Chapter 1

16 2 0
                                    

"Summer, five minutes nalang! Bilis!"

"Five minutes nalang? Parang kanina thirty minutes pa ah."

"Ganun talaga!"

Pine-pressure naman ako nito eh. First day of hell week! Yes, exam namin ngayon. Math ang last subject namin ngayong 1st day of examination. Ang saya 'diba? Tapos hindi pa ako nakapag-aral kasi buong gabi akong binulabog ng mga kaibigan ng pinsan kong si Ate Lalaine. (Lalaine Castro// Mischievous Teens)

"P*nyetang X 'yan!"

'Di ko na napigilang hindi magmura. Pag nakita niyo yung mga questions, mapapamura talaga kayo eh.

"Isang number nalang, matatapos na 'ko! Ma'am, wait por mi!"

Nilapitan na ako nung teacher namin kasi ako nalang natitirang nagsasagot, "Ang dali dali na nga lang niyan eh."

Siyempre, teacher ka. Niloloko yata ako nitong teacher namin eh. Malamang madali lang para sakanya kasi siya gumawa ng nga questions/given. Pigilan niyo 'ko, ipapakain ko sakanya 'to. Deh joke. Ang dali nung mga examples niya tuwing discussion tapos yung mga given sa exam, ang hirap? Aba, naglolokohan yata tayo dito eh. Hindi man ako nakapagaral, may stock knowledge naman ako kahit papaano pero seryoso ang hirap nito.

"Kung 'di mo na kaya, 'wag mo nang sagutan." sabi ni Ma'am. Gusto yatang bumagsak ako. Ayos 'to ah. Pinasa ko na sakanya yung test paper ko. Huwag kayong mag-alala. Natapos ko naman eh. Bwahahahaha!

Pinauwi na kami ng teacher namin tas lumabas na siya. Lumapit naman kaagad sa'kin sina Apple, Thunder, at Adrian. "Summerlabs! Natapos mo?" tanong ni Apple.

"Ako pa?! Ang dali nga lang eh." pagmamayabang ko.

Napa-tss lang sila. "Ah, madali pala? Kaya pala ang tagal mong sumagot? Ikaw nga pinakahuli eh." Aba? Ayos 'tong si Adrian ah. Porket siya nauna, gaganyanin niya na 'ko? Ibang klase.

"Ano naman? May prize ba kapag nauna? Ano 'to racing? Ayos nga 'yun eh. Slowly but surely. Panes ka nanaman!" sabi ko habang inaayos ko na mga gamit ko.

"Surely nga ba? Pakayabang mo! Tatawanan kita pag bumagsak ka." sabat naman ni mansanas. Lagi nalang ako pinagkakaisahan nitong dalawang 'to. Buti pa si Thunder. Ay, teka? Himala, tahimik si Thunder?! Baka walang naisagot sa exam.

Naglakad na kami palabas ng classroom. "Hoy kulog! Tahimik mo ah? Ayos ka lang?"

"Ang... hirap nung Values." Pfffft-HAHAHAHAHAHAHA! Sabi na eh. Wala siyang naisagot, sa Values pa! Puro essay na nga lang 'yun eh. Palibhasa, kailangan mag-English. Mahina pa naman siya pagdating sa grammar.

"Bukas na exam sa English. Mag-aral ka, Thunder." sabi ni Adrian. Luh. Akala mo magaling siya dun eh. Isa pa 'tong mahina dun lalo na sa spelling.

"Nakanang! Ayos tayo, Adrian? Magaling ka sa English? Ikaw din mag-aral ka! Hahahahahaha!" Kay Apple talaga 'ko nagmana ng kayabangan eh. Oh well. Pero hindi naman sa pagmamayabang pero magaling talaga kami sa English eh. Hays.

"Kaibigan ba 'yan?" angal nina Adrian at Thunder tas biglang lumayo samin.

Nakakabaliw talaga kasama 'tong mga 'to. Since Grade 7, magkakasama na kami eh. Alam na namin lahat ng tungkol saamin. Kilala na namin ang isa't isa. Alam namin amoy ng utot ng bawat isa. HAHAHAHAHAHA!

Teka, nagpakilala na ba 'ko? Hindi pa ano? H'wag na! Jk.

Ako nga pala si Summer de Guzmán. 15 years old. Grade 10 sa HIU. Mahilig sa mga bands, mapa Band-aid 'yan o LoomBands o RubberBands. Echos! 5 Seconds Of Summer favourite band ko kasi ang ganda ng mga kanta nila tas ang gagwapo puchakels! Oh, 'wag niyo 'kong aagawan. Akin lang si Luke. Akin lang ang asawa kooooohhhh!

Ang isa ko namang kaibigan na baliw, si Apple Salazar. Minsan tawag namin sakanya ay Mansanas, siguro obvious naman kung bakit. Madalas shushunga-shunga. Daming nagkakagusto diyan eh, nanggagayuma yata. Ingat kayo diyan ah.

Si Thunder Villanueva, kababata ko. Sabay kaming inire ng mga nanay namin. Mag-best friend kasi mga nanay namin tas ayun mula Nursery kaklase ko siya kasi nirerequest nila. Lagi kaming magkasama. Magkapitbahay nga lang kami niyan eh. Sawang-sawa na 'ko sa pagmumukha niyan.

At ang pinakahuli, si Adrian Loyzaga. 'Wag kayong maingay ah. Crush ko 'yan nung Grade 8 hanggang Grade 9. At sa 2 years na 'yun, ako lang nakakaalam. Ang buong akala nila eh abnormal akong tao na since birth walang crush. Hoy, secret lang natin 'yun ah. Pag nalaman niya, baka lumaki ulo. Feeling gwapo 'yan eh. Pwe!

Kilala nila 'ko bilang napakamasiyahing tao. Nung una 'yun, kaso biglang may nangyari at nagbago. Nang dahil lamang sa limang minuto, nagbago bigla ang masayang takbo ng buhay ko.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jul 18, 2014 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

5 Minutes Of SummerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang