- 7 -

12 2 0
                                    

[AN: picture is for inspiration only. Feel free to use your imagination in every scenes/scenarios ❤]

Miruelle

Pinag-aralan ko muna ng mabuti si Hans bago ko ibigay ang sagot ko. Kung tutuusin mukha naman mabait si Hans eh.

Ang kaso kakakilala ko lang sa kanya. Baka mamaya rapist pala ang isang ito, naku baka kung ano pa ang mangyari sa akin. Pero kase kung hindi ako sasabay sa kanya baka hindi ako makauwi kina beshy. Baka mamatay ako sa dengue dito dahil sa dami ng lamok. Alagang belo pa naman itong balat ko tapos kakagatin lang ng lamok. No way!

"Ah hindi na Hans. Hintayin ko nalang si Margaret." Malambing ko na sagot.

Kailangan kong maging mabait kase sabi nila pag ininis daw ang taong may masamang balak sa iyo mas mapapaaga o mas mapapabilis ang binabalak nila sa iyo.

Kaya ang solusyon ko, kailangan ko idelay kung ano man ang binabalak nila. Nang sa ganun makaisip ako plano paano makatakas sa taong may masamang balak sa akin. Tulad ngayon.

Pakiramdam ko tuloy sasabog na ang puso ko sa kaba.

Hans is a good looking guy. But right now feeling ko he is into something. May balak siyang masama sa akin. The way he looked at me parang kakainin niya ako.

Naiiyak na ako. Where are you beshy? How could you do this to me?

Umahon ako sa tubig at umupo sa tuyong bato. I embrace myself dahil giniginaw na rin ako. Nandun pala kay beshy yung pamalit namin tsaka towel kaya ito ako ngayon parang basang sisiw.

"Alright. Samahan nalang kitang maghintay." Nagulat ako ng marinig si Hans na nasa harap ko na pala. At hindi naman nakawala sa akin ang pagsenyas niya sa dalawa niyang kasama na upang paalisin ito. Kaya ngayon tanging ako nalang at si Hans. May naliligo pa naman kaso nasa bandang malayo sila mula sa amin.

"So...Elle balita ko nagbakasyon ka lang dito. Am I right?" tanong nito sa akin. Teka kelan pa naging balita ang pag-bakasyon ko dito?

"Huh? Ah oo." Tipid kong sagot dahil ayokong makipag-usap sa kanya. Baka maging assuming pa siya pag hinabaan ko ang sagot ko. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa ginaw. Nangangatog na tuloy ako.

"You're cold?" sabi nito ng makitang niyakap ko ang sarili ko.

"I don't have something to keep you warm but I think I can give you human heat." Pilyo nitong sabi at akma na sana akong yakapin pero umilag ako at tumayo.

"No its okay. I can manage." Sagot ko at lumayo sa kanya.

"I insist. Para mabawasan ang ginaw mo. You see, giniginaw na rin ako at giniginaw ka. So if we cuddle each other for sure mababawasan ang ginaw natin." Paliwanag nito na tila ba ay isa itong napaka-perfect idea. Gosh. Mga galawang lalaki talaga. Tsk.

"No. I said okay lang ako. Just-just hug yourself."sagot ko naman. I can't find anyword to say to him anymore para lang tantanan niya ako.

"I said lets cuddle each other. Wala namang maawawala saiyo ah. Giniginaw ako, giniginaw ka. Simple ang solusyon--- human heat. Or else baka ibang human heat ang gusto m-----"

Natigil sa pagsasalita si Hans ng makatanggap siya ng isang malakas na sapak galing sa taong hindi ko inaasahan na sasagip sa akin.

"M-Matt." Nanginginig kong sambit.

"Don't.you.ever.lay.your.hands.to.her."mahina ngunit may diin na sabi nito kay Hans. I can feel that Matt is mad base on his voice.

Hindi na hinintay pa ni Matt magsalita si Hans at hinila na ako nito kung saan. Ang higpit higpit ng pagkahawak niya sa akin kaya pilit kong binawi ang kamay ko.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon