag. 

"Ma,  nakahanap na ko ng trabaho" sabi ko kay mama na inaalagaan si paul sa kwarto. 

"Sigurado kana ba diyan anak? " tanong ni mama. 

"Opo ma,  Namasukan po ako bilang kasambahay sa Avella Mansion....  Bukas na daw po ay sisimulan ko na mag trabaho duon." sabi ko. 

Napabuntong hininga si mama.  At napatango na lang. 

Alam kong magiging mahirap para sa akin ang mag trabaho pero gagawin ko ang lahat para maka tulong kay mama. 

-

Kinabukasan. Dala dala ang ilang mga gamit ay nag doorbell ako sa Avella Mansion.  Sobrang laki ng bahay at kitang kita sa labas ang kalakihan nito.

Dalawang maid ang nag bukas at tumambad sa akin ang babaeng nakaupo habang nag babasa ng diyaryo. Sa tingin ko siya si Miss Christina. 

"Ako po pala si athena"

"Ikaw ba ang mag a-apply bilqng kasambahay?" nag tatakang tanong nito.

"A-ako nga po"   sagot nito.

"Mukhang apaka bata mo pa para mag trabaho hija. " sabi nito.

"18 na po ako,  at sanay na po ako mag trabaho.  Kailangan ko lamg po talaga mag trabaho para  makatulong sa mama ko. " sabi ko.

"Okay sige.  Maupo ka muna" naupo naman ako.

"Pirmahan mo ang papel na ito para sa kasunduan.  Simple lang naman ang magiging trabaho mo dito.  Mag lilinis ka ng sala, Mag didilig ng mga halaman, at mag uurong. Isang linggo lang ang bakasyon namin dito sa bahay at bukas din ay aalis na kami dahil sa trabaho.  Ikaw,  mga maid,  driver,  at ang anak kong si christoff ang maiiwan." sabi nito. 

Pinirmahan ko ang papel na inabot niya sa akin.

"Sige po.  Salamat po. " sabi ko.

"Nakahanda na ang kwarto mo. Kada maid sa bahay ay may mga kwarto sa maid's quarter.  Yaya Linda paki hatid na lamang siya sa kwarto niya. "  sabi nito.

Mabait ito at maamo ang mukha.  Hindi mahahalata na may anak na siya. 

"Apaka bata mo pa hija bakit ba namasukan ka bilang kasambahay? " tanong ni yaya linda sa akin. 

"Sa katunayan po niyan huminto ako sa pag aaral para matulungan si mama sa gastusin.  Nabaon na po kasi kami sa utang kaya naman napili ko pong tumigil at mag trabaho na lang" sabi ko. 

"Naku,  apaka bait mo naman pala. Hayaan mo ituring mo akong nanay mo dito  ha. Nang hindi ka mainip. " sabi nito napangiti na lamang ako. 

Inihatid niya ako sa kuwarto ko. At nakaayos na iyon.  Hindi kalakihan pero maganda naman.  Ibinigay  na din ni yaya linda ang damit ko sa pag t-trabaho.  May maid uniform pa pala dito.

Kinahapunan ay lumabas na ako para  gawin na ang trabaho ko.  Nag walis ako sa sala.  Madami akong nakasalamuha na mga kagaya kong katulong din ako ang pinaka bata sa kanila.

Habang nag lilinis ako sa sala ay natapakan ko ang basang sahig kaya nawalan ako ng balanse napapikit ako at handa para sa pag bagsak ko ng ilang segundo pa ang lumipas ay idinilat ko na ang mata ko.  Nagulat ako na may nakasalo sa akin.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maid Of A Heartless Gangster Where stories live. Discover now