Chapter 48

34 3 1
                                    

It's the following Tuesday morning at wala pa akong nababawas sa mga trabaho ko.

Kanina pa ako nakaupo sa workstation ko at nagpipigil na mag-lakad papunta ng H.R. para ano? Mag-file ng complaint or manugod - hindi ako sure.

Although hindi na ako masyado nagulat sa nabasa kong report and seeing May's name there, it still doesn't make it okay. Kahit na alam kong matagal nang may galit sa akin yang babaeng yun, the way she tried and succeeded to torment me is sobrang evil. I mean diba? Sino ba namang nasa tamang pag-uutak ang gagawa ng ganun? Para saan? Para lang masira ang buhay ko? Grabe naman sa galit, para syang kontrabida sa teleserye.

And now that I have this information, ano nang gagawin ko? Gusto ko pa bang magpaka-patola or take the high road and let Ms. Claire crack her whip and serve her with a disciplinary action?

Huminga lang ako ng malalim at nagdecide na I'll let karma take it's course at hayaan ko na lang muna kung anong mangyayari.

After all, I choose to be happy and right now these bad vibes are spoiling my good mood.

I put the report down pero I bite my lip and take a look at it again, sa pirma sa ilalim ng report. Charles Santos, IT Manager.

He really stuck to his promise at talagang inalam nya kung sino ang nagpakalat ng picture na yun.

Does that mean anything? Should it mean something to me? Or I'm just reading too much into it?

After all, apektado rin naman sya, Manager sya and nadamay sya sa chismis so it's pretty fair na patulan nya yung mga ganito.

Tsaka asa lang kasi ako kaya ako nagkakaganito.

I shake my head and look at my calendar.

I put a big red "x" mark on yesterday's date and say to myself, "Twenty nine days to go, Olga."

***

I strode through the elevator doors with my head held high. Feeling ko lahat ng makakita sa akin nanlaki ang mata or umiirap. Well, wala akong pakielam sa inyong lahat. Ilang linggo na akong hindi kumakain dito sa canteen at I've decided na my last days here will not be spent hiding in my cubicle or sa saya ng boss ko, haharapin ko kayong lahat dahil sa totoo lang wala naman akong ginawang masama.

Pagdating ko sa table nila Jem at Cherrie tumayo silang dalawa at nagpalakpakan. Edi lalo nagtinginan ang mga empleyado sa amin, napailing na lang ako habang nauupo, "Para kayong sira."

"Na-miss ka kasi namin, bes." Ngumiti lang sa akin si Jem.

Bigla naman akong nalungkot, in a few weeks hindi ko na makikita ng madalas 'tong mga mokong na 'to.

Bigla rin sumimangot si Jem, "Bakit bes? Ano meron?"

I shook my head, "Mamaya na lang, kumain muna tayo."

Tumayo kaming tatlo at pumila, I still get weird glances from our officemates. Parang mga nagtataka kung bakit nandun ako, hello? Hindi ba pwedeng kumain?

Gusto ba nila mamatay ako sa gutom or sa kahihiyan? Whichever comes first?

I roll my eyes.

Nag-lunch na kami nila Jem and Cherrie. In-update nila ako sa mga nangyayari sa office, pero I told them na kung chismis ayaw ko na marinig. One thing I've learned dito sa mga nangyari sa akin, perpetuating the lie is just as bad as spreading it.

So para respeto na lang rin sa ibang tao na gaya kong biktima – or kahit na hindi, whatever, hindi naman nila ako inaano at buhay naman nila yun so wapakels ako dapat.

She's So Extra (Kiligserye Book1) | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon