Miruelle
Ngayon ay araw ng Sabado at napagpasyahan namin ang maglaba doon sa tinatawag nilang lamak. Sabi ni beshy kung titingnan ay parang sapa ito, ngunit ang tubig ay galing sa lupa na kung tawagin ay bukal.
Pagkadating na pagkadating namin sa lugar ay hindi ko maiwasan ang mamangha.
True to her words.
Merong anim na bukal na nakahilera. Napakalinaw ng tubig at kitang kita ang maliliit na isdang tabang ang lumalangoy sa bandang gitna. Kung titingnan ay parang sapa ito liban nalang sa mga bukal. Napapalibutan ito ng mga puno kaya kahit papaano ay malilim ang bahagi ng mga bukal.
Sa bandang kaliwa naman ay ang mga katubuhan na ayon kay beshy ay kakatanim lang kaya maliliit pa ang mga ito.
Hays. I don’t wanna leave this place. Araw-araw nalang akong namamangha sa mga bagay na natutunghayan ko.
“Tch. Close your mouth kung ayaw mong pasukan ng langaw.” Bigla akong napatakip sa bibig ko ng marinig ang pamilyar na boses. Tss. Kahit kailan talaga panira ang isang ito. Hmp.
Hindi ako nainform. Kasama pala siya.
Imbes na sumagot ay sinamaan ko lang siya ng tingin at nilagpasan ito. Nagtungo ako kina beshy na naka pwesto na sa ika-aapat na bukal. Agad naman akong pumwesto at kinuha ang mga marurumi kong damit. This is my first time to wash my own clothes and I am so excited.
I was about to start ng maalalang hindi ko pala alam ang gagawin. Magtatanong na sana ako kay beshy kaso nakakahiya baka marinig ako ng iba pang mga dalaga na nandito kung kaya nanatili nalang ako sa pwesto ko at pinagmasdan ang ginagawa ng ibang mga naglalaba sa ikalimang bukal.
Ha! You’re so brilliant Miruelle. Just observe them for you to learn.
Marami-rami din ang naglalaba dito. Yung iba ay magbabarkada at yung iba naman ay pamilya. Nakakatuwa lang na kung sa syudad tulad ng Manila ang bonding ng pamilya at magkakaibigan ay ang pagpunta sa mall. Pwes ibahin niyo dito dahil ang bonding nila ay sabay sabay na paglalaba. Napaka simple pero nakikita mo ang tunay na saya sa mga mukha nila.
Matapos ko silang pag-aralan kung paano maglaba ay agad akong nagsimula. Inuna kong basain ang mga puti at sinunod ko naman ang mga dekolar at huli ang mga underwear. Pagkatapos ay gamit ang tabo sumalok ako ng tubig papunta sa batya ko at nilagyan ko ito ng sabon panlaba. Take note, its an organic detergent na produktong dito gawa ng mga taga dito. Nang sa ganun at environmental friendly pa rin.
Nagsimula na akong kusutin ang mga damit ko. Sa totoo lang ay nahirapan ako sa pagkusot. Its because I never done this before and I must say it was tiring and masakit sa kamay. Bigla ko tuloy naalala yung labandera namin sa mansyon. Siguro masyado siyang nahihirapan tuwing naglalaba.
So note to myself, wag marumi sa damit at kung maaari iwasan ang ilang beses na pagpapalit ng kasuotan kung hindi naman kinakailangan.
“Okay ka lang Elle?” Tanong sa akin ni beshy at inabutan ako ng malamig na tubig kaya agad ko itong inabot at lumagok. Ah, sarap nung malamig na tubig lalo na’t pagod ka.
“Yep. I’m doing fine Margs.” Sagot ko sa kanya.
The thing is I used to call beshy as Margs here in their place kase nga bawal ko siyang tawaging beshy dahil baka mahuli kami. Sa totoo lang ayaw na ayaw niyang tinatawag ko syang Margs kahit nasa Algernon (my place) pa kami. Masyado daw kaseng pang-millenial and she hates it.
Kaya tuwing tinutukso ko siya or I needed her to give up on something I wanted I just called her Margs and poof pagbibigyan niya na ako.
While ako naman ayaw na ayaw kong tinatawag niya akong Elle. Masyadong ipinapaalala sa akin ang pagiging only child na kaakibat ang pagiging spoiled ko daw according to my basher. Tss.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.