- 8 -

10 2 0
                                    

Miruelle

Kasalukuyan akong tumutulong kina Lola Mareng, tiya Ema at tiya Mona sa pagbibilad ng isdang gagawing tuyo. Marami kase ang huli nila tiyo Lando at tiyo Lito sa pangingisda kung kaya ang iba ay binilad namin.

Nakasuot ako ng oversized T-shirt at pants. At katulad nila Lola Mareng ay pareho kaming nakasuot ng salakot.

"Lola? Okay lang po ba kayo?" Nag-aalala kong tanong kay Lola Mareng nang mapansin na natigil ito at napahawak sa dibdib niya.

"Ma? Okay ka lang? Pagod kana." Nag-aalala din na lumapit si Tiya Ema sa amin.

"Hindi. Okay lang ako-----."

"La!"

"Ma!"

Sabay kaming napasigaw ni Tiya Ema nang muntikan nang matumba si Lola Mareng.

"Buti pa ay pumasok na kayo Tiya Ema. Ako napo ang bahalang magtatapos nito." Pagbubuluntaryo ko.

"Sigurado ka ba hija?" Tanong ni Tiya Ema.

"Opo. Pati ikaw na rin po Tiya Mona. Magpahinga napo kayo. Masyado na pong maiinit. Hindi po makakabuti sa inyo ang mabilad." Sabi ko. Alam ko kaseng high blood si Tiya Mona kaya dapat ay hindi na siya masyadong magbilad sa init.

"Oh siya sige. Maraming salamat. Basta pag di mo na kaya ang init ay tigilan mo na yan ha." Habilin ni Tiya Mona at inalalayan na nila si Lola Mareng papasok ng bahay. Wala pala si beshy. Pumunta ng bayan para ibenta ang mga nahuling isda ng papa niya.

Nang masiguradong nakapasok na sila Lola at Tiya Ema at Tiya Mona ay nagsimula na ulit ako sa pagbibilad ng mga isda.

Mga nasa dalawa at kalahating balde nalang naman yung ibibilad ko at medyo maiinit na rin dahil alas dyes na ng umaga.

Abala ako sa ginagawa ko nang may maaninag akong bulto nang lalaki na ngayon ay tumutulong na magbilad.

Baka si Renzo, bait na bata talaga.

Mabilis natapos ang pagbilad namin, kaya pasalamat ko kay Renzo.

Nagpunas ako ng pawis at humarap kay Renzo.

"Salamat Renzo----"

Natigilan ako sa sinasabi ko nang mapagtantong hindi yun si Renzo kundi si Matthew.

"Oh, sorry. I thought you're Renzo." Tanging sambit ko nalang at dali-dali na umalis sa harapan ni Matt.

"Sandali!" Pigil nito sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

"Bakit?" Walang ganang tanong ko.

"Uhm. Ano---- kase------ yung, yung-----"

"Alam mo, may gagawin pa kase ako. Kaya kung hindi naman importante ang sasabihin mo una nako sayo." Mahabang sabi ko at tuluyan nang umalis sa harap niya.

Hays. Bakit ka ba umiiwas Miruelle!? Di ba dapat siya ang umiwas. Tsk.

----------

Pasado alas dyes na ng gabi at hindi ako makatulog kung kaya ay lumabas ako ng bahay at naisipang maglakad-lakad para magpahangin.

Nagpaalam naman ako kay beshy kaya alam niya kung saan ako pupunta samantalang nasa kanya-kanya nang kwarto ang pamilya nito.

Ewan ko ba simula nung tagpo namin ni Matt sa lamak ay naging matamlay ako. Dalawang araw na din ang nakalipas pero hindi pa rin ako maka get over. Palagi ko nga siyang iniiwasan eh.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon