12

8 0 0
                                    

"Bessy, makakapunta ka ba? Kasi kung hindi, ipapakidnap ka namin kay Rica at wala kang magiging choice kundi pumunta!" 

Kanina pa ako kinukulit nitong si Ella. Every year kasi, may school festival kami where students from other schools could come in and look around the university. Way na din siguro para maka attract ng future students and for current students to have some fun. 

Dalawang buwan na din ang lumipas since yung usapan namin ni Michael. Paminsan minsan ay nakikita ko siya, pero never nagtagpo yung landas namin. 

Lately kasi, busy na yung banda niya dahil halos gabi gabi na daw silang may gig doon sa bar na pinuntahan ko dati. Lumalaki na din yung fanbase nila dahil pati yung mga kaklase ko this sem ay pinag uusapan na sila

"Come on, it will be fun!" pagpipilit pa sa akin ni Rica. 

Pareho kasi nila akong gustong sumama sa kanila at mag volunteer sa jail booth. Marami din kasi silang kalangan para manghuli at mag operate since malaki yung campus. 

"Do I have to? Gusto ko sanang mag aral lang kasi may test kami nila Nick a week after." angal ko naman. 

Kanina pa kami nandito sa cafe, inaantay namin si Nick dahil may hinihingi daw na pabor sa kanya yung isang professor niya. 

"Come on, Mia. At least you'd be able to go to the festival, di ba? Nako, paano pa kaya kung makita nung mga babae sa festival si Nick? For sure habulin nanaman yun!" 

Lagi na akong kinukulit ni Rica kay Nick. Ngayon lang daw kasi niyang nakita na concerned si Nick sa isang babae. Grabe da ang pagkasuwerte ko. 

"What does that have to do with me? He can go ahead and enjoy any girl that comes up to him." pagsusumpong ko sa kanila. Kinain ko na lang yung cake sa harap ko. 

"Nako, girl. Sigurado ka ba diyan? Eh paano kung may ligawan na iyang si Nick? Wala ka talagang pakialam?" tanung sa akin ni Carla. 

Nanahimik na lang ako. I mean, I like Nick, but I don't know him that well. Sure, sobrang bait niya sa akin at naging kaibigan ko talaga siya, pero hindi ko nga man lang alam kung type ko ba siya or hindi. 

"Puwedeng akin na lang si Nick kung ayaw mo? Sayang din naman bessy!" singit ni Ella na kanina pa kumakain ng cake. 

Sabay naman siyang pinagbabato nila Rica at Carla ng tissue. "Umayos ka nga Elaine Laurel! Baka mamaya di na namin maging kaibigan si Nick dahil diyan sa obsession mo!" sigaw ni Carla

Natawa naman kaming lahat sa sinabi niya. Grabe din kasi ang crush nitong si Ella kay Nick. Although hindi niya type, bet na bet daw niya yung pagka gentleman ni Nick at habulin pa ng babae yung mukha. 

"Eh kasi naman eh! Sobrang catch kaya si Nick! Matalino, mabait, may balak mag doktor, may balak sa buhay, guwapings manamit, guwapings. May hihingin pa bang iba? Jackpot na jackpot na eh!" 

Lahat kami natawa sa pagprotesta ni Ella. Nagtatawanan kaming apat nang biglang may nagsalita sa likod namin

"I don't think I'm that handsome though." 

Nick then pulled up a chair and sat next to me. Guwapo nga talaga manamit si Nick. Pupunta lang sa cafe, naka business casual pa talaga! No wonder halos lahat ng mga babae sa cafe ay napatingin sa gawi niya. 

"Grabe ah, humble pa!" dagdag ni Ella. Natawa naman si Nick habang papaupo siya sa tabi ko. Mukhang mabigat yung bag niya dahil pagkabagsak nun, lahat kami ay napatingin. 

"Ano bang hinihingi nanaman ng professor mo?" tanung ni Rica ng may pagkairita. "Ilang beses ka na niyang kinukulit this sem ah." 

"Yeah...She's asking me to help her review some of my classmates' essays. Since I write the best essays in our class, I was the only one she could come and ask for help from." pag eexplain ni Nick. 

The Passenger SeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon