O_O
Nakatayo lng ako ngayon habang abala sila sa paghahanda ng mga gamit ko.
May nakikita akong uniform, bag, payong at kung anu-ano pa.
"Ms. Jilian nakahanda na po ang paliguan nyo" Ellie
Iginaya na nila ko patungo sa banyo at syempre SPG na Ang susunod Kaya wag nyo na alamin 😁
One week na rin Ang nakaraan matapos ung Debut ko.
Sa sobrang dami ng pangyayari nung gabing yun halos nahirapan akong maproseso lahat yun sa isip ko, anjan ung naiisip ko ung pangyayari sa mga magulang ko.Ang dami kong tanong na gustong masagot pero hindi ko na matanong sila Auntie tungkol dun dahil hindi nila ko sinasagot.
Nga pla, ngayong araw ung First day of school ko as a real student. Para sakin ngayon Real student na tlga ko dahil Gaya ni Natalie papasok na rin ako sa School Kung saan Siya nag aaral.
Kung Alam nyo lng Kung ganu ako ka excited ng malaman Kong mag aaral na ko sa isang University.
Hindi lang nmn ako nakatulog sa sobrang excited ko 😂"Ms. Jilian handa na po ba kau?" Tanong ni Yaya Amber ng makapagbihis ako, habang inaayos niya ung laman ng bag na hawak niya.
Hindi agad ako nakapagsalita.
"Teka? Yaya Amber sakin ba Yan?" Sabay turo sa bag na hawak niya
"Opo." Sagot Nia
"Ehh. Asan na po ung backpack ko ung may strawberry sa gitna kulay pink ung zipper?" Sabay hanap ko sa paligid ko.
Yun kasi yung gamit ko tuwing dumarating ung teacher ko dito sa kwarto.
"Ms. Jilian ibang mundo na yung pupuntahan mo at Isa pa dalaga ka na Hindi na pwede ung ganong mga gamit sayo" natatawang komento ni Yaya Amber.
Kung ganun mag aaral ako sa ibang planeta? Daming alam ni Yaya Amber eh.
Pero sa bagay, nakikita ko nga ung klase ng mga bag na gamit ni Natalie tuwing lalabas siya, katulad nung bag na hawak ni Yaya amber.
Haysss. ..
For the first time in the history of my boring life makakapag-aral na ko kagaya ng ibang estudyante 😍
Hindi ako pwede ma late kaya binilisan ko ang bawat kilos ko.After 59 minutes...
Charannnnn!!!!!
Handa na si Student Jilian 😁
Ang bilis ko dba? At least di inabot ng 1 hour
Nag pose ako sa salamin. Hinahanap ko ung anggulo ko, dito yta medyo pa- side tapos chin up Ayan. . GANDA 😉
Infairness ang cute ng uniform na toh, hindi kaiklian ung green skirt at may maliit at cute na green ribbon pa sa blouse. Mahaba ung medyas kaya hindi ako lalamigin. Lamigin kc ako eh pero mahilig ako sa ice cream ska fruit salad isama mo pa ung leche plan grabe Heaven! 😍
ay bat napunta sa pagkain? anlayo na!"Good morning classmates!" Bati ko sa salamin. Practice lng para sa introduction ko mamaya.
"I'm Jilian Kelly Moore, 18 years of age and I do believe that beauty is in the eye of the beholder so behold and be amaze by my beauty! Thank you! I love you all." Sabay smile 😁
"I love you too pero Labas na daw po kau jan Ms. Jilian" tawag ni Ellie habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
Agad Naman akong naglakad palabas ng kwarto at bumaba ng hagdan. Naalala ko bigla yung moment ko dito 😂 Plano ko tlga nun lumabas para bumili ng Ice cream, cake , Burger Basta lahat ng paborito ko tapos mamasyal ako kahit sa isang park lng. Birthday ko nmn nun Kaya gusto ko Sana sumaya kaso ayun nga nabulilyaso lahat!
YOU ARE READING
The Princess Return
Novela JuvenilThey call me Prinsesa ng kamalasan. kaya bata pa lng tinatago na nila ko na parang preso :/ My life was no good, until I turned 18 ^_____^