Call.Me.Maybe

323 9 0
                                    

★★★

Magandang umaga/hapon/gabi.

Marianne here. :))

One shot nanaman po ito.

Para sa mga Kathniel fans...

Call me maybe...

Eto na....

Enjoy ..

--------------------------------

"So call me, maybe?" Tanong sa akin ng pinaka nakaka asar na lalaki sa mundo, si Travis.

Nakakainis siya sa dahilan na sa dinami dami ng tao, ako pa ang naisip niya na asarin. Ginawa niya din akong alalay at palagi din kaming nagbabangayan. Para nga daw kaming aso't pusa eh.

At ngayon nagfifeeling siya na crush ko siya! So what?! Oo crush ko siya, peri naasar ako sakanya. Akala niya kung sino siyang gwapo.

"Huy Chloe Pangit! Kunin mo to kundi lagot ka sakin." Pananakot niya.

"Ayoko nga." Sabi ko, kasi inaabot niya yung papel na may number niya.

"Sus. Pakipot ka pa. Gusto mo naman. Crush mo kasi ako." Pang asar niya kaya nangtukso pa yung mga kaklase namin.

Kumindat pa siya kaya inirapan ko siya at niligpit nalang yung mga libro ko at naghanda na para umuwi.

Habang naglalakad ako pauwi may umakbay sa akin.

Paglingon ko nakita ko ang pinaka gwapo- este pinaka mayabang na nilalang sa mundo.

"Ano na naman Travis?!" Mataray kong tanong.

"Anong masama sa gimawa ko?" Painosente niyang tanong.

"Nakakainis ka!" sabi ko at naglakad na palayo.

"Wag mo kalimutan yung homework natin sa English!" Pahabol niyang sigaw.

Ano naman paki alam niya sa grades ko?!

Hindi ko magawa ng maayos yung assignment ko sa Math dahil sa inis ko.

Kaya kinuha ko yung English book ko. Una dahil sa hindi nga ako makapag concentrate at pangalawa dahil sa curiosity.

pagkabukas ko may nahulog na papel...

Call Me:

09736289760

xoxo ;)

Travis

Nakakainis na Travis yun!

Kaya pala gusto niya na gawin ko itong English. Para makita ko yung papel.

Bakit?! Para may mainis siya?! Nakaka BV!

Bakit ko ba siya minahal?! Eh wala naman siyang ibang ginawa kung hindi asarin ako.

Kaya para mawala yung BV ko nagpatugtog nalang ako sa radyo...

Hey, I just met you-

Nilipat ko agad. Naaalala ko si Travis eh.

Ripped jeans skin was showing-

Nilipat ko ulit. Ano ba yan...

So Call me maybe-

Pinatay ko na yung radio.

Wala na bang ibang kanta? Grabe!

Tawagan ko kaya si Travis. Naka unli naman ako eh...

RING... RING-

"Hello, Mapagbigay Police Department."Sabi ng nasa kabilang linya.

"Oh sorry. I dialed the wrong number. Sorry." I-e-end ko na sana yung call ng marinig ko yung tawa.

wait... Kay Travis yung tawa!

Grabe! Pinagtripan na naman niya ako!!

"HOY! Walanghiya ka Travis! Pinatawag tawag mo pa ako!" Sigaw ko.

"Wait. May sasabihin ako. Importante." Seryoso niyang pagkakasabi.

"Ano?" Tanong ko.

"Aaahh... Eeeh-" Pinutol ko siya.

"Hindi ko tinatanong yung vowels sayo." Sabi ko.

"Sandali lang ha? Hoo. Kaya mo yan Travis. This is it. Wala ng atrasan." Parang baliw na kinakausap niya yung sarili niya. tapos rinig ko pa.

"Eto na.. I Love You." Sabi niya. Wait... Processing...

"Ano? HOY! Hindi magandang biro yan!" SIgaw ko.

"Seryoso ako. Totoo na mahal kita. Dati pa. Sorry kung inaasar kita ha?" Sabi niya at TOOT.. TOOT.. TOOT.... Inend call na niya.

Makalipas ang ilang araw at bumait na si Travis sakin. Napapansin na nga yun ng iba kong kaklase eh.

May mga nag tataka, yung iba naman walang paki.

Ako? Alam ko naman kung bakit eh.

Diba sabi niya na mahal niya ako? Kaya siguro pinapatunayan niya na totoo yun o kaya naman bumabawi siya sa pang aasar.

Kaya nagdesisyon na ako...

"Travis!" Tawag ko sakanya ng palayo na siya sa akin pagkatapos niya ako tulungan mag lagay ng gamit ko sa locker.

"Bakit?" Tanong niya.

Lumapit ako sakanya at inabot ang isang pirasong papel.

"Call me maybe?" Sabi ko at umalis na ng nakangiti.

----------------------

Okay ba?

vote.comment.like.be a fan kung gusto mo.

basta ako...

masaya na may nagbasa nito. :))

-Marianne

Call.Me.MaybeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon