First Love of the Novelist
Chapter 1
Ilang beses ng patipa-tipa ng keyboard si Zeeyan pero wala naman siyang naisusulat na matino. Ngalingaling sabutan niya ang sarili. Malapit na ang deadline na ibinigay ng kanyang editor para sa susunod niyang nobela. Labinlimang taon pa lamang siya ay isa na siyang sikat na romance novelist ng bansa. Nasa unang taon pa lang siya ng kolehiyo sa kursong Creative Writing. Natural lang iyon dahil hilig talaga niya ang pagsusulat kahit na ‘nong bata pa siya. Nakakailang pangungusap pa lang siya ay agad din niya itong binura.
Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kanyang editor. “You need inspiration Zeeyan.”
Inspiration?
“Urgh!” naiinis na sigaw niya habang nakasabunot ang dalawang kamay sa kanyang buhok.
“Ssshhhh!” sita sa kanya ng mga tao sa loob ng library.
“Ooopps, sorry.” hingi niya ng paumanhin habang nagpea-peace sign. Nakalimutan niyang nasa library pala ito. Nang lingunin niya ang kanyang kasama ay bigla siyang napangiwi. Nakatulog na pala ito. The guy beside him sleeping is her childhood slash best friend slash brother slash suitor niya, si Eric. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya. Ilang beses na siya nitong niligawan pero iisa lang ang sinasagot niya rito. It’s always a big “NO.” At sa gulat niya’y lagi na lang itong tumatawa pagkasbi niya ‘non. Hindi tuloy niya alam kung seryoso ba ito o iniisahan lang siya nito. NBSB kasi siya. As in. Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa kanya. Pandak siya as in. Hindi pa ata umabot sa five feet ang height niya. At isa pa, my pagka-chubby pa siya. Lagi siyang may suot na eye glasses kasi lagi siyang nasa harap ng computer.
Napabuntong hininga na lamang siya. Inalis niya ang kanyang suot na salamin at hinilot ang kanyang sentido. Sumasakit na ang kanyang ulo. Wala naman kaso sa kanya ang pagiging NBSB niya eh. 15 pa lamang siya. Masyado pa siyang bata para sa mga bagay na iyon.
Look who’s talking? kontra ng kabila niyang isip. Napapangiting, napapailing siya ng ulo. Oo nga pala, isa nga pala siyang romance novelist. Sa dami dami ng kanyang naisulat na mga nobela tungkol sa pag-ibig eh nakakapagtaka atang ganun siya kabobo pagdating sa realidad.
“Nababaliw ka na ata Zee,” wika ni Eric habang nakapatong ang baba sa kanyang kaliwang palad. Matamang nakatitig ito sa kanya.
Hmm. Kani-kanina lang tulog ang isang ito ah. She waved her hand in front of him nang hindi man lang ito kumukurap habang nakatitig sa kanya. May mali ba sa mukha ko?
“I love you Zee,” seryoso wika nito habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Nagulat siya. Kilalang kilala niya ito kapag nagsasabi ito ng totoo o hindi. Mahal ba talaga siya nito? Kung oo, paano niya sasabihing hindi sa ganoong paraan ang damdamin niya para rito? Paano kung masira ang pagkakaibigan nila? Bigla siyang nalungkot sa tinatakbo ng isip. Ayaw niyang mangyari ‘yon. Bigla siyang natauhan ng marinig niyang tumatawa ito ng marahan.
“Look at that face Zee, ni hindi na maipinta ang mukha mo. I’m just kidding, okay?.” He said gently while patting her head.
Ang bruho! Hindi siya nakatiis. Hinampas niya ito ng libro sa ulo.
“Ouch! You’re cruel!,” nakalabing wika ni Eric na halata namang hindi nasaktan sa ginawa niya.
“Ha! Dapat lang ‘yan sa ‘yo. You did play with my emotions.” singhal niya rito.
“Miss Jimenez, Mr. Mondragon, leave the library now!” galit na sigaw sa kanila ng librarian.
Sabay silang napatayo ni Eric at agad na umalis. Pagkalabas nila ng library ay agad silang tumawa ng pagkalas-lakas. Hindi ito ang unang beses na napaalis sila sa library. Araw-araw ata silang napapalayas dahil sa kaingayan nila.
“Ikaw kasi,” sabi niya kay Eric.
“Anong ako? Ikaw kaya.” sagot nito na malawak ang pagkakangiti.
Sasagot pa sana siya nang bigla siya nitong inakbayan. “’Wag ka ng sumagot. Halika’t nagugutom na ako.” Sumunod na lamang siya rito.
“Oh, nariyan na pala ang magkasintahan,” wika ng isang binatang nagngangalang Aki, barkada ni Eric.
Tumawa si Eric at siya nama’y napailing na lamang. Hindi lang miminsang tinatawag sila ng ganoon. Maraming beses na din silang pinagkamalang mag-asawa.
“Tumigil ka dyan Jouaquin kung ayaw mong ibuking kita kay Diana,” nakangising banta nito sa kaibigan.
”Eh, totoo naman ah, halos magkasama kayo araw-araw. At sa pagkakaalam ko sa iisang village pa kayo nakatira. Ano ba talaga kayo nitong si Zee?” akmang aakbayan siya ni Aki pero agad siyang hinila ni Eric at hinawakan sa bewang na para bang natatakot itong may kumuha sa kanya anumang oras.
“Hep hep hep. ‘Wag mo ngang mahawak-hawakan itong si Zee at teka sinong nagbigay sa’yo ng karapatang tawagin siyang Zee? Ako lang may karapatan ‘non.” Mahabang lintanya ni Eric sa kaibigan at hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kanyang bewang.
Biglang nag-init ang kanyang mga pisngi. Bakit ba bigla bigla na lang naging ganon ang naramdaman niya?
“Di ba Zee?” tanong sa kanya ni Eric, hindi pa rin siya binibitawan nito. Bigla itong bumaling sa kanya dahilan upang magkalapit ang kanilang mga mukha.
Hindi siya sumagot. The only thing she knows is their faces close to each other. Nang matauhan ang binata sa pagkakahawak sa kanyang bewang ay agad siyang binitawan nito.
“Ha?” hindi niya alam kung anong tinatanong nila. Hindi pa rin siya nakabawi sa ginawa ng binata.
“Namumula ang mga pisngi mo Zeeyann,” wika ni Aki.
“Ha?” sabi niya ulit sabay hawak sa pisngi. Mainit ang mga ‘yon.
Sa gulat niya’y biglang lumapit si Eric sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at unti-unting binababa ang mukha nito sa mukha niya. Kelangan niyang tumingala dahil mas matangkad ng malayo ang binata sa kanya. Daig pa niya ang tumakbo ng tatlong kilometro dahil sa bilis ng takbo ng kanyang puso. Bigla siyang pumikit sa antipasyon.
“Medyo mainit ka nga,” wika ni Eric. Bigla siyang napadilat ng marinig ang boses ng binata.
Sira ka talaga Zee! Anong akala mo hahalikan ka ng best friend mo? Napakunot noo siya bigla sa tinatakbo ng isip.. Zee, are you expecting something?
Pinagdikit lang pala nito ang kanilang mga noo para tignan kung may lagnat siya.
“Ah..eh, wala ‘to. Napagod lang siguro ako. Wala kasi akong naging maayos na tulog nitong mga nakaraang araw.” Akmang aalisin niya ang mga kamay ng binatang nakahawak sa mga pisngi niya nang magsalita ulit ito.
“Zee.”
“Ye..yes?” tanong niya rito. She swallowed a lump on her throat.
“I… I..lo--” That’s when they heard someone intentionally coughing.
“Ahem, Eric, maya mo na ituloy ‘an ha. Nasa canteen po tayo.” Aki said while grinning.
Eric growled then releases her face.