Video Record

88 1 0
                                    


NOTE: Inspired in the story of Aly Almario the 'Voice Record'. hope you enjoy guys! :) if may wrong grammar man, then I'm so sorry for that. And also for the typos, sorry na din? Hahaha. Gg lang mga mehnszxk.




VIDEO RECORD
by Celestialcokeys


Ok? *clear throat*

Hello, Michael. Ahh— *nervous laugh* pasensya ka na, ngayon ko lang ito gagawin. Habang nandito ako sa kwarto mo, naisipan kong gumawa ng isang video for you. Nakita ko itong video recorder mo sa kwarto, so that's it.

Kamusta? I mean, kamusta ang lagay mo ngayon? Actually ang purpose talaga ng video na ito is to thanked you. Salamat kasi tinulungan mo 'ko. Tinulungan mo ako nung nakita mo ako sa daan ng madungis, sugatan, nakita na umiiyak at nakasalampak sa daan. Akala ko, sa mga oras na iyon, ay wala nang tutulong sa akin na ibang tao. Sa lahat nang mga taong napapadaan sa daang iyon, ay iniiwasan lamang ako at hindi pinapansin.

Inayusan mo ako pagkarating natin sa bahay mo. Pinapaligo mo ako pagkatapos, nilinis mo ang mga sugat na nakita mo sa buong katawan ko. Pinakain mo ako na para ba akong inampon na bata, *nervous laugh* kasi sobrang gutom ako nun? And hindi naman ako nakakain ng ilang araw.

Ilang beses ako nagpasalamat sa iyo pero tanging mga ngiti mo lamang ang isinasagot mo. Hindi ko din tuloy maiwasang mapangiti dahil yang mga ngiti mo? Nakakahawa kapag panay kong nakikita iyon sa iyo.

Tinanung mo ang pangalan ko at sinabi ko naman ito sa'yo na tawagin no nalang akong 'Jennie'

At ganun din naman ang ginawa mo. Tinanong mo sa akin kung papaano ba ako nakarating sa lugar na iyon. Tinatanung mo kung bakit puro ako pasa at sugat. Pero ang tanging sagot ko lang ay 'siya.'

Kasi ang taong tinutukoy ko, ay ang asawa ko.

Siya ang may gawa sa akin ng lahat ng iyon. Siya ang nanakit sa akin. Nag-alala ka pagkatapos kong ikwento ang mga iyon, kaya pinalipas mo muna ang mga ilang sandali pa na manirahan ako sa bahay mo.

Tinanung ko naman kung ano ang estado mo sa buhay. At ang sabi mo sa akin, ay isa kang nurse sa isang kilalang hospital malapit sa bayan. Namatay kamo ang asawa mo sa pagkakaaksidente na mabundol siya ng isang sasakyan. Hanggang ngayon ay nagdadalamhati ka, kaya pasensya na ka.

Habang wala ka, at nasa bayan ka, nanggagamot at nagaasikaso ng mga pasyente, Ako naman ang tao dito sa bahay mo. Abala ako sa paglilinis ng bahay mo dahil medyo makalat ang bahay. Siguro napabayaan mo nang marumi ang bahay at hindi nakakapaglinis dahil sa inaalala mo ang pagkawala ng asawa mo kaya, Ako na ang gumawa nito kapalit ng pagtulong mo din sa akin, tutal walang wala naman talaga ko sa ngayon.

Makalipas ang ilang araw, naging malapit na ang loob ko sa iyo. At nung isang gabi, hindi ko inaasahang hahalikan mo ako sa labi, Hanggang sa gabing iyon ay may nangyari sa ating dalawa. Minahal mo ako, at minahal din kita. Simula no'n naging masaya lang tayo.

Pero kanina lang na masaya tayo kaso May mga nagpuntang pulis at mga nakadamit na uniform na pang-nurse sa bahay mo.

Nabuhay na naman sa aking katawan ang takot.

Nagmakaawa ako sa iyo na itago mo ako sa kanila, dahil kilala ko ang mga pulis na iyon. Isa din sila sa mga tinatakbuhan ko. Dahil pinagbibintangan nila ako.

Pinagbibintangan nila na pinatay ko ang asawa ko.

Alam mo ba, habang nagtatago ako sa sa kabinet na malapit sa dining area, at naririnig ang mga pinaguusapan ninyo, ay gusto ko nalang na matawa.


HAHAHAHAHAHA! tarantado kasi siya. Kung hindi siya nangielam sa akin sa pangunguha ng pera niya, edi sana buhay pa siya ngayon!

Ang galing-galing niyang mangielam! Pare-pareho kayong mga lalaki. Kung hindi kayo pakielamero, ang hihina ng mga kokote niyo. And also a loser.

VIDEO RECORD Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon