Chapter 12: King

1.5K 40 8
                                    

Chapter 12
King.
❌❌❌




"Muka ba akong lalaki?", naiinis na tanong ko kay Kevin the beki. Nagdala siya ng mga bagong damit para sa'kin, at inaayos niya rin iyang closet ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa tinuran ni Law kanina, kaya nakatulala pa rin ako sa kisame habang nakahiga dito sa kama. King? Ako? Muka ba akong lalaki?

"To be honest, you look like a poor little kid na namamalimos sa Luneta! Ang pangit mo!", maarteng saad ng walang kwenta kong kausap. Nabu-bwisit lang ako sa kanya e.

"Hindi naman 'yan ang tanong. Kako, muka ba akong lalaki?"

"Oo! Muka kang lalaki. Mas nagmumukha pa akong prinsesa kaysa sa'yo!", at inayos naman niya ang kunwareng buhok palikod ng kanyang tainga. Si Kevin ay hindi girly girl na bakla. Ang itsura pa rin niya ay lalaki pero ang galaw niya ay babae. Hindi siya iyong tipong mahaba ang buhok at crossdresser.

May naisip tuloy ako...

Bumalingkwas ako mula pagkakahiga at hinarap ko si Kevz. "Gawin mo akong babae!", bulalas ko sa kanya na ikina-nuot lang ng kanyang baluktot na pagmumukha.

"Hay naku. Marami akong ginagawa. Nandito lang ako para -"

"Please... please...", kumalambitin na ako sa braso niya bilang pagmamaka-awa.

"Bakit gusto mo maging babae bigla ha? Bakla ka!"

"Basta lang!"

"Nagpapaganda ka siguro para kay Master!", ang mga mata niya ay naniningkit na tila kinikilatis ang buo kong kaluluwa.

"Hindi ah!", malakas na depensa ko.

"Weeh, defensive much?", at ngumisi ngisi pa siya. Papatayin ko ang baklitang ito e.

Bumuntong hininga na lang ako at umamin. "Oo na... Gusto kong maging maganda para kay Law."

Siya naman ang humingang malalim at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Isa lang ang payo ko, kung gusto mong maging maganda, just be yourself.", nginitian niya ako tapos tumalikod na at naglakad na paalis. "Bye, may fashion show pa ako in 30 minutes.", dagdag niya sabay pakendeng kendeng pa.

Tumigil na ako at nagmuktol ulit sa kama. King? Masculine lang akong babae pero... haaay... Ayo'ko na mag-isip. Ang hirap lagyan ng kahulugan ang bawat salita ni Lawrence! Naguhuluhan lang ako kapag lalo kong iniisip!

Sunod na nagbihis na ako para school...






❎❎❎🔫







Hindi ko naiwasan ang mga masasamang tingin sa'kin ng mga babaeng nadadaanan ko. Kanina pa mula parking lot hanggang hallway, at hanggang dito sa classroom ay pinagtitinginan ako at tila ba may binubulong na hindi maganda. Nakakairita!

"Oh, nandito na pala ang talandi!", salubong sa'kin ni Cassandra. Kilala ko siya dahil may history na kami. And by history, I mean matagal na siyang inggit sa kagandahan ko, ano pa ba?

Nakakibit balikat pa siya na akala siguro niya nasisindak ako. Pwes hindi! I have the urge to kill her right at this moment. Sa totoo lang, walang dahilan para magdalawang isip!

"What a sight! Matapos ang lantaran mong pakikipag-landian sa library, may mukha ka pang maihaharap?", maangas niyang saad.

"Inggit ka?", tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Hindi ako maiinggit sa isang expelled na estudyante dahil lang sa kalandian niya.", ngumisi pa ang sira ulo.

"Hinalikan ako ni Lawrence, naka-sex ko rin siya... Sinabi kong pagmamay-ari ko siya at tumango lang siya na parang nagmamaka-awa pa. Samantalang ikaw? Hanggang talampakan ka lang niya.", nginitian ko siya. "Mae-expell man ako, it's worth it. Don't you think? Isang Escala iyon!", taas noo kong pagmamayabang. Tsaka ko siya nilagpasan sabay sadyang bangga sa balikat niya.

Dominated by Law [Escala Empire #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon