Chapter Fifteen

29 0 0
                                    

                   Talia POV.

Alas dyes na ng umaga nakahiga pa rin ako nakatutok sa kisame. Sabado pala ngayon pero ang tamlay ko kadalasan kasi pag sabado ang sigla ko kasi walang pasok at magagawa ko ang gusto ko pero ngayon, ayst ewan!
Napatigil ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko, bumangon ako at binuksan ito nakita ko naman si mommy, bumalik ako sa pagkakahiga.

"Anak may sakit ka ba?" Agad naman ako napailing.

"Wala naman po, bakit?"

"Ang tamlay mo kasi mula pa kahapon, may problema ka ba?"

"Wala po akong problema ma, ayos lang po ako " Ngumiti ako sa kanya para di na siya mag alala pa.

"Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong niya sakin

"Wala po ma"  bakit tanong siya ng tanong.

"Kung ganon sumama ka nalang sa kaibigan mo nasa baba siya"
Napabangon ako ng marinig ko yon.
Agad ako bumaba kahit naka pantulog pa ako.
Nakita ko naman si Myka kahit nasa hagdan pa ako.

"Hi Talia!" Masaya niya bati.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto sana kita isama sa family camping namin eh." nakangiti parin siya. Naka rugby ba ang babaeng 'to, kaya nga tinawag na family camping dahil para sa pamilya lang tapos isasama niya ako, pamilya ba kami.

"Ayoko!" Tatalikod na sana ako ng hilahin niya Ang kamay ko.

"Talia please just this one, pumayag kana, wala kasi akong makakausap do'n." I signed. May magagawa pa ba ako.

"Oo na, hintayin moko dito." Umakyat ulit ako sa taas at naligo, nagbihis, nagdala ng kaunting gamit. Naka blue short at plain white shirt lang ang suot ko at naka plain shoes. Bumaba na ako dahil kanina pa naghihintay si Myka sa'kin sa baba.

"Matagal ba ko?" Ngumiti lang siya.
"Sakto lang, tsaka sanay sila maghintay, Tara" agad ako nag paalam Kay mommy at lumabas na kami ng bahay. Nakita ko naman ang malaking van sa labas.
"Nandyan ba pamilya mo?" Bulong ko sa kanya baka kasi marinig.
"Basta tara na!" Tinulak niya ako sa pinto ng Van.
"Buksan muna para makasakay kana!" Bakit ako pa ang magbubukas. Nilingon ko siya pero nakasakay na sa passenger seat kaya no choice kundi buksan ito. Pagbukas ko nanlaki ang mata ko sa nakita.

"Hi Talia!" Sabay bati ng dalawa si Karl at Geo. Anong ginagawa nila dito. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Clark sa pinaka dulo natutulog.
"Sumakay kana Talia para makaalis na tayo." Sabi ni Karl. Saan naman ako uupo.
"Do'n ka sa tabi ni Clark!" Ano? Sinasadya ba nila 'to.

"Humanda kayo sa'kin mamaya!" Bulong ko pero Alam ko narinig nila apat. Naisahan moko Myka. Isa pa itong Nathan sumasali sa kalukuhan nila, bff ba talaga kita.
Umupo ako sa tabi ni Clark at tiningnan siya. Tulog ba talaga to.

Habang nasa byahe sa labas ng bintana lang ako ng sasakyan nakatuon, wala naman akong makakausap dahil tulog itong katabi ko.

"Ang himbing naman ng tulog nito." kahit di niya naririnig. Kumalam naman ang sikmura ko, hindi pala ako nag almusal kanina, wala naman akong dalang pagkain. Itutulog ko nalang to. Tumagilid ako ng upo at sumandal sa may bintana at natulog.

Naramdaman ko naman may kamay ang humawak sa ulo ko at pinasandal sa balikat niya. Binuka ko ang mata at tiningnan siya, natulog siya ulit. Napangiti naman ako. Kahit gusto ko magalit at iwasan ka di ko magawa.  Kahit di ko alam bakit ka nagsusungit sa'kin, pero kahit ganon di parin mawawala 'yang concern mo sa'kin.

                **************

Nagising ako sa ingay ng music galing sa labas. Nakahiga  ako sa upuan ng sasakyan at may jacket na naka patong sa katawan ko. Napansin ko wala ng tao kaya lumabas ako at sinuot ang jacket na tansya ko Kay Clark ito.
Paglabas ko bumungad sa'kin Ang isang parang soccer field sa lawak ng lupa pero merong grass ito at napapalibutan kami ng mga puno. Sa di kalayuan may di kalakihang bahay na gawa sa kahoy.
Pa'no nila nalaman ang ganitong lugar.

"Talia! Gising kana pala, luto ng pagkain, Tara Alam ko gutom kana!" Hinila niya ko. May tent na pala sila nailagay ibig sabihin kanina pa kami nakarating dito. di man lang ako nakatulong tapos sila pa ang nagluto at ako kakain lang, ang galing mo talaga mang timing Talia.

"Kumain kana Talia Alam kasi ni Clark na gutom kana kaya dali-dali siya nagluto ng pag--" nilagyan niya ng pagkain ang bibig ni Geo dahil sa binulgar siya nito.

"Tumahimik ka pwede!" Inis niya sabi
At napatingin siya sa'kin na agad din umiwas dahil naka tingin ako sa kanya.

Palihim naman ako natawa dahil sa kakulitan nila.
"Talia, diba Kay Clark ang jacket na'yan?" Napatingin ako Kay Nathan at sa jacket na suot ko.
"Ahh, oo sinuot ko lang kasi mainit" dahilan ko baka ano isipin nila. Tumango nalang siya.

"Pa'no niyo pala nalaman ang lugar na'to??" Tanong ko sa kanila pagkatapos namin kumain.

"Sa pamilya ko ang lugar na'to." Napatingin ako Kay Myka ng sabihin niya yon. Ibig sabihin sa kanila ang lugar na'to? Ang yaman pala nila, hindi biro ang halaga ng lugar na'to.
"Pag bakasyon binubuksan namin 'to para sa mga gusto mag camping" Ang galing naman.

"So, ano na gagawin natin ngayon?" Tanong ni Geo.

"Puntahan natin yong falls malapit dito tapos maligo tayo dun." Maganda nga yon.
"Sige, Tara!" Sabay namin sigaw.

           ***************

"Malapit na tayo!" Sigaw ni Myka, napansin ko naman nasa may bangin kami kaya napaatras ako.

"Ano ginagawa natin dito babe?" Sabi ni Nathan, bahagya ako nagulat dahil sa tinawag niya Kay Myka. Ayos na ba sila.

"Dito tayo dadaan sa bangin" nakangiti pa siya

"ANO?!!" Sigaw namin lahat sa kanya. Adik ata talaga to eh.

"Papatayin mo ba kami ha, wala na bang simpling daan?" Karl said.

"No one, this one only, tsaka may lubid naman para hawakan natin pababa, Tara na hindi kayo magsisisi pagkatapos nito!" Una na siyang bumaba, sunod si Nathan, sumunod si Geo na panay ang dasal pababa, at si Karl naman pasimple lang pero Alam ko kinakabahan siya.
Kami nalang dalawa ni Clark sa taas  kinakabahan ako, pag sinusubukan ko hawakan ang lubid pakiramdam ko kasi parang mapuputol.

"Ayaw mo bang bumaba?" Napatingin ako sa kanya katabi ko na pala siya.

"Gusto ko, kaya lang kasi--" napatigil ako ng ilahad niya ang kamay sa'kin.

"Kung hahawakan mo lang ang kamay ko hinding hindi kana mapapahamak pa" napatigil ako sa sinabi niya, para bang sinasabi niya na hindi na siya mawawala pa na palagi lang siya sa tabi ko. Napatingin ako sa kamay ko na hinawakan niya. Gusto ko umiyak dahil namiss ko ang boses niya pag kinakausap ko siya at no'ng hawakan niya ang kamay ko.

Sa mga oras na ito, alam ko sa sarili ko na hinding hindi na'ko makakabitaw pa.

End.
Chapter Fifteen.

My Mr. Playboy Secret (Complete)Where stories live. Discover now