MARIAS OF MY LIFE
Maria Jewel Aguinaldo
THE BODYGUARD
written by: BlackroseChapter 5
Linggong-linggo ay start na ako bilang bodyguard ng malanding si Cale. As early as 6:30 kanina ay nasa may gate na ako waiting for my new boss to come out of his condo. Maggo-golf daw siya today sa LE Country Club na halata naman sa pangalan pa lang na pag-aari rin niya ang naturang lugar. Since naka-duty ako ay naka-all black na naman ako with matching shades this morning dahil mataas narin ang sikat ng araw kahit maaga pa lamang. Kasalukuyan ng palabas ang new boss ko na naka-white cotton shorts, white na polo shirt at katulad ko rin ay naka-shades rin siya. Huminto pa siya sa tapat ko at sa tapat ng driver niya, he stare at me from head to foot na tila mo may mali sa suot ko.
'Do you usually wear those kind of outfit even on a Sunday? Ang init-init yet naka-leather jacket ka pa! Remove that jacket of yours before you enter my car!' at umalis na siya sa harapan ko.
Anong problema ng isang yun? Ke aga-aga busangot ang pagmumukha at ang init na agad ng ulo! Siguro hindi naka-score kagabi ang isang yun or most probably ay nabitin kaya high blood na as early as 7:30 in the morning.
'Ganyan talaga si Sir Cale kapag hindi nahusto ang pagtulog, masungit. Paki alis na lang ang jacket mo J bago ka pumasok ng sasakyan, madadamay kasi ako kapag nakipag-matigasan ka pa sa kanya. Paki na lang ha? Salamat.' pakiusap sa'kin ni Mang Fabian, ang driver ni Cale.
Dahil sa ayoko naman na may madamay na iba nang dahil sa akin ay hinubad ko na ang jacket ko at pumasok na sa sasakyan sa unahan. Katabi ko si Mang Fabian.
'Who told you to seat there?! Dito ka sa likod! Bodyguard ka kaya dapat dito ka malapit sa'kin dahil baka may umatake sa'kin dito, lalabas ka pa jan bago mo pa ako matulungan!'
Tumaas ang isang kilay ko dahil sa pagalit na turan niya sa akin. Anong ginawa ko sa kanya para maging harsh siya sa'kin? No choice ako kaya lumabas ako sa passenger seat at pumasok sa backseat bitbit ang jacket ko, umupo ako ilan dangkal ang layo sa kanya. Umandar na ang sasakyan niyang pang-mayaman. Maggo-golf naka-BMW? Kung hindi rin naman napaka-hambog ng isang ito, ang yabang at ang angas pa na akala mo may-ari ng buong mundo! Naghari ang katahimikan sa loob ng sasakyan, ayoko sa lahat ng tahimik kung hindi rin lang naman ako gumagawa ng mga paperworks kaya in-on ko ang bluetooth speaker ko na nakalagay na sa tenga ko at kinuha ang ipone ko sa inside pocket ng suot kong body holster vest. Namili ako ng kanta from my playlist saka ito pin-lay. Unang araw ko palang bilang bodyguard ng CEO and President ng LED Inc. pero ganyan na agad ang treatment niya sa'kin. Alam ko naman ang mga style niya, hindi na bago sa'kin ang mga ganyang estilo. Aasarin at gagalitin niya ako, sasagarin niya ang pasensiya ko para ako mismo ang mag-quit bilang bodyguard niya. Well, sorry na lang siya dahil tinatapos ko parati ang mga assignments ko and I don't know the word quit. Wala sa vocabulary ko ang salitang pag-ayaw or quitting. He just have to deal with me at pagtyagaan ang pagmumukha ko even my presence hanggang sa mapatay ko ang kung sino man na gustong pumatay sa kanya. Nalibang ako sa pakikinig ng music that I wasn't aware nandito na pala kami sa destination namin. Bago pa man ako makalabas ng car, nagsalita si Cale kaya napahinto ako sa kinakaupuan ko.
'I don't want you near me kapag nasa field ako. Stay away from me as much as possible, ayokong kay naka-aligid sa'kin but still you've got to keep an eye on me. Do you job and don't mingle with anyone, is that clear?!'
'Crystal.' ngumisi pa ako at sabay pa kaming lumabas ng ng sasakyan.
Pagpasok namin sa loob ng LE Country Club sa may Green Pavilion ay binati agad siya ng mga staffs na nakakita sa kanya. Pagdating namin sa golf course ng nasabing lugar ay sinalubong naman siya ng apat na may edad na lalaki, I alerted my senses at nagmasid sa mga kalalakihan na kausap ngayon ni Cale. Katulad ng sinabi sa'kin ni Cale sa loob ng sasakyan niya, dumistansya ako sa kanya at nakatayo lang ako sa shed wherein ako lang ang nandun. Nakita ko kanina si Mang Fabian kasama ang ilang drivers ng mga bigtime na nandito na nagkakape sa may coffeeshop ng Country Club. Nabuhay ako sa loob ng 10 years sa BRICA with a certain quote always in mind. Tinuro sa'kin noon ni Big Boss when I was just starting with BRICA that you should always "Keep your friends close but keep your enemies closer". At alam kong ina-apply rin yan ng mga masasamang tao nowsadays, ginagamit nilang tactics yan para hindi sila mahalata ng mga targaets nila at hindi sila paghinalaan or pagdudahan. Kaya there's a tendency na pwedeng isa sa apat na kasama ngayon ni Cale ang mastermind ng mga death threats sa kanya.
BINABASA MO ANG
Marias Of My Life -MARIA JEWEL AGUINALDO (THE BODYGUARD)
Storie d'amoreMARIAS OF MY LIFE Maria Jewel Aguinaldo THE BODYGUARD written by: Blackrose Genre: Action/Romance ----------'--,-'--,-{@ TEASER Simpleng buhay lang ang gusto at pangarap ni Jewel nang nag-dalaga siya. A happy, healthy and complete family, have a deg...